29/07/2026
🇵🇭**𝐅𝐋𝐀𝐆 𝐑𝐀𝐈𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘 | 𝐉𝐮𝐥𝐲 𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔**
Muling nagsama-sama ang buong komunidad ng paaralan noong **𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔** para sa ating Flag Raising Ceremony, isang makabuluhang pagtitipon na nagpapaalala sa kahalagahan ng **𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚, 𝐝𝐢𝐬𝐢𝐩𝐥𝐢𝐧𝐚, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧.**
Hindi lamang ito isang lingguhang programa, kundi isang pagkakataon upang patatagin ang ating mga pagpapahalaga, kilalanin ang mahahalagang anunsyo, at ihanda ang bawat isa sa mga gawain at hamon ng bagong linggo. Sa pamamagitan ng sama-samang pag-awit ng pambansang awit at paggalang sa ating watawat, ipinapakita natin ang ating responsibilidad bilang mga kabataang Pilipino at mga kasapi ng ating paaralan.
**𝙉𝙖𝙬𝙖'𝙮 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙨𝙥𝙞𝙧𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙇𝙪𝙣𝙚𝙨 upang magsimula nang may positibong pananaw, dedikasyon, at determinasyong makamit ang ating mga mithiin. Sama-sama nating ipagpatuloy ang paglinang ng kaalaman, mabuting asal, at aktibong pakikilahok sa bawat gawain ng paaralan.
✍🏻: SENIOR SCOUT BENJ YZZIAH API
📸: G8 REP: SENIOR SCOUT PASIGNAHIN, GIAN