Spoken Words

Spoken Words "Ito ang Pag ibig na sing lawak ng kalawakan"

SA LIKOD NG AKING MUKHA(admin) Bago mo pakinggan ang bawat linya nitong paksaBago mo basahin ang bawat berso nitong tula...
30/06/2020

SA LIKOD NG AKING MUKHA
(admin)

Bago mo pakinggan ang bawat linya nitong paksa
Bago mo basahin ang bawat berso nitong tula
Nais ko sanang mabuksan muna ang pananaw ng madla
At humihiling na ito'y subaybayan nang may malawak na pang unawa

Marahil, naranasan mong lumahok sa isang paligsahan
Likas sa iyong puso ang hangaring maipanalo ang iyong koponan
Basta't abot ng 'yong makakaya'y wala kang uurungan
Ngunit paano mo ipagtatanggol ang panig ng kaliwa sa kanan, KUNG SARILI MO NA ANG KATUNGGALI SA LABAN...
(itutuloy...)

"Kasagutan"Nang magsimula ang dapit-haponSumulpot ang bawat hamonAng lahat ay nagimbalSa pagsapit ng gabi hindi mo hinil...
28/06/2020

"Kasagutan"

Nang magsimula ang dapit-hapon
Sumulpot ang bawat hamon
Ang lahat ay nagimbal
Sa pagsapit ng gabi hindi mo hiniling tumagal

Tila naging mga bulag sa gitna ng kadiliman
Pinipilit ang pag-ahon sa agos na ang hirap labanan
Paano dedepensa sa bagay na di natatanaw
Paano kakapit kung nais ng lahat ay bumitaw

Maaari ko bang takbuhan na lang ang kasalukuyan?
Subalit hindi,
Patuloy na hahabol ang unos
Dadagsa at madadala na lamang sa agos

Dapat ko pa bang panghawakan ang pangako?
Kahit sa aking paningin, dahan-dahang lumalabo
Mga sinabing salitang nauubusan na ng lakas
Mula sa piitan ako'y nakatago, hindi makalabas

Ngunit ang tangi ko na lang magagawa ay humiling
Sinubukan ko,
Humiling ako ng kalakasan
Ngunit salungat ang nararanasan
Humiling ng ligaya
Ngunit lumbay ang kasagutan

Hindi ko alam kung nais pa bang tumila ang ulan
Hindi ko na alam kung gaanong kabigat ang kanyang pagpatak
Kung bakit kailangan pang tunawin bawat pusong nagagalak

Sumulyap at sa itaas tumunghay
Sa isang lugar, nagtagpo ang "ako" at ang "bukang-liwayway"
Syang umakay wakasan ang nakaraang dapit-hapon
At sinabing sa liwanag Nya, ako'y tumanaw at tumuon

At habang nakatanaw sa sinag ng Kanyang liwanag,

Ang tanging alam ko
Sa kabila ng malakas na pag-ihip ng hangin
Hindi pa rin matitinag ang hagupit ng pusong handang manalangin

Sa kabila ng nagmimistulang higanteng kalaban,
May Tagapagligtas pa rin akong maasahan
Na sa una'y inakala kong mag-isa lamang ako sa gitna ng digmaan
Ngunit nagkamali ako,
'pagkat may umaalalay sa'king likuran at nakahanda upang ako'y tulungan

Totoo! Dumating ako sa puntong hirap ng maniwala
At napapailing sa salitang "magtiwala"
Ngunit nakita kong muli ang Kanyang himala
Mula sa kwento ng isang bulag na nagmakaawa
Hanggang sa may malubhang sakit ay Kanyang pinalaya

Totoo! Nilalamon na rin ako ng takot
Mga pag-aalala sa isipan ko'y bumabalot
Ngunit pinakita Nyang muli nang Sya'y nasa gitna ng karagatan at natutulog sa bangka habang bumabagyo, habang bumabagyo
Dahil alam Nya na may kapanatagan kung maniniwala lang ako
Sapagkat Sya ang liwanag na sagot sa madilim na paligid ko

Sya ang silungan sa gitna ng bagyo
Ang patak ng ulan sa paligid ng lupang natutuyo
Sya ang makislap na bituing nagbibigay ningning sa gabi
Ang natatanging uri ng ngiti na inaabangan ng marami

Sya ang naglagay ng bahaghari matapos ang unos
Ang sa kaaway ay gumapos
Nakabatid na dapat ka nang pagalingin mula sa'yong mga sugat at galos
Ang nagsasabing minamahal ka Nyang lubos

Si Hesus, ang Diyos
Ang sa laban ay tumapos
Narito, nagsasabing may pag-asa
At humihiling na makita muli ang ngiti sa'yong mga mata

"Kilala kita"Kamusta? Ako nga pala ang iyong KaibiganHindi mo siguro nauunawaanPero ito ang aking pagkakakilanlanPinagma...
28/06/2020

"Kilala kita"

Kamusta?
Ako nga pala ang iyong Kaibigan
Hindi mo siguro nauunawaan
Pero ito ang aking pagkakakilanlan

Pinagmamasdan Kita
Natanaw Ko kung pa'no ka ngumiti kapag ika'y masaya
Kapag nabigyan ka ng regalo
Kapag may bumati sa kaarawan mo
Kapag may sapatos kang bago

Sa unang pagkakataong natutunan mong tumayo at lumakad nang walang umaalalay,
Natutunan mong gumuhit at magbilang gamit ang mga kamay
Ang di maalis na titig mo sa laruang kusang gumagalaw
Pinagmamasdan Kita

Nung una kang tumula, sumayaw at umawit
Nakita Ko sa nagniningning mong mga mata ang bawat sabik
Na hindi mo maitagong pilit
Hanggang sa umabot sa'yong panaginip..
Pinakikinggan Ko, ang bawat mong hilik

Sa bawat hiling mong binulong sa hangin
At pag samong sana'y tuparin
Sa bawat tanong ng nangungusap mong mga mata
Nauunawaan Kita

Marahil, minsa'y nakalimot ka
Pero sa Akin, ikaw ang lagi kong inaalala
Na bago mo pa Ako tingnan, tinitigan na Kita
Bago mo pa Ako tanungin kung kilala ba Kita
Oo, kilala Kita

Ako yung madalas mong tinitingala sa gabi
Isang nagliliwanag sa kalawaka'y nananatili
Ako yung mahilig mong kuhanan ng litrato sa sandaling akoy maging hugis perpekto
Kahit anong anggulo, mapangiti ko lang ang labi mo
Pinipilit ko, para lang malaman mong may nakakakilala sayo

At para magkita lang Tayong dalawa sa pagitan ng alapaap
Handa Kong hawiin kahit ganong kakapal ang ulap
Gagawin Ko ang lahat upang ang ikaw at Ako'y makalikha ng pagsulyap
At bibigyan ka ng liwanag sa gabing kadiliman ang yumayakap.

Batid Ko ang mga gabing nilabanan mo ang lungkot
Mga pag-aalala na sa puso'y bumalot ng takot
Sa pagpigil na pumatak ang luha sa mga nakaraang masalimuot
Alam Ko, sapagkat sa iyong mundo patuloy Akong umiikot

Ikaw yung hinahangaan Ko sapagkat kasing tatag ng isang punong di matitibag ang iyong paniniwala
Ikaw yung tumatakbo sa isang landas na kahit napapagod na handang magsabi ng "Kaya ko pa"
Ikaw yung sinasaktan, pero ikaw yung unang nagpapatawad
Ikaw yung binubulungan ng kasinungalingan pero tanging katotohan ang iyong ilalahad

Ayaw mong maging isang mahina
Ayaw mong ang pag-asa'y mawala
Ayaw mong palagi kang nag-iisa
Ayaw mong manatiling hindi malaya

Ikaw yung palaging tumutulong kahit hindi masuklian
Ikaw yung hindi nagtatanim ng galit kahit ang puso mo'y malalim na nasugatan
Ikaw yung hindi nagsasawang ipakita ang pagmamahal kaninuman
At ikaw yung pilit na lumalaban para sa kabanalan

Hinihiling Ko, sana'y magising ka na sa iyong pagkakatulog
Mula sa kamay ng kaaway ayaw Kitang mahulog
Narito Ako nag-aabang mula sa itaas
Sa mga kwentong nakapinid sa isipa'y magbukas

At ngayon ako na iyong Kaibiga'y nagpakilala
Palaging sumusunod san ka man magpunta
Inuulit ko, kilala Kita simula pa nung una
Ikaw, nakalimutan mo na ba kung sino ka?

Kilala kita
Ikaw yung Sakin ay may natatanging pagsinta
Umaawit, may pagpapala man o wala
Nagpapatuloy, umaayon man o hindi ang tadhana

Ilang beses nabigo ang plano mo
Ngunit pananampalataya mo'y di nagbago
Nanatiling lumalaban ang puso
Hindi pa din magawang sumuko

Marahil ikaw ay napalayo
Minsang nilimot Ako
Sa takot ay nagtago
Ngunit hindi Ako

Alam ko
Marami man ang di tiyak sa mundo
Nariyan pa din ako sa puso mo
Nanatili pa din ang aking espasyo

Napalayo man
O piniling magpakalayu-layo
Tandaan mo
Kilala kita higit sa sarili mo

Minsan matatalo ka
Babagsak ka
Masasakatan ka
Manghihina ka

Ngunit kaibigan
Kilala Kita
Tumayo ka
Dahil alam kong KAYA MO YAN!

03/11/2017

Reverse poetry Basahin ng pababa at pataas
》K A I B I G A N《

Walang diyos!
Kaibigan hindi totoong,
May diyos na laging
magmamahal at
magliligtas sayo,
Siya ay katang isip
lamang ng ating lipunan,
Hindi totoo na,
Sasamahan at iingatan ka niya,
Poprotektahan at
Mahal ka niya !
Dahil ang totoo,
Walang magmamahal sayo,
Walang diyos at ,
Huwag kang maniwala na,
May tao siyang ipinadala para sayo at sa mundo at,
May kristiyanong tutulong,
Sa isang tulad mo,
Walang magtitiyaga!
Walang magtatagal at,
Higit sa lahat hindi totoo na,
May diyos na nagmamahal sayo !
KAIBIGAN ito ang totoo !

26/10/2017

Reverse Poetry
"Marawi"
-Rubelyn Verterra
May pag-asa pa!
Pero teka.
Makakabangon Na nga ba?
Sa Kabila Ng kalugmukan
Sa kabila Ng kaguluhan
May pag-asa pa BA?
Tingin ko'y wala Na.
Patayan?
Digmaan?
Kaguluhan?
Barilan?
Patuloy pa BA din ang gyera
Palipat-lipat
Ang mga bakwit.
Ang Gobyerno?
Ang Pangulo?
Kumikilos na ba?
Tingin Ko oo.
Nahuli Na ba ang pinaka pinuno?
Ano Na bang nagyayari Sa bansa?
Ang Inang Bayan ay lumuluha.
Hanggang ganito Na Lang tayo?
O
May pag-asa pa BA?
Natatanaw mo BA ang liwanag?
Nawawalan Na Ko Ng pag-asa
Wala Kong matanaw
Dahil puro usok ang natatanaw....

18/10/2017

BIGONG MANUNULA(T)

M
a
g
u
l
o
ang aking isipan sa mga letrang hindi ko magawang ayusin--
gamit ang panulat na hawak ko.
ilang beses ko naring nilukot--
ang papel na nasa aking harapan.
paubos na ang tinta pero patuloy parin ang pag aaksaya.
N
i
l
a
b
a
s
Na ang lahat ng emosyon--
para lamang magkabuhay itong ilusyon.
nag ngalit ang mga ngipin--
nagbuntong hininga kasabay ng pagikot ng mga mata.
aking panulat ay handang - handa na..
ako nalang ang hindi.
P
u
m
i
k
i
t
Ang mga mata..
hinayaang ang kamay ay sumayaw kahit may panginginig..
iginalaw kahit hindi alam ang deriksyon.
"gusto kong lumikha"
mga katagang paulit ulit kong binibitawan--
pero hindi ko mapatunayan.
hanggang...
P
u
m
a
t
a
k
ang panghuling tinta!
ayoko na...
sumabay,sa pagtigil ng hanging umaawait ang aking kagustuhang lumikha. patawad sa aking pagaaksaya...

26/05/2017

Spoken Poetry
Tribute to Marawi's Incident
Title: Bawat Patak ng Luha
Writer: Carl Sean V. Margate (Me)
May bala pa ba kayang nalalabi?
Sa dalawang magka engkwentro, militar at maute
Sa sigalot na namagitan, nagsanib-puwersa ang maute
Sinira nila ang bayan ng Marawi
Ilang buhay pa ba kaya ang mawawala
Sa walang humpay na pagkitil nila
Ni hindi man lang nakadama ng kunting awa
Pati bata, marahil gusto pa nila isama
Ilang pamilya nag-aalala at nakakabahan ng sobra
Sa kanilang anak na naipit sa gyera
Swerte nalang kung naligtas ang iba
Pero ang ilan, marahil pinugutan na nila
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Pangulo
At dooy nag-anunsiyo ng Martial Law
Nang saganoy mapanatili ang kaligtasan at siguridad ng bawat tao
At mapa-igting ang pwersang pantao
Nilamon ng hinagpis
Kaypait na sinati
Mga kamag-anak na nasawi, tanging isang sigaw ang daing
"Hustisya! Para sa aking pamilya"
Wala nabang bala na mailalaman?
Sa isang pang-digmaang bakal na armas
Na handang ikudlit sa sinumang makitang kalaban
Na nagpasimuno ng malaking labanan
Kaawa-awang mga sundalo
Sinugal ang buhay, sa isang digmaang delikado
Walang atrasan, walang katakot-takot
Sapagkat alam nila na sila ang nagdala ng bandilang pilipino
Bayan ng Marawi, nauwi sa marahas na gyera
Nalugmok ito, puno ng bakas ng bala
Mga taong tila hindi pa handa
Nawalan ng pag-asa, dahil sa kinasadlakan nila
Ngunit, sa pagkadapa, babangon parin
Sama-samang hahamunin ang namayaning takot sa kanilang damdamin
Bawat patak ng luha'y, may paparating
Ang bagong pag-asa ng mga Taga-Marawi

13/04/2017

Ang ‘Yong Halaga

Simula ng ako’y ipanganak
Mayroon nang mga tanong
Mga tanong na di masagot
Mga tanong na hindi masagot ng kahit sino

May halaga ba
Bakit ako’y narito
Sa isang makasalanang mundo
Minsan naisip kung kailan mawawala

Walang halaga
Isa lang basura
Basurang walang kwenta na nagtatanong
Basurang nagtatanong kung may halaga

Ginawa ko na rin lahat
Nagsanay, nagpakabihasa
Para malaman ng mundong kaya kong makipagsabayan sa kanila
Na ako'y isang taong may halaga

Pero tila mali
Dahil may mga panahong satin ay may magbababa
Ibababa at ibababa ka
Hanggang sa malugmok

Hanggang sa hindi ka na makatayo
Hanggang sa maiwan ka na
Hanggang hindi ka makakabangon
At mamarkahan kang isang bagsak

Wala kang kwenta
Isa kang basura
Kahit kailan wala sayong makakakita
Tila isang buhangin na nakahiwalay sa iba

Puro pagkakamali
Walang nagawang tama
Mas madami pa ang hindi kaya
Sa mga bagay na nakakaya

Iisiping wala nga talagang halaga
Parang computer na walang cpu
Parang engineer na hindi marunong gumuhit
Parang relasyong walang pagmamahal

Hanggang sa may mapagtanto
Isang araw alaalang mahalaga
Na kaya akong gisingin sa pagkakatulog;
Sa Kanya ako'y di basura

Mahirap paniwalaan nung una dahil hindi sanay
Dahil puro negatibo ang naririnig
Hindi ako basura
May halaga

Meron akong halaga
Maari akong magkamali ng isang daang ulit
Isang libong ulit,sampung libong ulit
Pero walang magbabago

Walang magbabago
Sa katotohanan na meron akong halaga
At ngayon sigurado ko ng masasagot
Ang tanong na gumugulo sa isipan ko

Simula pa nung una'y mayroon nang halaga
Ikaw ano ang laman ng iyong puso
Naramdaman mo bang may nagpapahalaga sayo?
Na may nagmamahal sayo?

Na may sumusuporta sayo?
Na may nagsasabi na Importante ka?
Na importante ka kahit sino ka pa
Na importante ka kahit ano man ang nakaraan mo

Minsang dumating ang unos
Nakakalimutan Siya
Nakakalimutan ang mga pangako Niya
Nakakalimutan ang pagmamahal na binibigay Niya

Sa tuwing may bagyong dumadating
Siya sandigan
Sa tuwing may pighait't lumuluha
Siya ang nagsisilbi panyo

Sa tuwing nadadapa
Siya ang umaalalay sa pagtayo
Sa tuwing tila nabibigo
Siya ang nagsisilbing Tropeyo

Siya na nagsisilbing liwanag
Sa madilim na nakaraan
Siya na nagsisilbing lakas
Sa paglaban sa hamon ng buhay

Siya na nagsisilbi nating hagdan
Sa pag abot ng mga pangarap
Pangarap na nagmula sa Kanya
Pangarap na itinadhana nyang mapasaiyo

Nandiyan Siya
Sa pagharap sa problema
Kailanman ay hindi Nya iniwan
Kailanman ay hindi Niya bibitawan

Isang boses ang magsasabi
Ipinaglaban Kita
Dahil mahal Kita
At gusto Kong malaman mong mahalaga ka

Mula sa sandaling pagkakakulong
Ako'y lumaya
Lumaya upang lumaya ka
Lumaya sa isiping hindi ka mahalaga

Isinuot sa akin ang isang lilang roba
Isinuot upang sayo'y iparamdam ang Aking mga yakap
Hinayaang putungan ng matinik na korona
Upang isuot sa iyo ang koronang tanda na anak Kita

Hinayaang paulit ulit na hampasin
Dahil bawat paghampas
Bawat sakit
Iyon ay upang ipaunawa Sayo kung gaano ka kahalaga

Anak pinilit na bumangon
Upang may ipaaalala sayo
Ipaalala sayong hindi ang mundo ang magpapakita ng halaga mo
Kundi Ako

Pinagpirapiraso ang Aking damit
Upang buuin ang pagkatao mong dinurog ng mundo
Bawat hagupit sa katawan
Malugod na tiniis upang pagalingin ang sakit na 'yong nararanasan

Paakyat sa bundok ng kalbaryo
Pasan ang krus
Hirap ma'y nakaya
Aking kinaya pagkat iyon ay para sayo

Bawat baon ng pako sa mga paa't kamay may kahulugan
Iyo'y upang isigaw na ANAK MAHALAGA KA, MAHAL KITA
Isang ngiti ang iginawad bago malagutan ng hininga
Anak Ko, mahalaga Ka

Sa bawat pangyuyurak
Sa bawat sipa na natanggap
Katumbas ng bawat luha
Katumbas ay iyong halaga

Bawat pasakit at pighati
Iyo'y upang isigaw na ANAK MAHALAGA KA, MAHAL KITA
Isang ngiti ang iginawad bago malagutan ng hininga
Anak Ko, mahalaga Ka

11/12/2016

KAMUSTA"

Kamusta,
Isang simpleng salita ngunit dito nagsisimula,
Nagsisimula ang pakikipag kapwa,
Ayos lang, ito ang madalas na sagot, ano nga ba ang lalim ng salitang ayos lang? Ayos lang, kaya ko pa,
O baka naman, ayos lang, wag ka ng makialam?
Bitin di ba?

Mahirap manghula, kung kamusta ka na nga,
Ako, naisagot ko na din yan,
Ayos lang para tapos na ang usapan, kahit di naman talaga,
Ayos lang ako, yabang lang para maikubli ang kahinaan,

Pero lingid sa aking kaalaman,
Namamanhid na ang puso ko,
Ang "ayos lang ako", naging kasinungalingan,
Unti unti hanggang sa wala ng maramdaman
Ang hirap pala,

Tulad ng pag iibigan,
Di ito naganap sa isang iglap,
Nagsimula pala ito, ng sa Kanyang pangangamusta ay di ako sumagot, Tila pagkakaibigan na nawalan ng pakialam,
Linyang nagdudutong ay biglang, naputol,

Bagabag sa puso, mga gabing di makatulog dahil naghuhumiyaw ang damdamin,sigaw ay "Gusto kong lumaya,"
Lumaya sa tanikala,
Desperado, gagawin ang lahat kahit isigaw ng paulit ulit yaong pangalan Niya, dahil alam ko, darating Siya, At sa pagdating Niya, tila nakawala ako sa tanikalang nakagapos sa akin na dulot ng pagwawalang bahala, Ngayon nga ay malaya,
Malaya, di kakayanin na maulit pang mawala sa piling Niya,

Balik tanaw,
Ipikit ang mga mata,
Sandaling isipin, kailan ka nga ba huling nanalangin?
Nanalangin ng buong puso at damdamin,
Sana ay di lang twing bago na lamang kumain (*kamot ulo na parang, napahiya, at narealize na oo nga noh*) Nakakatawa ba?
Pero,
Kailan nga ba?
Di mo kailangan na may maramdaman muna,
Maniwala ka, at patuloy na maniwala pa,
Isuko mo lahat, pati na ang iyong mga pangamba, magtiwala ka,dahil Nakikinig Siya.
At nasasabik Siyang malaman, kung kamusta ka na :)
-Monica :) :) :)

20/11/2016

Kalayaan
Nasa isang kahon
Napaliligiran ng mga pader
Tila ito’y isang piitan
Lugar na nababalot ng mga rehas

Nais makawala
Ngunit ayaw ding umalis
Nais makasumpong ng liwanag
Ngunit di nais imulat ang mga mata

Nais makawala sa kahapon
Ngunit takot makita ang bukas
Nais maging malaya
Ngunit di makawala sa gapos ng ngayon

Ang puso ay napuno ng mga tanong
Mga tanong na takot malaman ang sagot
At ang isipan ay nabalot ng pangamba
Mga pangambang unti-unting lumamon sa pagkatao

Nais mahalin muli
Ngunit paano kung masaktan lang muli
Nais magmahal muli
Ngunit paano kung makasakit lamang muli
Paano tatanggap ng pagmamahal
Kung sa kahapon ay patuloy na nakagapos
Paano magbibigay ng pagmamahal
Kung sarili mismo’y di kayang mahalin

Napakadilim ng paligid
Nakabibingi ang katahimikan
Nakakapanginig ang simo’y ng hangin
Lahat ay tila nasa mali

Isalba mo sila
Kahit sila na lang
Yan ang sigaw ng puso sa itaas
Kahit sila na lang

Ako na lang ang masasaktan
Ako na lang ang mag-iisa
Ako na lang ang igapos
Nais ko’y matapos ang kanilang pagtangis

Ako’y napatanong sa Kanya
Bakit wala Kang ginagawa
Bakit tahimik Ka lang
Igalaw ang Iyong mga kamay

Palayain Mo sila na tulad ko
Iligtas Mo sila
Alam kong sila’y kagaya ko rin
Tila matapang ngunit mahina

Magulang ay binubugbog ang anak
Ngunit alam kong di lang anak ang may kailangan Sayo
Kahit sila
Sila na sa mata ng lahat ay masama

Kapatid na nilamon na ng inggit
Niyuyurakan ang pagkatao
Binubugbog ng masasakit na patama
Ngunit kahit sila’y kailangan ka

Mundong puno ng karahasan
Mundong ang mali ay naging tama na
Mundong ang dapat ay ikinahiyang gawin
Mundong ang di dapat ay naging dapat

Bakit, bakit
Bakit di Mo sila iligtas
Huwag mong hayaang sia’y matulad sa akin
Ako na takot

Isinigaw ko ng buong lakas ang mga salitang ito
Ngunit walang naging sagot
Muli akong nagmaktol
Ngunit wala pa ring naging tugon

Hanggang sa dumating ang kagaya ng ngayon
Nasa harapan mo , nasa harapan Niya
At sandaling natauhan
Sino ang nakapansin sa mga ito

Ako ang unang nakakita
Ako ang unang nakaunawa
Ako ang unang nagkapuso
Ako ang unang pumansin

At sa muling pagtatanong
Mahinahon at bahagyang nangingimi
Panginoon, nais kong kami’y magbago
Panginoon bakit di Mo sila tulungan, kahit sila muna

At siya ay tumugon
Isang ngiti
Patulo’y Akong kumikilos
Bago mo pa imulat ang iyong mga mata’y Ako’y nagmamasid na

Bakit wala Kang ginagawa para sila’y makalaya
Kaya ka nilikha
Kaya ikaw ang unang nakaalam
Iyan ang mismong dahilan
Tumayo ka magiting Kong anak
Hawakan ang iyong sandata
Narito ang iyong Lakas
Samahan mo Akong ipagtanggol sila

Sirain ang manipis na kahon
Lumabas sa piitang walang kandado
Silayan ang liwanag
Ating harapin ang bukas ng magkasama

-Laileneth Joy De Jan

07/11/2016

Ako si Ikaw

Ako si Ikaw
Isang punong nakatayo sa malawak na parang
Nakasasaksi ng iba’t-ibang kwentong pasilip sa isang mahabang nobela
Nakasasaksi ng tawanan, iyakan, awayan, kaguluhan at mga simpleng usapang tila parte ng isang bahagi ng isa pa
Nakasasaksi ng kahapon, ngayon at bukas

Ako si Ikaw
Nakatayo sa katirikan ng araw ngunit di alintana ang init
Sapagkat dulot nito’y lilim sa marami
Di nagpapatinag sa paglaban sa malakas na patak ng ulan
Pagkat dulot nito’y proteksyon sa mga nilalang na walang mapagkanlungan

Ako si ikaw
Nakangingiti kahit napapagod
Nagpapatuloy kahit nahihirapan
Nagpapakatatag kahit nasasaktan
At lumalaban kahit nasusugatan

Sampalin man ng katotohanang walang maisususkli sakin itong pagkamakabayan
Patuloy kong gagawin ang aking tungkuling mabuhay
Mabuhay para huminga at magbigay buhay sa mga nilikha
Mabuhay para maging matatag ang sangang may nakasabit na duyan ng musmos na bata
Mabuhay para maging malakas ang katawang dadantayan ng pagod na ama

Isang hagip ng polusyon sa hangin ang saki’y bubuhay
At ang ilalabas na sariwang hangin ang sa iba ay bubuhay
Kakapit ang mga ugat sa maputik at maduming lupa
Upang magbigay daan sa mga estudyanteng papasok sa eskwelahan
Ang bawat sakit, ang bawat hapdi’t kirot dulot ay ngiti sa kapwa
Mangilan-ngilang dahon ang mangunguluntoy sa init ng araw
Na sa kanila’y magbigay lilim
Mangilan-ngilang sanga ang mababali sa lakas ng bagyo
Na sa nilalang na gaya ng ibo’y magbibigay kapanatagan
Ang bawat sakit, ang bawat hapdit kirot dulot ay ngiti sa iba

Isang sipol mula sa amang nakapamaywang
At ako’y agad na hihihip ng sariwang hangin
Isang hila ng pawisang anak sa sangang may dahon
At ako’y agad na maglalabas ng malamig na hangin
Ang bawat sakit, ang bawat hapdit kirot dulot ay ngiti sa iba

At ang aking pangarap
Maging sa kahulihulihang sandali ng buhay, ako’y makatulong
Gawing panggatong ang mga ugat
Gawing papel ang katawan pati mga sanga
At gawing pataba sa lupa ang mga dahon

Gayon na lamang ang aking nais na magpatuloy
Sapagkat alam kong marami ang saki’y nangangailangan
Bakit pa iisipin ang ako
Kung maraming ako ang maghihirap sa sandaling ibaling ang lingap sa sarili
At isa pa’y madami na ding bagyong nalagpasan, ngayon pa ba susuko?

Ngunit paano nga kaya kung ako’y napagod
Maaari bang magpahinga
Maaari bang minsang magpadala sa bagyo
Maaari bang sa tirik na araw ay minsang pasunog
Maaari bang minsang isipin ang sarili

Ngayo’y may mga katanungan ang sagot ay tila nakatago
Hanggang kailan ang laban ito
Itong labang na ako raw ang palaging panalo
Hanggang kailan ko makakayang tumayo
Hanggang kailan ako makapagbibigay ngiti

Maaari bang patigilin ang oras
At minsang ako’y maupo
Maaari bang minsang sa akin ay may pumalit
At nang ako’y makapamasyal gaya ng ibang nilalang
Maaari ba , Maari ba?

Ngunit palagi lang napapailing sa tuwing ito’y naiisip
Paano ako titigil
Kung may buhay na magwawakas sa sandaling mapatid ang pagbibigay hangin
Kung may musmos na iiyak sa sandaling mabali ang sangang pinakakabitaan ng kanyang palaruan
Kung alam kong madami ang magdurusa sa sandaling ako’y magpahinga sa pagiging ako

Marami na akong nakitang lumuha at alam kong ang pakiramdam ng maging isa
At di ko nais makakita ng isa pa
Hangga’t kaya pipilitin kong mapanatili ang malalakas na tawanan ng mga bata
Hangga’t kaya’y pagiginhawain ang araw ng isang matandang nakaupo sa gilid
Hangga’t ako’y naririto lahat ay makararamdam na sa sa kanila’y may kakanlong

Di bale nang ako ang masaktan
Mas masakit namang makakita ng taong nagdurusa habang ako’y masayang namamasyal
Di bale nang ako ang mahirapan
Mas mahirap naman sa kaloobang makita kang nakararamdam ng kabigatan
Di bale ng mabasa sa ulan kung iyo’y para sayo

Bakit nga ba tila isa akong martir
Tila isang bayaning di napaparangalan
Isang trabahador na walang sweldo
Tila isang kaibigang di nililingon
Isang magulang na walang anak

Bakit nga ba labis ang nais na maglingkod
Bakit nga ba labis ang nais na makatulong
Bakit nga ba labis ang nais na magtiis mabanat lamang ang kunot sa noo
Bakit nga ba labis ang nais na ika’y itayo
Bakit nga ba , bakit nga ba

Nakita ko ang dahilan ng balikan ang kahapon
Nung minsang ako’y isa pang buto
Isang ibon ang saki’y nagbagsak sa lupa
Isang ama ang saki’y nakaapak kaya bumaon sa lupa
Isang bata ang nagtapon ng tubig mula sa boteng nais nyang lagyan ng mga bato

Nais kong mag-aruga pagkat ako ang unang inaruga
Mga bagyo ang sa akin ay nagdilig
Ang araw ang nagbigay pagkain
Ang bawat lindol ang minsang yumugyog sa bagot sa madilim na ilalim
Ang bawat unos, ang bawat pagsubok ang nagbigay kulay saking kabataan

Ang linyang, ang aking ginagawa’y walang sukli ay isang kabalintuan
Pagkat una ko nang nakuha ang aking gantimpala
Ang ako’y mabuhay dahil sayo at para sayo
At ngayo’y tinatamasa pa ang dagdag na gantimpala
Ang iyong pagngiting walang patid na bumubuo ng aking araw

Ang iritan ng batang galak na galak habang siya’y inuugoy
Ang malakas na buntong hininga na kasunod ng kalmadong sipol ng ama
Ang di mapatid na ngiti ng ina habang pinagmamasdan ang kanyang kayamanang naghahabulan sa ilalim ng lilim
Ang matandang sa isang gilid ay tuwang-tuwang inaalala ang kanyang kahapon
Ang mga bagay na ito ang dahilan kung bakit kaya kong magpatuloy sa kabila ng lahat

At iyan ang dahilan kaya ako na si ikaw ay ekstraordinaryo
Dahil kaiba sa ibang nilikha ang layon nati’y unahin ang iba bago ang sarili
Piliing masaktan para sa kaginhawaan ng iba
Piliing mahirapan para sa protektahan ng iba
Piliin ang maging katulad Nya

Ang maging ako ay mahirap
Ngunit alam kong mas mahirap kung pipilitin kong maging ikaw
O pipilitin mong maging ako
Magkaiba ang ako sa Ikaw
Ngunit alam kong ako si ikaw sa layong makapagpangiti upang makangiti

03/11/2016

Salamat, Salamat

Sa isang lugar ako’y nagawi
Lugar kung saan ang lahat ay tila kay simple
Di dahil sa madaliang lahat
Kung hindi dahil sakanila

Kristine Corpuz-Aniel
Taong maraming dahilan para lumuha
Maraming dahilan para magmaktol
Pero dahil sa nandito ka, ako, tinatapangan nya

May pagmamahal na katangi-tangi
Puno ng ngiti
Inspirasyon sa marami
Puno ng pangarap

Ang Pastor na ang pagsuko ay di uso
Ang paningin ay palaging nakatuon sa pangako
Sya ang nagturo kung pano lumaban
Kung paano magpatuloy sa kabila ng lahat

Jerome Aniel
Kaibigan ng lahat
Kakampi ng marami
Irog din ng nauna

Di nya kailangan ng perpektong ikaw
Di nya kailangang ika’y magpanggap
O ika’y humarap sa ibang katauhan
Sapat na ang totoong ikaw

Pagkat tanggap niya kung sino at ano ka
Wag ka lang gagawa ng di tama
At siguradong makakatikim
Ng matinding disiplina

Di sa pamamagitan ng pagalit
Di sa pamamagitan ng pasaring
Kundi gamit ang kabaitan
Kabaitang mag-uudyok sayong magbago

Ang huli ay ang susunod
Lieza Roma
Maganda
Maganda

Babaeng kaiba kaysa iba
May pambihirang lakas
May di matatawarang pagmamalaasakit
Huwaran ng marami

Sa kanya man ang gabi ay araw
Oras man para sa pahinga’y sandali lamang
Kahit minsa’y din ninais na ipagdamot ang kanyang panahon
Pagkat ang pahinga mo ang kanyang pahinga

Sila ang mga totong dapat parangalan
Ang dahilan kung bakit ang tayo ay buo
Huwaran, modelo
Kaibigan, kapamilya

At sa kanila may nais iparating
Salamat, salamaat
O mga Pastor sa pag-ibig nyo
Walang ibang nagmamahal samin na katulad nyo 😀

Address

Pasay City
Naic
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Spoken Words posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category