09/07/2026
WALANG PASOK ADVISORY | JULY 10, 2026
Dahil sa Enhanced Southwest Monsoon (Habagat) dulot ng Typhoon , suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko man o pribadong paaralan, sa Bayan ng Naic bukas, Biyernes, July 10, 2026.
Bagamat walang klase, ating inaabisuhan mga paaralan sa bayan ng Naic na sumunod sa mga probisyon ng DepEd Order No. 022, s. 2024. Mangyari lamang na tayo ay mag-shift sa modular distance learning, upang masigurong tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral at natutugunan ang mga learning competencies ng ating mga mag-aaral.
At sa mga kabataan ating gamitin ang pagkakataong ito upang tumulong sa mga gawaing bahay, magbasa, at patuloy na palawakin ang kaalaman. Tandaan: Ang bawat araw ay may dalang bagong aral. Maging produktibo at responsable, kahit walang pasok.
π NaicqueΓ±os Huwag nating kalimutang:
β
I-check ang balita sa opisyal na page.
β
Maghanda ng emergency kits.
β
Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
β
Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
β
Lumikas kung kinakailangan.
β
Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.
Narito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan:
π MDRRMO HOTLINE:
410-5725 / 0917-812-8186
π PNP HOTLINE:
0998-598-5621
π BFP HOTLINE:
0956-4830-226 / 0956-4830-753