15/08/2026
♻️ PAPEL AT PLASTIK NA BINASURA, KAYAMANANG HINDI NASASAYANG! 🌱💚
Agosto 15, 2026
Muling nagbunga ang sipag at pagkakaisa ng ating mga mag-aaral sa SELG! 💪✨
Ngayong araw, matagumpay na naibenta na naman ang mga nakolektang bote at iba pang recyclable materials bilang bahagi ng proyektong “Papel at Plastik na Binasura, Kayamanang Hindi Nasasayang.” 🥤♻️💰
Sa bawat bote na ating nire-recycle, hindi lamang tayo kumikita—nakakatulong din tayo sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating paaralan at pangangalaga sa ating kalikasan. 🌏💚
👏 Saludo sa ating mga batang SELG environmental champions na patuloy na nagpapakita na ang simpleng basura ay maaaring maging kayamanan kapag pinagsikapan, pinag-isipan, at pinakinabangan!
Basura ngayon, biyaya bukas!
Segregate. Recycle. Reuse. Sama-sama para sa malinis at makakalikasang paaralan! 🌿♻️