Ncs-Supreme Elementary Learner Government

Ncs-Supreme Elementary Learner Government

Share

This page is for educational purposes only.

17/02/2026

#๐‘ต๐’ˆ๐’‚๐’š๐’๐’๐’ˆ๐‘จ๐’“๐’‚๐’˜๐‘บ๐’‚๐‘ฒ๐’‚๐’”๐’‚๐’š๐’”๐’‚๐’š๐’‚๐’, ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿณ, ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿณ๐Ÿฎ
๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—œ๐—ง๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—”๐—ง๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—ฅ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—š๐—จ๐— ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก

โ€‹Ang pagkakaaresto kina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora ay nag-ugat sa Pag-aalsa sa Cavite noong Enero 20, 1872, kung saan ginamit ng mga prayleng Kastila ang rebelyon bilang pagkakataon upang idawit ang mga paring sekular na humihingi ng sekularisasyon. Ayon sa historiyador na si Teodoro Agoncillo, ang tanging matibay na "ebidensyang" ginamit laban kay Padre Zamora ay isang nakuhang liham na may katagang "bullets and gunpowder," na sa katunayan ay mga terminong ginagamit lamang sa sugal na pangingge ngunit binigyang-kahulugan ng mga Kastila bilang plano ng sedisyon. Dahil sa mga palsipikadong paratang na ito, hinatulan sila ng kamatayan sa pamamagitan ng garote upang patahimikin ang lumalakas na tinig ng mga Pilipino sa loob ng Simbahan.

โ€‹Madaling-araw ng Pebrero 17, 1872, sa loob ng Fort Santiago, binalot ng matinding tensyon ang selda ng mga akusado bago ang nakatakdang bitay. Sa mga oras bago ang ika-7:00 ng umaga, idinaos ang seremonya ng degradasyon kung saan tinangkang hubaran sila ng kanilang katayuan bilang pari, ngunit tumanggi si Arsobispo Gregorio Meliton Martinez na gawin ito dahil sa paniniwalang inosente ang tatlo. Sa halip na lumabas na mga kriminal, lumabas sila sa kuta na suot pa rin ang kanilang itim na abito, habang ayon kay Father John Schumacher, ang mga kampana ng simbahan sa buong Maynila ay pinatunog bilang isang tahimik ngunit matapang na pagkilala sa kanilang pagkapari at pagpapakita ng pakikiramay ng Simbahan.

โ€‹Eksaktong ika-7:00 ng umaga nang magsimulang umusad ang prusisyon ng kamatayan patungong Bagumbayan sa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng mga guwardiya sibil. Sa gitna ng libu-libong Pilipinong nagtipon, naroon ang isang batang mag-aaral na si Paciano Rizal, na ayon kay Leon Ma. Guerrero ay nasaksihan ang bawat sandali ng kalupitan dahil sa kanyang malapit na ugnayan kay Padre Burgos bilang paboritong estudyante. Ang trauma at galit na naramdaman ni Paciano sa oras na iyon ang naging dahilan ng kanyang paghinto sa pag-aaral, at ang sakit na ito ang unang binhi ng nasyonalismo na kalaunan ay ipapasa niya sa kanyang nakababatang kapatid na si Jose Rizal.

โ€‹Sa pag-akyat sa entablado, unang isinalang sa mekanismo ng garote ang 73-taong gulang na si Padre Mariano Gomez, na nagpakita ng katatagan at nagwikang walang dahon ang gumagalaw nang hindi ayon sa utos ng Diyos. Ang garote ay isang bakal na kuwelyo na isinusakal sa leeg ng biktima sa pamamagitan ng pag-ikot ng isang malaking turnilyo sa likod ng upuan hanggang sa mabali ang gulugod o maputol ang hininga. Sumunod na isinalang si Padre Jacinto Zamora, na sa gitna ng matinding trauma mula sa pagkabilanggo ay nawala na sa sariling kaisipan at wala nang nasabi hanggang sa tuluyang higpitan ang bakal sa kanyang leeg sa harap ng nagngitngit na madla.

โ€‹Huling isinalang ang pinakabatang si Padre Jose Burgos, na sa matinding emosyon ay sumigaw at nagtanong kung anong kasalanan ang kanyang nagawa upang mamatay nang ganoon kabilis. Isang mahalagang trivia mula kay Dr. Resil Mojares ang nagsasabing bago isagawa ang bitay, lumuhod ang berdugong Pilipino sa harap ni Burgos upang humingi ng tawad sa kanyang gagawin, at pinatawad siya ng pari sa gitna ng pagtangis ng mga nakasaksi. Sa huling pagkakataon, binasbasan ni Burgos ang mga Pilipinong nakaluhod sa paligid bago tuluyang malagutan ng hininga sa ilalim ng malupit na mekanismo ng kamatayan na naging mitsa ng damdaming makabansa.

โ€‹Matapos ang pagbitay, ang mga labi ng tatlong martir ay agad na dinala sa Sementeryo ng Paco upang ilibing sa iisang hukay na walang anumang marka o krus upang maiwasan ang paggawa ng dambana para sa kanila. Gayunpaman, ang kanilang "lihim" na libingan ay hindi nabaon sa limot dahil ang kanilang sakripisyo ay nagsilbing inspirasyon kay Jose Rizal upang ialay ang kanyang nobelang El Filibusterismo sa kanilang alaala. Ang dugo ng Gomburza na dumanak sa Bagumbayan noong umagang iyon ang naging pundasyon ng pagkakaisa ng mga Pilipino, na kalaunan ay humantong sa ganap na himagsikan laban sa mahigit tatlong daang taong pananakop ng Espanya.

โ€‹Mga Sanggunian:
โ€‹Agoncillo, Teodoro A., History of the Filipino People, Garotech Publishing, 1990.

โ€‹Guerrero, Leon Ma., The First Filipino: A Biography of Jose Rizal, National Historical Commission of the Philippines, 1963.

โ€‹Schumacher, John N., The Propaganda Movement, 1880-1895: The Creators of a Filipino Consciousness, the Makers of Revolution, Ateneo de Manila University Press, 1997.

โ€‹Mojares, Resil B., Brains of the Nation: Pedro Paterno, T.H. Pardo de Tavera, Isabelo de los Reyes, and the Production of Modern Knowledge in the Philippines, Ateneo de Manila University Press, 2006.

Photo: Courtesy of Esquire Philippines


17/02/2026

๐Ÿ…ฆ๐Ÿ…˜๐Ÿ…š๐Ÿ…๐Ÿ…๐Ÿ…– ๐Ÿ…šรณ๐Ÿ…Ÿ๐Ÿ…ž๐Ÿ…๐Ÿ…–-๐Ÿ…šรณ๐Ÿ…Ÿ๐Ÿ…ž๐Ÿ…๐Ÿ…–
ni Virgilio S. Almario

๐—•๐—จ๐—ž๐—ข๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—”ฬ‚ ๐—”๐—ง ๐—•๐—”๐—ฅ๐—ขฬ๐—ง๐—ข

ISANG KATANGIAN NG ating mga ninuno ay ang bihasang paglalakbay-dagat. Sinasabing kumalat ang lahi nating Autronesian hanggang Africa at mga isla sa Karagatang Pacifico dahil mahusay tayong maglayag at may mga sasakyang-dagat tรกyong matibay. Pero tanungin mo ang Pinoy ngayon: Ano ang sasakyang-dagat na likha ng ating mga ninuno? Kung Tagalog, isasagot ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎฬ‚. Kung Bisaya, isasagot ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผฬ๐˜๐—ผ. Ni hindi alรกm ng marami ang kaibhan ng bangkรขng may katig at layag sa walรข. May edukado namang barkรณ at bapรณr lang ang alรกm.

Sa bokabularyo nina Noceda at Sanlucar (1754) may ganitong dalรญt:

๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎฬ๐˜† kong aanod-anod
Pinihaw ng balaklaot
Kayรข lamang napanolot
Nang humihip yaring timog.

Halimbawa itong tula para sa โ€œlundรกyโ€ na ayon sa bokabularyo ay isang maliit na sasakyang-dagat. Ang totoo, ito ang pinakamaliit na bangkรข. Sa ๐—ก๐—ผ๐—น๐—ถ, lundรกy ang sinakyan nina Elias at Ibarra para tumakas patungo sa lawร . Inilarawan ito ni Rizal, โ€œIsang manipis at makitid na lunday ang bangka,waring hindi lumulutang kundi gumuguhit sa ibabaw ng tubig.โ€ Sa isang salin sa Ingles, tinawag itong ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ฒ. Na hindi maayos. Dahil kahit kapuwa maliit at makitid ang lundรกy at kanรบ, may naiibรกng yari at anyo ang kanรบ. Patulรญs ang magkabilรขng dulo ng kanรบ sa Kanluran, samantรกlang tila may arko ang dulong unahan ang kanรบ ng mga American Indian. Maliit din ang ๐˜๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒฬ๐—ป ng Ivatan, ngunit pabilog ang hugis ng katawan upang manimbang sa malakas na alon sa Batanes. Ang ๐—ฏ๐—ถฬ๐—ป๐˜๐—ฎ o vรญnta ay bangka sa Zamboanga at bantog sa makulay na layag.

Mas malaki ang ๐—ฏ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎฬ๐˜†. May sapad itong lunas at may timon, at pinakikilos ng mga mananagwan. Pampasahero ang ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎฬ๐˜„, kayรข may katig at layag, at nagtatawid noon ng mga tรกo sa Lawร  ng Bai, Laguna. Kilala naman sa bilis ang ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ถฬ๐˜ na sasakyang pampasahero ng mga Tausug.

Ang ๐—ฏ๐—ผฬ๐˜๐—ฒ, ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฒฬ๐—น, ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎฬ๐˜€๐—ธ๐—ผ ay mga sasakyang pangkargada at katulad ng lรกntsa ay likha ng mga Espaรฑol. Ang ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜„๐—ฎฬ ay pampasaherong bangkรข sa Batanes at mula sa pampatrulyang ๐—ณ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฎ noong panahon ng Espaรฑol.

Malakรญ ang ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎฬ๐˜†, kasiya ang isang malakรญng pamilya at mga alagad, gaya ng nahukay sa Butuan. Kayรข noon ay tinatawag na ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎฬ๐˜† (pinagmulan ng ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎฬ๐˜† o nayon ngayon) ang isang komunidad, na posibleng sakay ng gayong sasakyang-dagat nang dumating sa Filipinas.

Sa retrato ko lang nakikita ang ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ธ๐—ผฬ๐˜„๐—ฎ. Ngunit pinakamalakรญ ito sa mga katutubong sasakyang-dagat natin, may dalawang palapag, at kรกyang magsakay ng maraming mandirigma at mga tagagaod. Sinasabing ginagรกmit ito sa mga pangayaw at pakikidigma. Higit na mahalagang malaman pa natin ang mga sasakyan para sa tubigan ng ating mga ninuno para totoong maipagparangalan natin. Ang totoo, dapat na may malakรญng espasyo ito sa ating pambansang museo ng kasaysayan at antropolohiya.

Ferndale Homes
22 Disyembre 2025

17/02/2026

๐Ÿ…ฆ๐Ÿ…˜๐Ÿ…š๐Ÿ…๐Ÿ…๐Ÿ…– ๐Ÿ…šรณ๐Ÿ…Ÿ๐Ÿ…ž๐Ÿ…๐Ÿ…–-๐Ÿ…šรณ๐Ÿ…Ÿ๐Ÿ…ž๐Ÿ…๐Ÿ…–
ni Virgilio S. Almario

๐— ๐—”๐—ฌ ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข ๐—ก๐—” ๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข

ANG SALIKSIK KONG ito ay para sa mga g**o na naniniwalang lehitimo ang pagsulat ng โ€œPilipinoโ€ para tukuyin ang mga tรกo at kultura sa Philippines at sa gayon ay isang โ€œpangguguloโ€ ang ginagawa ng tulad kong isinusulat ang โ€œFilipinoโ€ sapagkat isang produkto ng Tagalismo ang โ€œPilipino.โ€ Ibig kong ibigay sa saliksik at siyasat ni William Henry Scott sa kaniyang librong Barangay: Sixteenth Century Philippine Culture
and Society (ADMU Press, 1994). Sa kaniyang introduksiyon sa naturang importanteng kasaysayan, nag-ukol siya ng ulat tungkol sa โ€œFilipinoโ€ at ibig kong isalin para sa mga g**o na mas nananalig sa dikta ng Surian ng Wikang Pambansa. Sabi ni W.H. Scott:

โ€œNoong 1542 at makarating sa Philippines ang komandante ng ekspedisyong Espaรฑol na si Ruy Lopez de Villalobos, pinangalanan niyang ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ang mga isla ng Leyte at Samar sa karangalan ng kabataang prinsipe na magiging si Haring Felipe II, at nagmula dito ang pagtawag sa kolonya na ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜€ ๐—œ๐˜€๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€. Tinawag na ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ผ ng mga Espaรฑol ang mga katutubo sa artsipelago, at nadagdagan ang bantog na pagkakamalรฎ na Christopher Columbus noong nag-akalang nakarating siya sa Oryenteโ€”ibig sabihin, ang mga India o Indiesโ€”nang dumaong siyรก sa Caribbean. Pero kapag kailangang ihiwalay ang mga Indio sa Philippines sa mga Indio o Indian sa America, tinatawag silang ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐˜€. Kayรข may kabanata ang 1604 Relacion ni Pedro Chirino hinggil sa โ€˜Ang Pagkain at Terminolohiya ng Paggalang at Wastong Asal ng mga Filipinoโ€™ (Chirino, 1604, 38) at ibinuhos ni Juan Francisco de San Antonio ang isang kabanata ng kaniyang 1738 ๐—–๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜€ sa โ€˜Mga Letra, Lengguwahe, at Paggalang ng mga Philipino.โ€™ (San Antonio 1738, 140), samantรกlang ipinaglaban ni Francisco Antolin noong 1789 na โ€˜ang sinaunang yaman ng mga Philipino ay katulad na katulad ng katangian ng mga Igorot sa kasalukuyanโ€™ (Antolin 1789, 279). Sa maikling salitรข, ang mga tao sa Philippines ay tinatawag na mga ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ kapag iniuugnay sa kanilang sariling kulturaโ€”o, sa ibang salita, bago sila naging mga Indio.

โ€œNoong ika-19 na siglo, ang mga Espaรฑol na isinilang sa kolonya sa sinimulang tawaging ๐—˜๐˜€๐—ฝ๐—ฎ๐—ปฬƒ๐—ผ๐—น๐—ฒ๐˜€ ๐—ณ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐˜€ para ihiwalay sila sa mga Espaรฑol na ipinanganak sa Espaรฑa, isang designasyon na lohikong paikliin sa ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐˜€ kapag tinutukoy ang mga Espaรฑol. Gayunman, malimit na isinasamรข ng loob ng mga Espaรฑol na ipinanganak sa Philippines ang pagtawag sa kanilang Filipinos ng mga๐—ฝ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€, at higit na nais ang tawag na ๐—ต๐—ถ๐—ท๐—ผ๐˜€ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฝ๐—ฎ๐—ถ๐˜€โ€”mga anak ng bayan. Sa kalkula ni Sinibaldo de Mas (1843, 138) ng populasyon noong 1842 ay hinati niya ang mga Espaรฑol at Filipino sa ganitong kategoryaโ€”Filipinos (Indios), Espaรฑoles Filipinos, at Espaรฑoles Europeos. Isang siglo bago ito, ipinirma ni Francisco Suarez ang sarili na โ€œ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ผ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผโ€ noong likhain niya ang retrato ni Felipe V para sa 1743 ๐—–๐˜‚๐—ฟ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€ ๐—–๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ (frontispiece) ni Pedro Murillo Velarde. . . Gaya ng pagturan ni Jose Rizal (1887, 111) sa komunidad mulang Philippines na nรกsa Madrid, โ€˜Creoles, Mestizos, at Malays, sa simpleng salita, tinatawag natin ang ating sarili na Filipinos.โ€™โ€

Ipinagpatuloy naman diumano ng mga Americano ang tawag na โ€œFilipinoโ€ sa mga mamamayan ng Philippines. Kayรข sa batas internasyonal ang Isang citizen ng Republic of the Philippines ay โ€Filipino.โ€ So, mga kababayan, sino ang umimbento ng โ€œPilipinoโ€ nitong nakaraang siglo? Ang mga Tagalista, at ang lider ng Surian nitong 1950 at kailangan nila ang tawag sa Wikang Pambansa. At kailangang ituwid ang naturang pagkakamalรฎ.

Ferndale Homes
3Enero 2025

17/02/2026
17/02/2026
17/02/2026
17/02/2026

FEAST OF THE MOST HOLY FACE OF JESUS

The Feast of the Holy Face of Jesus, observed on Shrove Tuesday before Lent, invites the faithful to contemplate Christโ€™s suffering and love revealed in His sacred countenance. This devotion calls believers to console the Heart of Jesus, make reparation for sin and blasphemy, and prepare their hearts for deeper conversion. Gazing upon His Holy Face, we encounter mercy, humility, and the saving love that restores the image of God within us.

Let us pray:

O Lord Jesus Christ, in presenting ourselves before Your adorable Face, to ask of You the graces of which we stand most in need, we beseech You, above all, to give us that interior disposition of never refusing at any time to do what You require of us by Your holy commandments and Your Divine inspirations.

O good Jesus, Who has said: โ€œAsk and you shall receive, seek and you shall find, knock and it shall be opened to you,โ€ give us, O Lord, that faith which obtains all, or supply in us what may be deficient.

Grant us, by the pure effect of Your charity and for Your eternal glory, the graces which we need and which we look for from Your infinite mercy, particularly: (Here mention the favor you desire) โ€ฆ Amen.

Most Holy Face of Jesus, have mercy on us!

Photos from La Union Schools Division - Learner Formation Division's post 14/02/2026
Photos from Naguilian Central School's post 14/02/2026
10/02/2026
10/02/2026
Want your school to be the top-listed School/college in Naguilian?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Ortiz, La Union
Naguilian
2511