16/07/2026
๐ฆ๐บ๐ถ๐น๐ฒ ๐ฃ๐ฎ๐๐ฟ๐ผ๐น: ๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ฒ ๐ข๐ป๐ฒ ๐๐ฑ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ด๐ถ๐๐ถ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐๐๐๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐จ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด
Naging matagumpay ang pagsasagawa ng Smile Patrol: Grade One Edition, isang programang naglalayong isulong ang oral health ng mga mag-aaral sa Baitang 1 sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyong dental at edukasyon sa wastong pangangalaga sa kalusugan ng bibig at ngipin.
Pinangunahan ng Sta Cruz Dental Club, sa pamumuno ni Dr. Patrick Bueno Salvador, Pangulo ng samahan, ang pagsasagawa ng programa, katuwang ang Philippine Dental Association (PDA) Laguna Chapter, Inc. Sa pangunguna naman ni Dr. France Hazel F. Merambel, Chairperson ng Smile Patrol: Grade One Edition, matagumpay na naipagkaloob ang iba't ibang serbisyong pangkalusugan sa mga mag-aaral ng unang baitang.
Dinaluhan ang programa ng 40 mag-aaral mula sa grade one, kasama ang kanilang mga magulang o guardian, na nakinabang sa mga libreng serbisyong inihanda ng mga katuwang na organisasyon. Kabilang dito ang libreng dental check-up, oral health lecture, at pamamahagi ng dental kits upang mahikayat ang mga bata na mapanatili ang wastong kalinisan at kalusugan ng kanilang mga ngipin.
Nagbigay rin ng mahalagang suporta ang M Lhuillier sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga school supplies para sa mga mag-aaral at mga kagamitang pang-klinika na magagamit ng paaralan sa patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng mga mag-aaral. Nakiisa rin sa programa ang Rural Health Unit (RHU) at ang Lokal na Pamahalaan ng Nagcarlan (LGU Nagcarlan) bilang patunay ng kanilang patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan para sa kabataan.
Lubos ang pasasalamat ng mga mag-aaral, mga magulang, mga g**o, at mga kawani ng Yukos Elementary School, sa pangunguna ni Dr. Joy V. Sacluti, Principal II, sa lahat ng mga katuwang at volunteer na naging bahagi ng programa. Dahil sa kanilang malasakit at suporta, nabigyan ang mga mag-aaral ng libreng serbisyong pangngipin at mahahalagang kaalaman sa wastong pangangalaga ng kalusugan.
Sa pagtutulungan ng mga katuwang na institusyon at ng komunidad, patuloy na naitataguyod ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral. Naging patunay ang Smile Patrol: Grade One Edition na ang isang malusog na ngiti ay mahalagang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat bata.