06/08/2026
Sa pamilya, kaibigan, at mga mahal sa buhay ng aming dating Principal, taos-puso kaming nakikiramay sa kaniyang pagpanaw. Maraming salamat sa kaniyang dedikasyon, karunungan, at malasakit na naging gabay sa maraming mag-aaral, g**o, at kawani. Ang kanyang pamumuno ay nag-iwan ng mga aral na patuloy naming dadalhin sa aming buhay.
"Mapapalad ang mga namamatay na nasa Panginoon... Sapagkat sila'y magpapahinga sa kanilang mga pagpapagal, at ang kanilang mga gawa ay susunod sa kanila." — Pahayag 14:13
Nawa'y ipagkaloob ng Panginoon ang walang hanggang kapahingahan sa kaniyang kaluluwa at patuloy Niyang palakasin ang kaniyang mga naiwang mahal sa buhay. Maraming salamat po sa lahat. Rest in peace. 🤍🕊️