DepEd Bandril Elementary School

Call Directions Contact the school

DepEd Bandril Elementary School The official FB Page of Bandril Elementary School. Bandril, Nagbukel, Ilocos Sur.

Start of Teachers' Month! Hanging of Tarpaulin in Celebration of World Teachers Day. One of the identified activity toda...
07/09/2026

Start of Teachers' Month! Hanging of Tarpaulin in Celebration of World Teachers Day. One of the identified activity today of the Schools Division of Ilocos Sur as stated in the Division Memo 518 Series 2026. Happy Teachers Month to all teachers!!!

Happy Teachers’ Month!To the dedicated and inspiring teachers of Bandril Elementary School, thank you for shaping minds,...
05/09/2026

Happy Teachers’ Month!

To the dedicated and inspiring teachers of Bandril Elementary School, thank you for shaping minds, touching hearts, and building brighter futures. Your passion and dedication make a difference every day! 🌟📚

Salute to all our amazing teachers!
Mabuhay kayo! ❤️🇵🇭

HAPPY BIRTHDAY, SIR DANIEL HISARZA!🎂🎉Warmest birthday greetings from your Bandril Elementary School Family!May your spec...
02/09/2026

HAPPY BIRTHDAY, SIR DANIEL HISARZA!🎂🎉

Warmest birthday greetings from your Bandril Elementary School Family!

May your special day be filled with joy, laughter, love, good health, and countless blessings. May God continue to guide and bless you with wisdom, strength, success, and happiness as you continue to inspire the people around you. 🙏✨

Thank you for your dedication, kindness, positive spirit, and unwavering commitment to your work and to those you serve. May this new chapter of your life bring you more opportunities, wonderful memories, and dreams fulfilled.

Wishing you a birthday as wonderful and meaningful as the person you are! Enjoy your special day, Sir Daniel! 🎊🎈

From your Bandril ES Family

FIRST TERM EXAMINATION 2026Mahal naming mga mag-aaral, panahon na upang ipakita ang inyong mga natutunan at pinaghirapan...
27/08/2026

FIRST TERM EXAMINATION 2026

Mahal naming mga mag-aaral, panahon na upang ipakita ang inyong mga natutunan at pinaghirapan sa unang termino!

Agosto 28 at Setyembre 1, 2026

Maghanda, mag-review, at pumasok nang may kumpiyansa. Tandaan: hindi lamang marka ang mahalaga, kundi ang pagsisikap, katapatan, at kaalamang inyong natutuhan.

✅ Dumating nang maaga
✅ Maghanda ng kinakailangang gamit
✅ Sundin ang mga panuntunan
✅ Maging tapat sa pagsagot
✅ Gawin ang inyong makakaya!

Good luck, mga mag-aaral! Kaya ninyo ’yan!

Sama-sama nating abutin ang tagumpay!

UPDATES BES ADVISORY|NO FACE-TO-FACE CLASSES | AGOSTO 24, 2026Dahil sa malakas na pag-ulan, pansamantalang walang face-t...
23/08/2026

UPDATES BES ADVISORY|NO FACE-TO-FACE CLASSES | AGOSTO 24, 2026

Dahil sa malakas na pag-ulan, pansamantalang walang face-to-face classes ngayong araw bilang pagsasaalang-alang sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani.

Sa halip, ipatutupad ang Alternative Learning Modalities upang magpatuloy ang pagkatuto kahit wala sa loob ng paaralan. Maaaring gamitin ang mga learning modules, online platforms, at iba pang angkop na paraan ng pagkatuto sa tulong ng mga magulang at g**o.

Manatili sa ligtas na lugar, maging alerto, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo.

Ang pag-aaral ay magpapatuloy, ngunit ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.

Tuloy-Tuloy ang PagkatutoKahit suspendido ang face-to-face classes, hindi ito naging hadlang upang patuloy na matuto ang...
20/08/2026

Tuloy-Tuloy ang Pagkatuto

Kahit suspendido ang face-to-face classes, hindi ito naging hadlang upang patuloy na matuto ang ating mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Bandril.

Tiniyak ng ating Gurong Namamahala, Gng. Kristine Marie B. Barcena, na magpapatuloy ang pag-aaral ng mga bata sa kabila ng mga hamon at pagbabago sa sitwasyon.

Sa pamamagitan ng Alternative Learning Delivery Modalities (ALDM), sama-samang kumikilos ang mga g**o upang maihatid ang mga aralin at learning activities sa ating mga mag-aaral. Dahil dito, kahit wala man sa loob ng paaralan, patuloy pa rin ang pagkatuto, paggabay, at paghubog sa kinabukasan ng bawat bata.

Walang hadlang sa pagkatuto!
Sama-sama para sa tuloy-tuloy na edukasyon.
Bandril Elementary School — Patuloy sa paglilingkod, patuloy sa pagkatuto!





PAUNAWA AT MAHALAGANG UPDATE PARA SA ATING MGA MAG-AARAL,MAGULANG AT STAKEHOLDERS📢Mahalagang Paalala mula sa Bandril Ele...
18/08/2026

PAUNAWA AT MAHALAGANG UPDATE PARA SA ATING MGA MAG-AARAL,MAGULANG AT STAKEHOLDERS

📢Mahalagang Paalala mula sa Bandril Elementary School!

Alinsunod sa Pandibisyong Memorandum Blg. 471, s. 2026 ng DepEd SDO Ilocos Sur, ipatutupad ang Skeletal Workforce Scheme at pagpapatuloy ng mga kinakailangang serbisyo at gawain ng paaralan.

Para sa ating mga mag-aaral, ang pagtuturo at pagkatuto ay magpapatuloy sa pamamagitan ng angkop na Alternative Delivery Modalities, kabilang ang blended, modular, at/o online learning activities, depende sa sitwasyon at pangangailangan ng mga mag-aaral.

Ang mga kawani na hindi kabilang sa skeletal workforce ay maaaring magsagawa ng kanilang mga tungkulin sa pamamagitan ng Work-from-Home (WFH) arrangement.

Para naman sa mga g**ong kailangang gumamit ng internet at iba pang pasilidad ng paaralan, maaari silang pumasok kung ligtas ang lagay ng panahon at iba pang kondisyon, alinsunod sa mga itinakdang safety protocols.

Hinihiling namin ang kooperasyon, pang-unawa, at patuloy na suporta ng ating mga magulang, mag-aaral, at stakeholders upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto at paghahatid ng mahahalagang serbisyo ng paaralan.

Kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral at kawani ang pangunahing konsiderasyon.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at suporta! Sama-sama nating itaguyod ang tuloy-tuloy na pagkatuto sa anumang sitwasyon.






ALTERNATIVE LEARNING DELIVERY MODE | BANDRIL ELEMENTARY SCHOOLBilang tugon sa Public Advisory kaugnay ng patuloy na mala...
18/08/2026

ALTERNATIVE LEARNING DELIVERY MODE | BANDRIL ELEMENTARY SCHOOL

Bilang tugon sa Public Advisory kaugnay ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat), isinagawa ng mga g**o ng Bandril Elementary School ang Alternative Learning Delivery Mode (ALDM) upang matiyak na magpapatuloy ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral habang isinasaalang-alang ang kanilang kaligtasan.

Sa kabila ng hamon ng panahon, patuloy na ginagampanan ng ating mga g**o ang kanilang tungkulin sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga angkop na learning activities at learning materials na maaaring maisagawa ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan.

Saludo kami sa ating mga g**o na patuloy na naghahanap ng paraan upang maihatid ang edukasyon sa bawat mag-aaral sa paaralan man o sa tahanan.

Sa pakikipagtulungan ng mga g**o, magulang, at mag-aaral, walang ulan o anumang pagsubok ang makapipigil sa patuloy na pagkatuto.

Bandril Elementary School Sama-samang Tungo sa Patuloy na Pagkatuto.

Makabuluhang Paggunita🇵🇭 Nakikiisa ang Mababang Paaralan ng Bandril sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026! 🇵🇭Sa paggunita...
14/08/2026

Makabuluhang Paggunita

🇵🇭 Nakikiisa ang Mababang Paaralan ng Bandril sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026! 🇵🇭

Sa paggunita ngayong taon na may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” ating binibigyang halaga ang wikang Filipino bilang mahalagang tulay sa pagkatuto, pananaliksik, at makabuluhang paggamit ng makabagong teknolohiya.

Sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng Artificial Intelligence (AI), mahalagang manatiling mapanuri, responsable, at wasto sa paggamit nito. Gamitin natin ang teknolohiya hindi upang palitan ang ating pag-iisip, kundi bilang kasangkapan upang higit pang mapalawak ang ating kaalaman at mapaunlad ang ating edukasyon.

Halina’t sama-sama nating mahalin, pahalagahan, at pagyamanin ang Wikang Filipino sapagkat ang ating wika ay bahagi ng ating pagkakakilanlan, kultura, at pagkakaisa. ❤️🇵🇭

Maligayang Buwan ng Wika 2026!
📚✨ Wika, Teknolohiya, at Karunungan para sa Kinabukasan!

Isang Munting Regalo, Isang Makabukuhang EpektoTaos-puso po ang aming pasasalamat sa Kagawaran ng Edukasyon sa napakagan...
12/08/2026

Isang Munting Regalo, Isang Makabukuhang Epekto

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Kagawaran ng Edukasyon sa napakagandang regalong Lapel Voice Amplifier para sa mga g**o ng Bandril Elementary School.

Malaking kaginhawaan po ito sa aming mga g**o, lalo na sa araw-araw na pagtuturo, mga talakayan sa klase, programa, at iba’t ibang gawain sa paaralan. Simple man itong kagamitan, napakalaki naman ng maitutulong nito upang mas malinaw naming maihatid ang aming mga tinig at mensahe sa aming mga mag-aaral.

Lubos din po ang aming pasasalamat kay Sir Julimar Buquing sa tiyaga at malasakit sa personal na paghatid at pamamahagi ng mga ito. Kahit umuulan at mahirap ang biyahe, hindi po kayo nagpatinag at hindi naging hadlang ang panahon upang maihatid ang mga ito sa aming paaralan.

Ang inyong dedikasyon at serbisyo ay tunay na isang inspirasyon sa aming mga g**o. Ipinapakita nito na ang tunay na suporta ay hindi lamang nasusukat sa halaga ng isang bagay, kundi sa malasakit, pagsisikap, at pusong kalakip nito.

Mula po sa aming mga g**o sa Bandril Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat.

Nawa’y patuloy ninyong suportahan at pag-ingatan ang kapakanan ng aming mga g**o at mag-aaral. Ang munting regalong ito ay malaking tulong upang mas maayos naming magampanan ang aming tungkulin sa paglilingkod at pagtuturo.

Maraming salamat po sa inyong malasakit, suporta, at walang sawang paglilingkod!

Address

Nagbukel
2725

Telephone

+639175018791

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Bandril Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Bandril Elementary School:

Shortcuts

Share

Category