21/08/2026
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 na may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” nagsagawa ang Intermediate Department, Grades 4–6, ng gawaing “Salitang Banyaga: Hanapin ang Katumbas.” Layunin ng aktibidad na matulungan ang mga mag-aaral na makilala ang mga salitang banyaga at mahanap ang katumbas ng mga ito sa wikang Filipino.
Sa simpleng gawaing ito, naging masaya at makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Naipakita nila ang kanilang kaalaman, aktibong pakikilahok, at pagpapahalaga sa paggamit ng wikang Filipino. Sa pamamagitan ng ganitong gawain, mas napapalawak ang kanilang kaalaman sa mga salita at sa wastong paggamit ng ating wika.
Sa pagdiriwang na ito, patuloy nating hinihikayat ang mga mag-aaral na mahalin, gamitin, at ipagmalaki ang wikang Filipino. Ang wika ay mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan at nagsisilbing tulay sa pagkatuto, pananaliksik, at pagbabahagi ng kaalaman.
Caption and Photos by: T. Aurean