19/10/2025
Know Your Numbers, Know Your Worth
Mara always loved crafting. Nagsimula lang ito bilang hobby tuwing weekends, isang paraan para mag-relax at mag-express ng creativity. Pero di nagtagal, naging source of joy na ito, at kalaunan, naging maliit niyang business. Lahat ng gawa niya, puno ng effort at puso, mula sa pinakamaliit na sticker hanggang sa pinaka-detalye ng scrapbook layout. Her craft corner became her happy place, puno ng ribbons, yarns, at tunog ng cutting machine na parang musika sa kanya.
Nang binuksan niya ang online shop niya, lagi niyang sinasabi, “Gusto ko affordable para sa lahat.” Ayaw niyang mahalin ang mga gawa niya; gusto lang niyang ma-enjoy ng iba. Kaya madalas, nagbibigay siya ng discounts, freebies, at minsan pa nga free shipping. Every sale made her smile, hindi dahil sa kita, pero dahil may taong naka-appreciate ng gawa niya.
Pero paglipas ng mga buwan, iba ang ipinakita ng numbers. Halos di na niya nababawi ang gastos sa materials. Laging may promo para lang may bumili, pero sa bawat sale, lugi pa rin siya. Tuloy-tuloy lang si Mara, umaasang babawi din balang araw.
Hanggang isang gabi, habang nag-aayos siya ng craft room, napaupo siya at sinubukang i-compute lahat. Doon niya narealize, ilang buwan na siyang pagod, pero halos wala siyang kinikita. Yung passion niya, naging source na ng stress at pagod. Dahan-dahan niyang inilapag sa mesa ang isang maliit na karatulang may nakasulat na “CLOSED.”
Masakit. Para bang tinatapos niya ang isang parte ng sarili niya. Pero deep inside, alam ni Mara na kailangan niyang magpahinga at magmuni-muni. Crafting was supposed to give her peace, not pressure.
Ilang linggo ang lumipas, unti-unti niyang binenta ang mga supplies at machines. Habang ginagawa ito, nangako siya sa sarili: “Pag nag-create ulit ako, hindi lang puso ang ilalagay ko, pati wisdom.”
Na-realize ni Mara na mahalin ang craft ay dapat may kasamang pagpapahalaga sa sarili. Kasi ang art, karapat-dapat pahalagahan, at ang artist, karapat-dapat bayaran nang tama.
Lesson:
Love Your Craft, But Know Your Numbers and Your Worth
Marami sa atin nagsisimula sa crafting dahil sa passion. Gaya ni Mara, gusto lang natin magpasaya, mag-share ng art, at maramdaman na may halaga ang gawa natin. Pero minsan, sa sobrang pagmamahal natin sa craft, nakakalimutan nating may cost din ito, oras, effort, materials, kuryente, at kahit emosyon.
Ang malaking realization dito: hindi selfish ang magpresyo nang tama. Hindi kabawasan sa kabaitan kung ilagay mo sa tamang halaga ang produkto mo. Kasi sa likod ng bawat handmade item ay isang crafter na naglaan ng oras, pagod, at puso.
Kung lagi nating binababa ang presyo, tayo rin ang nauubos, hindi lang financially, pati emotionally. Maraming crafters ang napapagod at sumusuko, hindi dahil kulang sila sa galing, kundi dahil hindi nila nakita agad na dapat pinapahalagahan din nila ang sarili nila.
Kaya kung baguhan ka pa lang sa crafting world, tandaan ito:
Passion keeps you creating, but wisdom keeps you going. Presyuhan mo nang tama ang gawa mo. Hindi lang para kumita, kundi para manatiling buhay ang pagmamahal mo sa iyong art.