07/09/2026
DOH: MAGING ALERTO SA MGA SINTOMAS NG DENGUE—MAGPA-KONSULTA AGAD!
Patuloy ang pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa, kaya mahalagang maging mapagmatyag sa mga sintomas ng dengue. Huwag ipagwalang-bahala ang mga senyales nito, tulad ng lagnat, pananakit ng katawan o kalamnan, panghihina, pagsusuka, pagdurugo ng gilagid o ilong, at pantal.
Kung may ganitong sintomas, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center o health facility para sa tamang pagsusuri at gamutan. Ang maagang pagpapatingin ay mahalaga upang maiwasan ang malubhang komplikasyon.
Patuloy ding gawin ang 4Ts: Taob, Taktak, Tuyo, at Takip upang maiwasan ang pagdami ng lamok.
DOH: MAGING ALERTO SA MGA SINTOMAS NG DENGUE—MAGPA-KONSULTA AGAD!
Detalye sa comment section.