21/08/2026
Ang buong komunidad ng BISCAST ay nakikiisa sa paggunita sa buhay at sakripisyo ni Benigno "Ninoy" S. Aquino Jr., na patuloy na nagpapaalala sa atin ng halaga ng tapang, paninindigan, at pagmamahal sa bayan.
Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang patuloy tayong mag-aral, maglingkod, at kumilos nang may integridad para sa kapwa at sa bansa.
19/08/2026
๐ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง ๐๐ฅ๐ฉ ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐ฃ๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ผ๐ป: ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ป๐ฑ๐๐๐๐ฟ๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐, ๐๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ถ๐
Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST) na mapabuti ang mga pasilidad at mapahusay ang karanasan ng mga mag-aaral at stakeholders, dalawang (2) karagdagang industrial ceiling fans ang inilagay sa BISCAST LRV Student Pavilion upang dagdagan ang bentilasyon at gawing mas komportable ang paggamit sa nasabing pasilidad.
Sa ilalim ng pamumuno ni SUC President II Prof. Charlie P. Nacario, PhD, patuloy na binibigyang-prayoridad ng BISCAST ang pagpapaunlad ng mga pasilidad na tumutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng komunidad ng Kolehiyo. Ang karagdagang industrial ceiling fans ay inaasahang makatutulong sa mas maayos na sirkulasyon ng hangin, lalo na sa panahon ng mga aktibidad, programa, pagtitipon, at iba pang gawain na ginaganap sa Student Pavilion.
Ang LRV Student Pavilion ay mahalagang espasyo para sa mga mag-aaral, faculty, personnel, bisita, at iba pang stakeholders ng BISCAST. Sa pamamagitan ng pagpapahusay sa bentilasyon nito, layunin ng Kolehiyo na makalikha ng mas maaliwalas, komportable, at student-friendly na learning and engagement space.
Ang simpleng dagdag-pasilidad na ito ay bahagi ng mas malawak na hangarin ng BISCAST na patuloy na pangalagaan ang kapakanan at kaginhawaan ng mga gumagamit ng mga pasilidad nito. Ipinakikita rin nito ang patuloy na pagtutok ng administrasyon sa mga konkretong improvement na direktang nakatutulong sa campus experience ng BISCAST community.
Sa patuloy na pagpapaunlad ng kampus, nananatiling nakatuon ang BISCAST sa pagbibigay ng mga pasilidad na mas maaliwalas, mas episyente, at mas angkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral at stakeholders.
๐๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ด๐ต๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ผ๐๐ป๐ฑ๐น๐ฒ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง!
19/08/2026
๐๐ฆ๐ง๐๐๐ก ๐ฃ๐ฅ๐๐๐! ๐ง๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ๐ง๐๐๐ก!
๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง, ๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐ญ๐ฎ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐ฆ๐ฌ๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐ข๐ข๐ ๐ง๐๐๐๐ก๐ข๐๐ข๐๐๐ฆ๐ง๐ฆ
Taos-pusong pagbati ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST) sa ating 12 bagong lisensyadong Food Technologists na matagumpay na nalampasan ang August 2026 Food Technologist Licensure Examination (FTLE)!
Lalong ipinagmamalaki ng BISCAST ang natatanging tagumpay ni Patricia Mae Almen, PFT, na nagtamo ng RANK 9 SA BUONG BANSA!
Sa ilalim ng pamumuno ng SUC President II Prof. Charlie P. Nacario, ang tagumpay na ito ay patunay ng patuloy na pagsusulong ng BISCAST sa kahusayan, kalidad ng edukasyon, at paghahanda sa mga ASTean upang maging mahusay at kompetitibong propesyonal.
MALUGOD NA BINABATI ANG ATING MGA BAGONG FOOD TECHNOLOGISTS:
๐ฃ๐ฎ๐๐ฟ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ฒ ๐๐น๐บ๐ฒ๐ป โ ๐ฅ๐๐ก๐ ๐ต ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐ช๐๐๐
๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ถ ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐ป๐ฎ๐
๐๐ป๐ด๐ฒ๐น๐ฒ๐ป๐ฒ ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ผ
๐๐๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ ๐๐ฒ ๐น๐ผ๐ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐
๐๐ผ๐ต๐ป ๐ฅ๐ผ๐บ๐ฒ๐น๐น ๐ฆ๐ฒ๐บ๐ถ๐ณ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฎ
๐๐ฏ๐ฒ๐ด๐ฎ๐ถ๐น ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐๐ฒ๐ฟ
๐๐๐๐๐ถ๐ป ๐ฅ๐ฒ๐ถ ๐๐ผ๐ป๐๐ฎ๐ด๐ฎ
๐ ๐ฒ๐ฐ๐ ๐ฅ๐ฒ๐น๐น๐ฒ๐๐ฒ
๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ถ๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ป ๐ง๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ฎ๐ป๐ฒ๐
๐ง๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ ๐๐ฒ๐น๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ผ
๐๐ต๐ฟ๐ถ๐๐๐ถ๐ฎ๐ป ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ
๐ก๐ถรฑ๐ฎ ๐๐ป๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐น๐๐ป ๐จ๐๐ท๐ถ๐ผ๐ฐ๐ผ
PAGGANAP NG BISCAST SA AUGUST 2026 FTLE
First-Timers: 11 sa 16 โ 68.75%
Repeaters: 1 sa 2 โ 50.00%
Kabuuang Passing Rate: 66.67%
Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, dedikasyon, walang-sawang paghahanda, at mga gabing inilaan sa pag-aaral. Higit sa lahat, ito ay patunay na ang pagsusumikap ng isang ASTean ay may magandang patutunguhan.
Mga bagong Professional Food Technologists, dalhin ninyo ang inyong kaalaman, husay, at malasakit sa inyong paglilingkod sa bayan. Patuloy ninyong itaguyod ang kalidad, kaligtasan, at inobasyon sa larangan ng Food Technology.
๐๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ด๐ต๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ผ๐๐ป๐ฑ๐น๐ฒ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง!
18/08/2026
๐๐ฆ๐ง๐๐๐ก ๐ฃ๐ฅ๐๐๐! ๐ง๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ๐ง๐๐๐ก!
๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง ๐๐ฅ๐๐๐จ๐๐ง๐, ๐ง๐ข๐ฃ ๐ต ๐ฆ๐ ๐๐จ๐ข๐ก๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐๐จ๐ฆ๐ง ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐ข๐ข๐ ๐ง๐๐๐๐ก๐ข๐๐ข๐๐๐ฆ๐ง ๐๐๐๐๐ก๐ฆ๐จ๐ฅ๐ ๐๐ซ๐๐ ๐๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก!
Taos-pusong pagbati ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST) kay ๐๐๐ญ๐ซ๐ข๐๐ข๐ ๐๐๐ ๐๐ฅ๐ฆ๐๐ง, ๐๐
๐, sa kanyang kahanga-hangang pagkamit ng RANK 9 SA BUONG BANSA sa August 2026 Food Technologist Licensure Examination (FTLE)!
Sa ilalim ng pamumuno ng SUC President II Prof. Charlie P. Nacario, muling ipinakita ng BISCAST ang husay at kahandaan ng mga ASTean na makipagsabayan sa pinakamahuhusay na bagong propesyonal sa bansa.
Ang pagkakamit ni Patricia ng Top 9 nationwide ay hindi lamang isang personal na tagumpay, kundi isang malaking karangalan para sa buong BISCAST community. Patunay ito na sa sipag, tiyaga, dedikasyon, at mahusay na paghahanda, ang isang ASTean ay kayang maabot ang pinakamataas na antas ng kahusayan.
Malugod ding binabati ng BISCAST ang lahat ng mga Food Technology graduates na matagumpay na nakapasa sa pagsusulit. Ang inyong tagumpay ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng ating mga mag-aaral, graduates, faculty members, mentors, pamilya, at buong BISCAST community.
Patricia Mae, ang inyong Rank 9 nationwide ay karangalang aming ipinagmamalaki at inspirasyong maibabahagi sa bawat ASTean!
Nawa'y magsilbi itong simula ng isang matagumpay at makabuluhang karera sa pagsusulong ng kaligtasan, kalidad, inobasyon, at kahusayan sa pagkain.
๐๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ด๐ต๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ผ๐๐ป๐ฑ๐น๐ฒ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง!
18/08/2026
BISCAST proudly congratulates its ๐ ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ ๐ผ๐ณ ๐๐ฟ๐๐ ๐ถ๐ป ๐ง๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ท๐ผ๐ฟ ๐ถ๐ป ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ด๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐ฒ๐น๐ถ๐ต๐ผ๐ผ๐ฑ ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ถ๐๐ต ๐๐ฝ๐ฒ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ถ๐ป ๐๐ผ๐บ๐ฒ ๐๐ฐ๐ผ๐ป๐ผ๐บ๐ถ๐ฐ๐ program, under the Graduate School, for successfully earning ๐๐๐ฉ๐๐ ๐๐๐ ๐ฅ๐-๐๐๐๐ฅ๐๐๐๐ง๐๐ ๐ฆ๐ง๐๐ง๐จ๐ฆ from the ๐๐ฐ๐ฐ๐ฟ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ด๐ฒ๐ป๐ฐ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฎ๐ฟ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐ถ๐ป ๐๐ต๐ฒ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ๐ (๐๐๐๐๐จ๐ฃ), ๐๐ป๐ฐ.!
This milestone affirms BISCASTโs steadfast commitment to quality assurance, academic excellence, and continuous improvement in graduate education.
Congratulations to Graduate School Dean Dr. Genaro N. De Mesa, Jr., former GS Dean Dr. Jake M. Laguador, MAT Program Chairperson Dr. Lelit M. Odiame, former MAT Program Chairperson Dr. John Rey SR. Soverano, and the faculty members, students, and staff whose collective efforts sustained the programโs compliance and quality assurance initiatives.
The achievement also recognizes the groundwork undertaken under former OIC-President Dr. DeAnna C. Regnim, with the continued support of the present administration led by SUC President II Prof. Charlie P. Nacario, PhD.
๐๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ด๐ต๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ผ๐๐ป๐ฑ๐น๐ฒ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง!
17/08/2026
๐ก๐ฎ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐๐ ๐ฆ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐ฆ ๐๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐-๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฟ๐, ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง
Buong suporta ang ipinakita ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST) sa pagbisita ng Grade 12 STEM student-researchers ng Naga City Science High School para sa isang technical consultation visit ngayong umaga, Agosto 13, 2026.
Bitbit ng research team na binubuo nina Gavin Adrien C. Balunso, Andre Zachary Sebastian V. Ante, Aydin Joaquin P. Perillo, at Juliana Margaux B. Barrion ang pananaliksik na โSOLARIS: An Arduino and IoT-Based Solar-Powered Automated System for White Radish Cultivation,โ isang proyektong nakatuon sa smart at sustainable agriculture.
Ginagabayan ang grupo ni Research Adviser Mr. Rodrigo B. Buere Jr., sa suporta ni Principal I Ms. Baby Ruby F. Laurente.
Personal na ibinahagi ng mga estudyante ang kanilang pananaliksik kay SUC President II Prof. Charlie P. Nacario, PhD, sa Tanggapan ng Pangulo, kung saan agad silang nakatanggap ng direksyon at mga mungkahi upang palakasin ang kanilang pag-aaral.
Nagkaroon din ng masinsinang konsultasyon ang grupo kina College of Engineering Dean Engr. Lyncel S. Celimen at ECE faculty member Engr. Christian Albert DLT. Huerto, na nagbigay ng ekspertong gabay at mahahalagang teknikal na input.
Bumisita rin ang mga mag-aaral sa Manufacturing Innovation Laboratory (ManFabLab) at Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) ng BISCAST, kung saan ipinakilala sa kanila ang mga pasilidad at innovation support services na maaaring makatulong sa kanilang proyekto. Sila ay inalalayan nina ManFabLab staff Mr. Toby B. Del Castillo at MEIC staff Engr. Mark Allen O. Estipona, na nagbigay rin ng praktikal na gabay kaugnay ng kanilang pag-aaral.
Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Nacario, patuloy na pinalalawak ng BISCAST ang serbisyong pampubliko nito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman at pagbubukas ng mga pasilidad sa mga katuwang na institusyon at komunidad, bilang sentro ng pananaliksik at inobasyon sa rehiyon.
๐๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ด๐ต๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ผ๐๐ป๐ฑ๐น๐ฒ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง!
13/08/2026
๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง, ๐๐๐ฆ๐จ๐, ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ-๐ฝ๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ผ๐ฑ ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต
LUNGSOD NG NAGA โ Pinalakas ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST) at Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) ang kanilang ugnayan sa larangan ng Food Technology sa paglagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) noong Agosto 11, 2026, sa Royale Emelina.
Saklaw ng MOA ang adjunct faculty at laboratory support para sa Bachelor of Science in Food Technology (BSFT) program ng dalawang institusyon.
Para sa BISCAST, nilagdaan ito nina SUC President II Prof. Charlie P. Nacario, PhD; Vice President for Academic Affairs Dr. Apolonia C. Sebello; at College of Science Dean Dr. Amante T. Ama.
Kinatawan naman ang CBSUA nina SUC President IV Dr. Alberto N. Naperi; Vice President for Academic Affairs Dr. Melinda P. Pan; at College of Engineering and Food Sciences Dean Dr. Glaiza J. Visitacion.
Saksi sa seremonya sina BISCAST BSFT Program Chairperson Ms. Julie Amor D. Zantua at CBSUA BSFT Program Chairperson Prof. Alessandra D. Bautista.
Isinagawa ang MOA signing kasabay ng AACCUP Institutional Accreditation General Orientation and Workshop na pinangunahan ng BISCAST.
Sa kasunduang ito, mas mapapalakas ang pagtuturo at pagsasanay sa Food Technology sa rehiyon, kasabay ng higit pang pagpapatibay sa matagal nang ugnayan ng dalawang institusyon.
๐๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ด๐ต๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ผ๐๐ป๐ฑ๐น๐ฒ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง!
13/08/2026
๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง, ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ป๐ฎ-๐๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐ฒ๐น๐ฒ๐๐ฎ๐๐ผ๐ฟ
Isinagawa ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST) ang blessing, ribbon-cutting, at turnover ng kauna-unahang elevator nito sa Academic Building 1 noong Agosto 4, 2026.
Pormal na iniabot ng Elisha & Charles Solutions, Inc., isang ISO 9001:2015-certified elevator and escalator company, ang Warranty Certificate at Permit to Operate kay SUC President II Prof. Charlie P. Nacario, PhD, kasama si Project Management Unit Head Engr. Al Greg Tumbaga.
Pinangunahan ni BISCAST College Chaplain Rev. Fr. Ryan O. Fenis ang pagbabasbas sa elevator, habang isinagawa naman ang ribbon-cutting sa pangunguna ni Pangulong Nacario.
Dumalo rin sa aktibidad sina Vice President for Academic Affairs Dr. Apolonia C. Sebello, Student Development Services Director Dr. Jonathan S. Dela Cruz, COE Dean Dr. Rosalie S. Magistrado, Graduate School Dean Dr. Genaro N. De Mesa, Jr., kasama ang mga kawani ng BISCAST at mga kinatawan ng Elisha & Charles Solutions, Inc.
Naging posible ang proyekto sa suporta ng Administration and Finance cluster sa pangunguna ni Vice President for Administration and Finance Mr. Abbas F. Villalon, kasama ang Physical Plant Development and Maintenance Services at Project Management Unit.
Sa nalalapit na ganap na operasyon ng elevator, patuloy na isinusulong ng BISCAST ang mas accessible na campus at mas maayos na serbisyo sa mga pasilidad para sa mga ASTean at stakeholder.
๐๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ด๐ต๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ผ๐๐ป๐ฑ๐น๐ฒ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง!
11/08/2026
๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง, ๐๐ฟ๐ด๐. ๐๐ฎ๐ฟ๐ผ๐น๐ถ๐ป๐ฎ, ๐น๐๐บ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ ๐ข๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฒ๐ป๐ถ๐ผ๐ฟ ๐ฐ๐ถ๐๐ถ๐๐ฒ๐ป
LUNGSOD NG NAGA โ Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST), sa pamamagitan ng College of Education Extension Services Unit, at Pamahalaang Barangay ng Carolina noong Hulyo 30, 2026, sa Carolina Barangay Hall.
Sa temang โEmpowering Senior Citizens through Sustainable Skills and Livelihood Training: An Extension Partnership,โ layunin ng programa na magbigay ng skills at livelihood training para sa mga senior citizen.
Bilang mga kinatawan ng BISCAST, nilagdaan nina SUC President II Prof. Charlie P. Nacario, PhD; REPED Director Prof. Ana Sheryl Lynn S. Catura; at College of Education Dean Dr. Rosalie S. Magistrado ang kasunduan.
Dumalo rin sa seremonya si Program Leader Dr. Maria Christina G. Remoquillo, kasama ang mga Project Leader na sina Ms. Araceli Q. Rosari, Dr. Francia C. Bihag, Dr. Maria Lourdes O. Padua, Dr. Lelit M. Odiame, Ms. Wennie Rose P. Camba, at Ms. Anabelle Asares, na mangunguna sa pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim ng programa.
Kinatawan naman ang Barangay Carolina ni Punong Barangay Hon. Leoncio Lobuit, kasama sina Senior Citizens Carolina Chapter President Ms. Belen Boragay at Hon. Kgd. Salvacion D. Boragay ng Committee on Education.
Sa inisyatibang ito, patuloy na pinalalawak ng BISCAST ang community-based extension services nito upang mas maraming sektor ng komunidad ang maabot ng mga programang pangkabuhayan at serbisyong tumutugon sa kanilang pangangailangan.
๐๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ด๐ต๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ผ๐๐ป๐ฑ๐น๐ฒ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง!
11/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐
NAGA CITY | Agosto 10, 2026 โ Tumanggap ang Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST) ng tatlong mahahalagang pagkilala mula sa Pamahalaang Lungsod ng Naga, bilang patunay ng patuloy nitong kahusayan sa larangan ng sustainability, arkitektura at disenyo, at propesyonal na licensure performance.
Pormal na iginawad ang mga pagkilalang ito sa Flag Raising Ceremonies ng Pamahalaang Lungsod ng Naga, sa pangunguna ni Hon. City Mayor Maria Leonor โLeniโ G. Robredo.
Sa pamamagitan ng Sangguniang Panlungsod Resolution No. 2026-517, ipinahayag ng Pamahalaang Lungsod ang pinakamainit na pagbati at pinakamataas na pagkilala sa BISCAST, sa ilalim ng pamumuno ni SUC President II Prof. Charlie P. Nacario, PhD, para sa matagumpay nitong pagkilala sa 2026 Times Higher Education (THE) Sustainability Impact Ratings. Ang BISCAST ay kabilang sa anim na institusyon ng mataas na edukasyon sa buong Rehiyon ng Bicol na kinilala sa prestihiyosong pandaigdigang sustainability assessment.
Dalawa pang resolusyon ang nagbigay-pugay sa iba pang natatanging tagumpay ng BISCAST. Sa pamamagitan ng SP Resolution No. 2026-426, kinilala at binati ang BISCAST bilang Champion sa 2026 Archinext: HCG Young Designers Competition, na ginanap sa SMX Convention Center, Pasay City noong Abril 17, 2026.
Samantala, sa SP Resolution No. 2026-443, kinilala ang BISCAST graduate na si Mr. Christian Lanuza Quinao dahil sa kanyang kahanga-hangang pagganap sa March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT), kung saan nakamit niya ang ika-7 puwesto sa buong bansa na may napakataas na rating na 93.80%.
Kasama ni President Nacario sa pagtanggap ng mga pagkilala sina Vice President for Academic Affairs Dr. Apolonia C. Sebello; Vice President for Administration and Finance Mr. Abbas F. Villalon; College of Architecture and Design Dean Arch. Ronel M. Descarga; dating CA+D Dean Arch. Jennifer Y. Vibar; at Information Officer III Richard P. Nabua.
Kinilala rin ang mga fourth-year students ng College of Architecture and Design na nagkamit ng kampeonato sa Archinext competitionโsina John Lloyd B. Navarro, Aile Heydee C. Reolope, at Lyka Villamor.
Ang tatlong pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsusulong ng BISCAST sa kahusayan sa akademya, inobasyon, pagpapanatili ng kapaligiran, at makabuluhang edukasyon, at higit pang nagpapatibay sa mahalagang papel nito bilang isang dynamic na institusyon ng mataas na edukasyon na patuloy na nag-aambag sa pag-unlad ng Naga City, Rehiyon ng Bicol, at ng buong bansa.
๐๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ด๐ต๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฏ๐ผ๐๐ป๐ฑ๐น๐ฒ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ๐ง!