04/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ : ๐ฆ๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป
Ang kagandahan at yaman ng West Philippine Sea ay hindi lamang makikita sa makulay nitong kalikasan at malawak na karagatan, kundi pati na rin sa napakalaking halaga nito sa kabuhayan at kinabukasan ng bansa. Ang karagatang puno ng kahalagahan, ang sariling atin na nararapat na ipaglaban ng bawat Pilipino.
Ang siyam na gatlang na guhit (Ingles: nine-dash line) ay ang linyang hugis U na ginagamit ng pamahalaan ng China sa kanilang mga mapa upang angkinin ang halos kabuuan ng Dagat Timog Tsina, kabilang ang mga bahagi ng Kanlurang Dagat ng Pilipinas. Ginamit ito ng China upang saklawin ang mga teritoryo at yamang-dagat kahit malayo ito sa kanilang sariling baybayin at pumapasok sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng mga kapitbansa tulad ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia, at Indonesia.
Ang West Philippine Sea ay mayaman sa mineral tulad ng langis. Kaya gayon na lamang ang pagnanais ng China na angkinin ito. Ngunit batay sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award, kinilala ang karapatan ng Pilipinas sa mga bahagi ng West Philippine Sea na nasa loob ng Exclusive Economic Zone nito pero ito ay binabalewala ng Tsina at patuloy na gumamit ng karahasan upang maitaboy at angkinin ang West Philippine Sea dahil sa mga likas na yaman na narito
Ang West Philippine Sea ay hindi lamang isang karagatan, kundi ito ay ang karagatan ng Pilipinas na nagsisilbing source ng yamang dagat na kinakailangan ipaglaban dahil karapatan ng bawat Pilipino ang pagproprotekta at pagpapahalaga nito. Dapat nating ipagtanggol ang ating sariling karapatan at mamulat tayo sa mga nangyayari sa ating bansa. Huwag nating hayaan na kunin o angkinin nila ang West Philippine Sea na ating teritoryo. Dapat nating ipagtanggol ang ating sariling karapatan at mamulat tayo sa mga nangyayari sa ating bansa. Huwag nating hayaan na kunin o angkinin nila ang West Philippine Sea na ating teritoryo. Dapat kumilos at matulungan tayo at mga kasapi sa pamahalaan upang hindi ito maagaw ng tsina saatin.
๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฉ ๐
๐ด๐ฐ๐๐ฌ๐ด๐ฉ๐น๐ถ :
โชAljune Del Valle
โชAngeline Guisic
โชChristine Rose Dumalasa
โชElijah Ysabelle Macaraig
โชEowyn Gaile Pineda
โชJude Francis Bernabe
โชJaniella Narvadez
โชJhonrie Rodriguez
โชKian Kiethrick Judavar
โชMark Kian Ortua
โชMeremelyn Sta Isabel
โชNicole Azuela
โชVince Francis Pascual