03/08/2026
Maligayang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Naga Hope Christian School! 🇵🇭
Sa pagsisimula ng buwan ng Agosto, sama-sama nating ipagdiriwang ang kagandahan, kasaysayan, at kahalagahan ng ating sariling wika.
📢 Bukas, Agosto 3, opisyal nang sisimulan ang ating pagdiriwang sa pamamagitan ng pangunahing programa na gaganapin pagkatapos ng Flag Ceremony. Dito ay ilalahad ang mga kapana-panabik na gawain, patimpalak, at mga aktibidad na ating aabangan sa buong buwan.
🗓️ Tingnan ang kalendaryo ng mga gawain sa ibaba at makiisa sa bawat programa. Sama-sama nating ipagdiwang ang ating wika sa pamamagitan ng talento, pagkamalikhain, at pagmamalaki bilang Pilipino.
💙 Mabuhay ang Wikang Filipino!
❤️ Mabuhay ang Kulturang Pilipino!
💛 Mabuhay ang bawat Hopeian!