26/08/2026
🇵🇭🌾 3-ARAW NA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA | EXPLORER KIDS 🌾🇵🇭
Tatlong araw na puno ng kulay, saya, laro, at kulturang Pilipino! 🇵🇭❤️
Ipinamalas ng ating mga munting Explorer Kids ang kanilang galing at pagiging batang Pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang makabuluhang gawain:
🏡 Paggawa ng Bahay Kubo – Sama-samang natutunan ng mga bata ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagpapahalaga sa ating tradisyon.
🪀 Larong Pinoy – Masayang nakilahok ang ating mga bata sa mga tradisyunal na laro na nagbigay sa kanila ng pagkakataong makipagkaibigan, makipagtulungan, at magsaya.
👗 Kasuotang Pilipino – Ipinakita ng ating mga munting Pilipino ang kanilang pagmamalaki sa ating kultura sa pamamagitan ng kanilang magaganda at makukulay na kasuotang Pilipino. 🇵🇭✨
Maraming salamat sa ating mga dear parents sa walang-sawang suporta at pakikiisa. Dahil sa inyo, naging mas espesyal at makabuluhan ang pagdiriwang na ito. ❤️
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang Kulturang Pilipino!
Mabuhay ang ating mga batang Pilipino! 🇵🇭🌱