03/08/2026
Ang Matilo Elementary School ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon." Sama-sama nating ipagdiwang ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang sagisag ng ating kultura, pagkakakilanlan, at pagkakaisa. Patuloy nating pagyamanin at gamitin ang ating wika nang may pagmamalaki at pananagutan sa makabagong panahon.