06/05/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง | ๐๐๐๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ฌ ๐๐๐ญ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ง๐๐ง, ๐๐๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐ข๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ข๐ฌ๐๐ก๐๐ง
Inilunsad ng Cansilayan Farm School ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Summer Program, Mayo 6 alinsunod sa DepEd Order No. 010, s. 2026.
Layunin ng programa na matugunan ang learning gaps ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng nakatuong interbensyon sa pagbasa at matematika.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang 268 mag-aaral mula Grade 7 hanggang 10 at 79 mag-aaral mula Grade 11 na nangangailangan ng karagdagang suporta sa pagkatuto.
Bahagi ang ARAL Summer Program ng Summer Remediation Programs (SRP) ng DepEd na nakatuon sa pagpapalakas ng pundamental na kasanayan ng mga mag-aaral batay sa kanilang learning assessment.
Isinasagawa ang mga sesyon sa ilalim ng mga component ng ARAL Program na kinabibilangan ng Reading sa Junior High at Reading and Mathematics naman sa Senior High upang mapaunlad ang akademikong kakayahan ng mga kalahok.
Ang implementasyon ng programa ay nakaangkla sa Republic Act No. 12028 o ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act of 2024.
Inaasahang makatutulong ang ARAL Summer Program sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa susunod na taon panuruan at sa patuloy na pagpapabuti ng kanilang akademikong pagganap
Sulat ni: Paul Jake Etolle
Lay-out ni : Paul Jake Etolle