Sakit noon Ginhawa Ngayon
“Nagawa mo na ba ang asaynment mo? Nakapag basa ka na ba ng mga lesson nyo? Dapat makasagot ka kapag tinanong ka ng g**o mo sa iskol.” Ilan lamang ito sa mga katagang umaalingawngaw sa tainga ko tuwing hapon pag-uwi sa aming bahay. Iyan ang bukang-bibig ng aking mga magulang noon, nagpapaalala ng pagpapahalaga sa edukasyon.
Mga alaala ng lumipas na siyang naging sandata ko upang maabot ang minimithing tugatog ng tagumpay. Tandang tanda ko pa noon na laging sinasabi sa amin na makikilala ng mga g**o kung kanino kang anak sa pamamagitan ng iyong kilos at pag-uugali. Sapagkat ang mga iyon ang repleksyon kung sino ang iyong mga magulang, at kung paano ka tinuruan ng mabuting asal sa loob ng inyong tahanan.
Minsan pumasok kaming mag-kaklase na mainit ang ulo ni mam, dahil di kami nakapagdal ng kagamitan sa gagawing aktibiti, kaya ipinalahad ang aming mga palad sabay palo ng istik na malapad, mahapdi… masakit….. makirot…..at nakakaiyak talaga. Pag-uwi ko ng bahay di naman ako nagsumbong sa magulang ko, takot ako na mas higit pa doon ang gawin sa akin dahil parang kakampi pa ng g**o ko ang mga magulang ko. Naglakas loob na akong sabihin na pinalo ako sa iskol, at ito ang sagot ng magulang ko… tama lang iyan, natural na kung may mali kang nagawa bigyan ka ng leksyon para magtanda ka. Napagsabihan pa nga ako ng magulang ko na matutong sumunod at making nang sa ganun di magalit ang g**o mo.
Tama nga naman kung ininda ko ang mga sakit, latay sa palad at binti, ang sermon ni mam at sir, makakasabay kaya ako sa rumaragasang ayos ng buhay sa labas ng paaralan? Magiging matibay kaya ang aking dibdib sa pagharap ng mga lubak ng buhay sa kasalukyang panahon.
Minsan may may malaking punto ang mga g**o natin sa ating buhay, hindi naman nila ginagawa ang mga iyon dahil gusto lamang nila, kundi para ihanda ka sa mas malubak na pagtahak mo sa iyong pakikibaka sa mundong ito. Hindi dapat tayo sensitibo at mahina ang loob. Pinapanday tayo upang maging handa tayo sa lahat ng pagsubok ng buhay.
Kaya para kay mam at sir na pumanday sa aking isip at kakayahan salamat po dahil sa inyo nalampasan ko ang maalong bahagi ng totoong mundong ito, dahil sa inyo buo ang loob ko at may paninindigan ako, hindi dahil sa isa na rin akong g**o kundi dahil sa pagpapanday nyo sa akin sa mahabang panahon.
Nagyon tapos na ang mga asaynment, pagbabasa at mga paghahanda para makasagot sa klase, tanging mga paghahanda ng pagbabahagi ng mga kaalamang itinanim sa isipan ko ang inihahanda ko para maibahagi din sa mga mag-aaral ko.
Ronald Jade Eroles
09171745636
10/01/2024
Nasaan Ang hustisya??
May ganun?
08/01/2024
Kung Ikaw tindera drawing o lista n lang?
15/12/2023
DASNHS Year End Event
14/12/2023
Want your school to be the top-listed School/college in Muntinlupa City?
Click here to claim your Sponsored Listing.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
UDH Campville Cupang
Muntinlupa City
1771