06/09/2024
Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas 5:33-39
Noong panahong iyon, sinabi ng mga Pariseo at mga eskriba kay Hesus: “Ang mga alagad ni Juan ay malimit mag-ayuno at manalangin, gayun din ang alagad ng mga Pariseo. Ngunit ang mga alagad mo’y patuloy ng pagkain at pag-inom.” Sumagot si Hesus, “Pag-aayunuhin ba ninyo ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama pa nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na ang ikinasal, saka pa lamang sila mag-aayuno.”
Sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga: “Walang pumipiraso sa bagong damit upang itagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit at ang tagping bago ay hindi babagay sa damit na luma. Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag gayun ang ginawa, papuputukin ng bagong alak ang balat, matatapon ang alak, at masisira ang sisidlan. Sa bagong sisidlang-balat dapat ilagay ang bagong alak. At walang magkakagustong uminom ng bagong alak kapag nakainom na ng inimbak, sapagkat sasabihin niya, ‘Masarap ang inimbak.’”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PAGNINILAY
PAG AAYUNO- ito ay paraan at pagpapakita na ang tao ay nagbabalik loob at nagsisisi sa mga kasalanan nito,, ito rin ay paraan ng pagdidisiplina sa sarili, pamamaraan ng pagpatay sa mga pita ng laman at nagiging daan ng pagbabago ng tao, kapag ito ay naganap na sa atin, tunay na dama nating lagi ang presensya ng Diyos dahil ang pagbabagong naganap sa atin, una ang Diyos na siyang dahilan kaya natin ito nagawa, sabi nga, walang sino man ang kayang tumalikod sa kasamaan ng sa ganang sarili lamang niya, ito ay nagaganap dahil sa kalooban at gabay ng Diyos lalo na kung makikita ng Diyos na nakahanda tayong lumapit at tumalima sa kanya, kaya naman sa ating pagsunod, kung tayo ay nasisiyahan lalo higit ang Diyos, kaya nga dama nating lagi tayong sinasamahan ng Panginoon, ginagabayan, inaakay, na ang nadarama nating ligaya ay para bang lagi tayong nasa isang piging,, kasama ng ikinakasal walang iba kundi si Jesus,, kaya nga sabi ni Jesus, di nararapat na mag ayuno dahil kasama pa nila ang lalaking ikinakasal,, kapag wala na ito, saka pa lang sila mag aayuno, ano ang ibig tukuyin ng Panginoon dito? Na sa buhay natin, kahit tayo ay sumusunod na sa Diyos dahil tao tayong may mga kahinaan pa din,, magkakamali at magkakamali tayo,, kaya napaka halaga na maging maingat at kung madulas man tayo at makagawa ng kasalanan ay agad na magsisi at ihingi ng tawad ito,, dahil kapag ito ay naipon at nahirati na naman tayo sa paggawa ng kasalanan, unti unti madarama nating parang nawawala na tayo sa presensya ng Diyos,, sa gayon un na ang oras na kailangan nating muling mag ayuno,, sa buhay ko bilang patotoo, dati ng wala pa ako sa community ng SOC, walang oras na di tayo nakagagawa ng kasalanan at parang wala lang sa atin, wala kc tayong takot sa Diyos at di pa natin nadarama ang Presensya ng Banal na Espiritu ng Diyos subalit ng matanggap ko si Jesus, ng makapakinig ng aral, ng mabuksan at natutong tumalikod sa kasamaan dahil na rin sa tulong ng Banal na Espiritu, tunay na walang kapantay naligaya ang nadama ko, ligayang di ko naranasan dati kahit pa kumikita kami ng maayos, ung ligaya na kaya mong ipagpalit kung ano man ang hawak mo ngayon,, kaya nga ng marinig ko ang tinig ng Panginoon na ialay ko ang sarili ko sa kanya, bagamat mahirap, kinaya kong iwan at isara ang hanap buhay ko, para lang makita at mapatunayan kong iba talaga kapag Diyos ang pinili natin, lahat ay aayusin niya, ang ligaya, di paputol putol, smooth sailing ika nga, bagamat may pagsubok pa rin subalit di gaya dati, mahirap dalhin, parang iginugupo ka at idinadapa, ngayon dama nating laging nariyan ang Diyos na handang tumulong sa iyo, kaya nga, kung paanong para kang nasa isang okasyon, tunay na kapag kasama mo ang Diyos,, hayahay ang buhay,, kaya sino ako para mahirati sa pagkakasala,, gayong alam ko na, na ang pagkakasala katumbas ay pagdurusa at kapahamakan at ang pagsunod at kabutihan katumbas ay pagpapala at kaligtasan, nagpupuri ako at nagpapasalamat sa Diyos sa karunungang ito na ipinagkaloob niya sa isang gaya ko na pahat ang kaisipan subalit dahil mahal niya ako at tinanggap sa kabila ng di karapat dapat, nagpapasalamat ako sa Diyos, Tunay na kapag nasa atin ang DIYOS,, SIYA SAPAT NA, HIGIT PA. AMEN. Muli po, isang mapagpalang umaga po sa ating lahat