05/09/2026
Mula sa masasayang palaro hanggang sa mga natatanging talento tampok ang ating mga mag-aaral at magulang, nagningning ang ating pagmamahal sa kultura at wikang Filipino dito sa Southridge para sa Pista ng Wika!
Hindi rin mawawala ang saya ng salo-salo sa masasarap na pagkaing mula sa iba't ibang rehiyon ng bansa na siyang patunay na sa kabila ng ating pagkakaiba-iba, tayo ay nagkakaisa sa pamamagitan ng ating wika at pamana.
Sa makabagong daigdig na ito, patuloy nating payayabungin at ipagmamalaki ang Wikang Filipino. Dahil ang ating wika ay hindi lang para sa nakaraan; ito ang ating boses sa kasalukuyan at bukas.