21/07/2024
Good morning eveyone☺️...
Inaanyayahan po ang lahat na lumahok sa Opening Ng ating BRIGADA ESKWELA na may temang "BAYANIHAN PARA SA MATATAG NA PAARALAN"... Ito ay mag uumpisa bukas araw ng Lunes July 22 at magtatapos sa Sabado July 27. Bilang paghahanda sa darating na pasukan.
Alam ko pong medyo mahirap ang buhay sa panahon ngaun, ngunit kung maari lang po sana hinihiling lang po namin ang inyong konteng Oras at kooperasyon.. Puede po tau magdala ng mga Cleaning Materials katulad Ng walis Tingting at tambo, dustpan, basahan, sabon, basurahan, at iBa pang puede niong maiambag. At kung Meron po sana marunong sa Carpentry at Electrical ito ay sobrang ipagpapasalamat Ng ating paaralan dahil malaking tulong po un para maayos Ang mga sira sira sa mga classroom..
Alam ko po na ung iba dito iicipin na "baket kami ang maglilinis eh may staff namn Ang school bayad Ng gobyerno para Gawin un?" Sagot po Jan ehto po... Nagpdala na po Ng TUPAD ang city nuong nkaraang linggo katulong Ang mga Staff Ng Eskwelahan madami na po ang nalinisan at naayos pero ciempre po sa laki Ng ating paaralan Hindi po un lahat kayang ayusin Ng 10-20 tao sa loob Ng ilang Araw lang... Since tau po ay pampublikong paaralan, libre po ang lahat Ultimo mga kagamitan Ng mga anak ntin.. Bilang sukli sa lahat, un lang pong tulong ngaung Brigada Eskwela ay lubos na pong ipagpapasalamat.
Tradisyon na sa lahat Ng paaralan ang pagkakaroon Ng Brigada Eskwela na kung saan nagtutulong tulong ang lahat Ng mga magulang Kaisa Ng mga pribadong grupo na maglalaan Ng Oras nila para makatulong.
Inaasahan din po nmin ang kooperasyon Ng mga magulang na member Ng 4p's at tumatanggap Ng MSD allowance.. Time and effort and Manpower po ang kelangan nting lahat sa ganitong pagkakataon...
Maraming maraming salamat po dear parents.. Sana po magkita kita po tau bukas... Hinihiling ko po ito bilang inyong SPTA President, Huling hataw ko na po ito sa ating eskwelahan dahil tapos na po ang aking termino.. Ipakita po sana ntin ang ating suporta sa ating paaralan..
Godbless us🙏🙏🙏
BY: TINA ORCINE
SPTA President