PaSiyensiya Dos-Tres

PaSiyensiya Dos-Tres ๐—–๐—Ÿ๐—ฆ๐—จ ๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฟ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป - ๐—ฆ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ
๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ— #๐˜๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ด

TUTULAN ANG PAX SILICA!    Lupa at soberanya, hindi huwad na pag-unlad at kontra-mamamayang teknolohiya! Tunay na reporm...
21/08/2026

TUTULAN ANG PAX SILICA!



Lupa at soberanya, hindi huwad na pag-unlad at kontra-mamamayang teknolohiya! Tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, hindi imperyalistang pandarambong!

Kami, ang nagkakaisang komunidad ng CLSU, ay mariing tumututol laban sa inisyatibang Pax Silica at sa mga proyektong kaugnay nito, kabilang na ang pagtatayo ng malalaking data center at pasilidad para sa industriya ng semiconductor, sa pagkakait sa karapatan sa lupa ng pambansang minorya at magsasaka, pananamantala sa likas na yaman ng Pilipinas para sa kapakinabangan ng dayuhan, pagkasira ng kalikasan, at pagsagasa sa soberanya ng Pilipinas.

Higit pa rito, kinokondena namin ang Rehimeng Marcos Jr. sa higit na pagyukod ng ekonomya ng bansa para sa pagsalang ng makadayuhang interes sa halip na isulong ang pagtugon sa mga krisis ng sambayanan. Dapat nating igiit ang pagbatay ng anumang pambansang patakaran sa teknolohiya at industriya tungo sa malawakang kagalingan at interes ng mga Pilipino, seguridad ng mamamayan, at demokratikong pagpapasyaโ€” hindi sa dikta ng pandaigdigang kompetisyon sa tubo at interes ng malalaking korporasyon!

Ang Pax Silica ay isang alyansang itinatag at pinangungunahan ng US na naglalayong tiyakin at patatagin ang tuloy-tuloy na suplay ng mga semiconductor, at mga pasilidad na kinakailangan sa pagpapaunlad ng Artificial Intelligence (AI) tulad ng mga dambuhalang AI data centers. Ayon mismo sa US Department of State, ang inisyatibo na ito ay inilulunsad bilang malawak na hakbang ng US para sa pagpapalawak ng impluwensiya nito sa pandaigdigang industriya ng makabagong teknolohiya, lalo na sa industriya ng semiconductors. Sambit din nila ang paggamit sa Pax Silica bilang paraan upang mahigitan ang karibal na imperyalistang Tsina sa supply chain ng mga semiconductor.

Sa likod ng ipinapangakong pag-unlad at pagsulong ng makabagong teknolohiya, malinaw na nakapakete rito ang pansariling interes ng US at ng malalaking dayuhang korporasyon. Ang pagkamkam sa 1,620 ektaryang lupain sa New Clark City ay isang malinaw na halimbawa na kaya lang isakripisyo ng estado ang lupain at kapakanan ng mamamayan para sa interes ng dayuhang pamumuhunan. Sa ganitong kalakaran, hindi lamang lupa ang nanganganib na maagaw sa mga mamamayan ng Pilipinas, kundi pati ang ating kabuhayan, kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan.

Noong ika-16 ng Abril, opisyal nang lumagda ang Pilipinas sa isang deklarasyon hinggil sa pagsali nito sa inisyatibang Pax Silica. Inaasahang susundan ito ng pinal na kasunduan sa Nobyembre, kasabay ng pagpupulong ng ASEAN sa Maynila na inaasahang dadaluhan ni Pangulong Donald Trump ng US.

Likas na yaman ng Pilipinas ang pagkukunan ng hilaw na materyales, lupang Pilipino ang pagtatayuan ng data centers at mga pagawaan, at napakababa ng minimum wage para sa mga manggagawa, subalit makapangyarihang banyaga ang kakamal ng pinakamalaking kita mula sa Pax Silica. Habang nananatiling lugmok ang ekonomya, nais pang magtayo ni gobyerno ni Pangulong BBM ng isang dambuhalang proyekto na makadayuhan ang oryentasyon.

Sa harap ng matinding kapabayaan ng gobyerno sa pambansang demokratikong interes ng masang Pilipino, nararapat lamang na tumindig ang malawak na numero ng mga Pilipino, kabilang na ang hanay ng kabataan-estudyante, laban sa mga anti-demokratikong layunin katulad ng Pax Silica.

Sielesyuans, sama-samang tayong kumilos at manindigan upang masidhing tutulan ang Pax Silica!

Naninindigan kami sa pagtutol laban sa mga sumusunod na punto:

1. Pagpapalayas sa mga magsasaka at pambansang minorya mula sa kanilang lupang sinasaka at minana
Sa Capas, Tarlac, maraming pamilya ng mga magsasaka at Aeta ang apektado sa pangangamkam ng kanilang kabuhayan at lupaing ninuno dahil sa Pax Silica. Maging ang halagang iniaalok ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na โ‚ฑ30.00 kada meter square ay napakababa at isang pambabastos kung ihahambing sa tunay na halaga ng lupang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga magsasaka. Higit sa pagkakaroon ng titulo, kinikilala rin ang karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupang ninuno batay sa kanilang matagal nang paninirahan at paggamit dito. Sa pagpapatupad ng mga proyektong kaugnay ng Pax Silica, buong pamayanan ang maaaring maapektuhan at mapaalis sa kanilang lupain.

2. Banta sa suplay ng tubig at kuryente ng mamamayan
Ayon kay BCDA Chief Joshua Bingcang, mangangailangan ang mga pasilidad na kaugnay sa Pax Silica ng 65-90 milyong litro ng tubig. Aniya rin, kakain ito ng 3,000 MW (megawatts) ng kuryente kada araw, na humigit-kumulang 19.2% na katumbas ng inaasahang peak electricity demand ng Luzon ngayong 2026 (15,600 MW), o 16% ng kasalukuyang grid capacity ng Luzon. Kapantay nito ang napakalaking konsumo ng isang buong lungsod at sapat na kuryente para sa daan-daang libong kabahayan. Sa halip na tiyaking sapat ang suplay at abot-kaya ang presyo ng tubig at kuryente para sa mamamayan, nanganganib na higit na mailaan ang mga suplay nito para sa pagpuno ng pangangailangan ng malalaking Data Centers. Sa huli, maaaring ang karaniwang mamamayan pa ang magbayad ng mas mataas na halaga o mawalan ng sapat na access sa kuryente at tubig.

3. Matinding pagsubasta sa kalikasan
Nababahala ang mga siyentista at grupong makakalikasan sa posibleng polusyon ng nakalalasong residues mula sa data centers at pagawaan ng semiconductor. Maaaring matagpuan mula sa wastewater ng mga semiconductor ang matatapang na compounds na maaaring makapagdulot ng kanser at pagkapinsala ng mga kemikal para sa kalikasan at kalusugan tulad ng TMAH. Samantala, iginigiit din ng mga kritiko na maaaring makapagdulot ang mga AI data centers ng 10-65 milyong litro na kakulangan ng tubig sa panahon ng El Nino.

Imbes na palaguin ang pagkakaroon ng mga pambansang industriya, magiging bahagi rin ng Pax Silica ang extraction o pagmimina ng mga mineral para sa paggawa ng mga semiconductor. Ayon kay Dr. Giovanni Tapang, tagapagsalita ng grupo ng mga siyentista na Agham, sa Pilipinas itatapon ang lahat ng magreresultang basura mula sa mga minerals na gagamitin para sa paggawa ng mga piyesa ng semiconductor, ngunit hindi sa Pilipinas gagawin ang mga semiconductor.

Hindi rin Pilipinas ang gagamit sa mga malilikhang semiconductor sapagkat wala tayong pambansang industriya na maaaring magproseso rito, kundi ang mga dayuhang bansa at korporasyon; bagkus, kukunin lamang nito ang mga kritikal na mineral mula sa Pilipinas.

4. Pagsasamantala sa mura at maamong lakas-paggawa ng manggagawang Pilipino
Bagama't nangangako ang pamahalaan ng mga trabaho at pag-unlad ng industriya, walang sapat na katiyakan na ang mga ito ay magiging pangmatagalan o permanente, de-kalidad, at tunay na makikinabang ang mga manggagawang Pilipino. Istratehiko rin para sa mga dayuhang kapitalista ang pagtatayo ng mga pagawaan sa mga semikolonya kagaya ng Pilipinas dahil sa mababang pasahod sa mga manggagawa sa bansa para sa cost-cutting. Pinananatiling mababa ang sahod, kontraktwal at walang benepisyo ang katangian ng paggawa sa bansa upang makapaghikayat lalo ng mga dayuhang mamumuhunan.

5. Pinatinding neoliberalisasyon sa ekonomya ng bansa
Libre para sa US ang unang dalawang taon ng upa sa lupa ng mga proyekto sa ilalim ng inisyatibang Pax Silica. Sa halip na gamitin ang mga likas na yaman, lupa, enerhiya, at lakas-paggawa ng bansa upang paunlarin ang sariling ekonomiya at tugunan ang pangangailangan ng mamamayan, iniaangkop ang mga ito sa pangangailangan ng pandaigdigang pamilihan at dayuhang pamumuhunan.

Bahagi ang inisyatibong Pax Silica ng isang mas malawak na modelo ng huwad na pag-unlad na nakatuon sa pagbubukas ng bansa sa dayuhang kapital, pagpapaluwag sa paggamit at pagmamay-ari ng lupa at likas na yaman, at pagbebenta ng murang lakas-paggawa upang makahikayat ng pamumuhunan mula sa pandaigdigang pamilihan.

6. Pagtransporma sa Pilipinas bilang piyesa ng US war-machine
Nasasangkot ang Pilipinas sa gitgitan ng dalawang imperyalistang US at Tsina sa karera nito para sa pandaigdigang hegemonya. Tinatransporma ang Pilipinas bilang supply chain ng semiconductor at AI-based na teknolohiya ng US, na primaryang ginagamit para sa pagnenegosyo nito sa mga pandaigdigang digma, kabilang na ang mga armas at teknolohiya na ginagamit para sa pakikipaggirian nito sa Kanlurang Asya, Latin Amerika, at Silangang Europa. Istratehikal para sa pandaigdigang dominasyon ng US ang pagpwesto ng mga korporasyon nito sa mga karatig-bansa ng Tsina upang isara ang mga border ng Tsina sa kalakalan, subalit mula rito ay tinutulak ang buong rehiyon na mag-ambag sa isang giyera na wala sa ganansya ng masa.

Nakasaad sa pahayagan ng United States Government ang matinding pangangailangan sa mga semiconductor dahil ito ang pangunahing piyesa na nagbibigay buhay sa mga mahahalagang teknolohiya tulad ng smartphones, medical devices, cars, computers, at iba pa. Ang National Institute of Standards Technology (NIST) ay naatasan para magpatupad ng proyektong pagmamanupaktura at gumagawa ng mga semiconductor, ang CHIPS for America. Layunin nito na palaguin ang supply chain ng Amerika para sa mga semiconductor, patungo sa pagiging numero uno sa industriyang ito.

Isa sa mga pinaka-unang tinukoy nila kung saan ginagamit ang mga semiconductor ay ang pagpapatibay sa military systems ng Estados Unidos, tulad ng mga fighter jet. Nabanggit din rito ang paggamit sa AI, biotechnology at clean energy para sa parehong layunin. Sa gayon, higit na napapasailalim ang likas na yaman, lupa at iba pang mga yaman ng Pilipinas sa loob ng plano ng US upang mapalakas ang paghahari nito sa pandaigdigang kapital.

Imbes na umasa ang Pilipinas sa dayuhang pamumuhunan at korporatisasyon ng ating mga pampublikong serbisyo at pagmamay-ari, dapat isulong ng masang Pilipino ang Pambansang Industriyalisasyon. Dapat palayain ang ating bansa sa tanikala ng pandaigdigang kapital, laluna sa sakal ng Imperyalistang US, at itindig ang industriyang lehitimong tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Ngunit para makamit ang pambansang industriyalisasyon, pangunahing tungkulin ng mamamayang Pilipino ang palayain ang mga lupain mula sa monopolyong pagmamay-ari ng mga malalaking Panginoong May-lupa at lokal na mga negosyante.

Ilantad ang huwad na kaunlaran at pagkawasak na dala ng Pax Silica! Isulong ang Tunay na Reporma sa Lupa at Pambansang Industriyalisasyong Pilipino bilang tugon sa malubhang krisis ng mamamayan!

Sanggunian:
[1]https://www.commerce.gov/issues/semiconductor-industry
[2]https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/998587/explainer-where-will-pax-silica-get-its-water/story/
[3]https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/995915/pax-silica-ai-hub-to-consume-3-gigawatts-at-full-development-bcda/story/
[4]https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/996884/no-technology-transfer-with-pax-silica-just-waste-scientists-group/story/
[5]https://newsinfo.inquirer.net/2274123/pax-silica-brings-promise-but-at-what-cost
[6]https://www.nist.gov/chips
[7]https://www.commerce.gov/news/press-releases/2023/04/chips-america-outlines-vision-national-semiconductor-technology-center

Mga Lagda:

Organizations:
Anakbayan CLSU
Unity of Leaders and Students for the Advancement of Democratic Studentsโ€™ Rights and Welfare (USAd-DSRW)
CLSU Students for National Democracy (CLSU SND)
Independent Campus Journalistsโ€™ Union for Press Freedom (ICJUPF)
Artista at Kabataan para sa Lupa at Soberanya (AKLAS Nueva Ecija)
SINAG Party
CLSU Association of DOST Scholars
CBA Honorsโ€™ Circle
CLSU Association of Civil Engineering Students (CLSU ACES)
YES-CLSU
SAGES-PSABE CLSU
Philippine Association of Food Technologists Inc. - Zeta Chapter (PAFT-ZETA)

Student Councils and Governments:
University Supreme Student Council (USSC)
Office of the Student Regent
Office of the Vice Chairperson
USSC First-Year Committee (FYC)
USSC Students and Peopleโ€™s Rights and Welfare Committee (SPRAW)
USSC Media and Publicity Division (MPD)
USSC Climate and Environmental Action Committee (CEAC)
USSC Gender Awareness and Empowerment Committee (GAEC)
USSC Education and Research Committee (ERC)
College of Agriculture Student Council (CASC)
College of Arts and Social Sciences Student Government (CASSSG)
Corporate Student Government (CBA)
College of Engineering Student Government (CESG)
College of Fisheries Student Government (CFSG)
College of Science Student Council (CSSC)
Kabahay Student Government (KSG)
Veterinary Student Government (VSG)
College of Education Student Council (CEdSC)
Konsejo De Marketista (KdM)
Economics Student Council (ESC)
Information Technology Student Council (ITSC)
Department of Civil Engineering Student Council (DOCESC)
Development Communication Student Council (DCSC)
Biology Supreme Student Council (BSSC)
Psychology Student Council (PSC)
International Studies Student Council (ISSC)
Social Sciences Student Council (SSSC)
Department of Agricultural and Biosystems Engineering Student Council (DABE-SC)

Publications:
The Mechanics
The Plowman
The LENS
The Educator
The CBA Link
The Talons
CLSU Collegian
The Cache
The Newspeak
The Speculum

Block Sections:
BA International Studies-Global Sustainable Development 1-2
BA Literature 1-1
BA Literature 2-2
BA Social Sciences 1-1
BA Social Sciences 1-3
BA Social Sciences 2-1
BA Social Sciences 2-2
BA Social Sciences 2-3
BA Social Sciences 3-1
BA Social Sciences 3-2
BA Social Sciences 3-3
Bachelor of Childhood and Early Education 3
Bachelor of Early Education 1-2
Bachelor of Elementary Education 1-1
Bachelor of Physical Education 1-1
Bachelor of Physical Education 1-2
Bachelor of Physical Education 2-2
Bachelor of Science in Civil Engineering 2-2
Bachelor of Science in Entrepreneurship 2
BS Accountancy 1-1
BS Accountancy 2-2
BS Agribusiness 1-1
BS Agribusiness 2-1
BS Agribusiness 2-2
BS Agricultural and Biosystems Engineering 1-1
BS Agricultural and Biosystems Engineering 1-2
BS Agricultural and Biosystems Engineering 2-3
BS Agricultural and Biosystems Engineering 3-1
BS Agricultural and Biosystems Engineering 3-2
BS Agricultural and Biosystems Engineering 4-1
BS Agriculture - Agricultural Extension 3-2
BS Agriculture - Agricultural Economics 3
BS Agriculture - Animal Science (Non-Ruminant) 4
BS Agriculture - Crop Science (Agronomy) 3
BS Agriculture - Soil Science 3
BS Agriculture 1-4
BS Agriculture 1-5
BS Agriculture 1-6
BS Agriculture 1-7
BS Agriculture 2-6
BS Biology 1-1
BS Biology 1-2
BS Biology 2-1
BS Biology 2-3
BS Biology 3-1
BS Biology 3-2
BS Biology 3-3
BS Chemistry 2-1
BS Chemistry 2-2
BS Civil Engineering 1-1
BS Civil Engineering 1-4
BS Civil Engineering 2-3
BS Civil Engineering 2-4
BS Development Communication 1-3
BS Development Communication 2-2
BS Development Communication 3-3
BS Development Communication 3-4
BS Development Communication 4-1
BS Development Communication 4-2
BS Entrepreneurship 1
BS Entrepreneurship 2
BS Fisheries 2-2
BS Fisheries 3-3
BS Fisheries 4-2
BS Hospitality Management 1-2
BS Hospitality Management 2-1
BS Hospitality Management 2-3
BS Information Technology 1-6
BS Information Technology 3-5
BS Management Accounting 2
BS Management Accounting 2
BS Management Accounting 3-1
BS Management Accounting 3-1
BS Management Accounting 3-2
BS Mathematics 2
BS Mathematics 3
BS Meteorology 2-1
BS Meteorology 3
BS Psychology 1-1
BS Psychology 1-2
BS Psychology 1-3
BS Psychology 1-4
BS Psychology 2-1
BS Psychology 2-1
BS Psychology 2-2
BS Psychology 2-3
BS Psychology 3-3
BS Psychology 3-4
BS Psychology 4-1
BS Statistics 1
BS Statistics 2
BS Textile and Fashion Technology - Fashion Design 3
BS Textile and Fashion Technology 1-1
BS Textile and Fashion Technology 1-2
BSBA Economics 1
BSBA Economics 2-1
BSBA Marketing Management 2-1
BSBA Marketing Management 2-2
BSBA MKTG 2-2
BSED English 1-1B
BSED English 2-1A
BSED English 2-1B
BSED English 3-1A
BSED English 3-1B
BSED Filipino 3-5
BSED Mathematics 1-2
BSED Mathematics 2-2
BSED Science 1-3A
BSED Science 2-3
BSED Social Studies 1-4A
BSED Social Studies 3-4A
BSED Social Studies 3-4B
BSED Values Education 2-6A
Doctor of Veterinary Medicine 1-1
Doctor of Veterinary Medicine 2-2
Doctor of Veterinary Medicine 3-1

16/08/2026

CLSU, SUSPEND CLASSES NOW!

The Independent Campus Journalistsโ€™ Union for Press Freedom, a union of militant and progressive student journalists in Central Luzon State University, loudly calls for the CLSU Administration and the Science City of Muรฑoz Local Government Unit to suspend classes today, August 17.

For almost three weeks now, our campus, as reported through various accounts of CLSUans and campus journalists in the university, has been grappling with recurring flooding that has severely disrupted the academic community. Yet responses from both the CLSU Administration, the LGU, and even at the national level in Malacaรฑang have been sorely disappointing and have failed to proactively prioritize the welfare and safety of students.

We stress our call for class suspension as we recognize the grievances of the CLSU community regarding their safety in getting to and from their classes. No student should be forced to risk their safety just to attend class.

Yet we reiterate the dire need to address the root causes of recurring flooding. Ineffective drainage systems, inadequate flood-control measures, and other structural deficiencies must immediately become among the institutionโ€™s top priorities for action.

The continuous resort to asynchronous classes also damages the quality of learning. Students are left to bear the burden of disrupted education, unreliable connectivity, and unsafe conditions while institutional and infrastructural failures remain unaddressed. Until concrete and proactive measures are implemented, students are unfairly left to bridge the gap between their safety and their right to quality education.

We cannot continue with a cycle of flood, suspension, asynchronous learning, and inaction. The climate crisis has long been worsening, and the consequences are already being felt by communities like ours. It is high time for the institutions in power to listen to and heed the calls of studentsโ€”not merely when disaster strikes, but through sustained action before it does.

Among those accountable, the national government under Ferdinand โ€˜Bongbongโ€™ Marcos Jr. bears the utmost responsibility, as its failure to address the worsening climate crisis and chronic deficiencies in disaster and flood-control infrastructure continues to place communities and students at risk.

The scholars of CLSU deserve accountability, and its through our collective voice and force that we will achieve it.

The press union reiterates the call: CLSU, SUSPEND CLASSES NOW!



โ€”

Be a peopleโ€™s journalist: https://bit.ly/ICJUPFMembershipSignUpForm

"๐˜—๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค! ๐Ÿ˜ค ๐˜”๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ ๐Ÿ“ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ: ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ โœจ๐˜‰๐˜š๐˜Œ๐˜‹ ๐˜š๐˜Š๐˜ 2-3โœจ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ...
05/08/2026

"๐˜—๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค! ๐Ÿ˜ค ๐˜”๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ ๐Ÿ“ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ: ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ โœจ๐˜‰๐˜š๐˜Œ๐˜‹ ๐˜š๐˜Š๐˜ 2-3โœจ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ-๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต๐˜ถ๐˜ฅ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ โœŠ๐Ÿป ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฉ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ต ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐Ÿ—ณ๏ธ. ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜š๐˜ช๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ๐˜ถ ๐Ÿ, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฑ๐˜ข '๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด..."

๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง | Ayon sa tracking na isinagawa ng block officers, ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ% na ang voting turnout ng ๐—•๐—ฆ๐—˜๐—— ๐—ฆ๐—–๐—œ ๐Ÿฎ-๐Ÿฏ ngayong ikatlong araw ng , Agosto 5, 2026.

Para sa future educators na hindi pa nakaboboto, bukas pa rin ang voting links hanggang bukas, alas-5 ng hapon, Agosto 6, 2026 (Huwebes).

๐—ฉ๐—ผ๐˜๐—ฒ ๐˜„๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—น๐˜†! ๐Ÿ€







Happy birthday, ๐ƒ๐ž๐š๐ง ๐ƒ๐ซ. ๐…๐ฅ๐จ๐ซ๐š๐ง๐ญ๐ž ๐. ๐ˆ๐›๐š๐ซ๐ซ๐š! ๐Ÿ’Thank you for leading our college with excellence and humility that inspir...
22/07/2026

Happy birthday, ๐ƒ๐ž๐š๐ง ๐ƒ๐ซ. ๐…๐ฅ๐จ๐ซ๐š๐ง๐ญ๐ž ๐. ๐ˆ๐›๐š๐ซ๐ซ๐š! ๐Ÿ’

Thank you for leading our college with excellence and humility that inspires us, future educators, your colleagues, and everyone around you.

May God bless your new year of life with the fulfillment of all your heart's desires.

Wishing you a meaningful birthday evening, Dean! โœจ



Naka-check na ba lahat ng kailangan?
14/07/2026

Naka-check na ba lahat ng kailangan?

No caption. wkwkwkwkwkwkwkwkwkwkwk
12/07/2026

No caption. wkwkwkwkwkwkwkwkwkwkwk



 absent layout artist & captionist namin. bye.
06/07/2026



absent layout artist & captionist namin. bye.

Claiming na pasado sa quiz๐Ÿคž๐Ÿคž
01/07/2026

Claiming na pasado sa quiz๐Ÿคž๐Ÿคž


Good luck sa atin sa Thursday, nawa'y mag-react nang tama ang mga utak natin!๐Ÿ˜˜        ๐Ÿ’ป: Khrissa De Guzman
30/06/2026

Good luck sa atin sa Thursday, nawa'y mag-react nang tama ang mga utak natin!๐Ÿ˜˜










๐Ÿ’ป: Khrissa De Guzman

Address

Bantug
Munoz

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PaSiyensiya Dos-Tres posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category