27/01/2022
"PARA SA BATA, PARA SA BAYAN!"
Mulanay Community Learning Hub (CLH) Opisyal ng Binuksan
Pinasinayaan, kahapon, January 26, 2022 ang Mulanay CLH sa ating munisipyo.
Bahagi nito ang pagbabasbas ni Rev. Fr. Rommel Rosales, maiksing programa, at ang opisyal na pagbubukas ng learning hub para sa mga kabataan.
Ang CLH ay bahagi Bayanihan e-Skwela ng Angat Buhay Program mula sa Tanggapan ni Vice President Leni Robredo.
Layunin nito na magtulong tulong tayo bilang isang komunidad upang itaguyod ang edukasyon ng ating mga kabataan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Isasakatuparan ito ng grupo ng volunteers na magsisilbing tutors sa mga kabataang hirap sa modular at online classes ngayong pandemya gamit ang computers, pocket wifi, learning equipment, at learning materials mula sa Angat Buhay Program.
Pangunahing target ng tutorials ang mga elementary students samantalang ang high school at college students naman ay maaari ring gumamit ng pasilidad.
Lubos ang pasasalamat ng LGU Mulanay sa pangunguna ni Mayor JT Ojeda sa Office of the Vice President sa agaran nitong pagtugon sa kahilingan ng BPAHS at bayan ng Mulanay na maisakatuparan ang proyektong ito na pupuno sa Gobyernong Ugnay sa Tao (GUSTO) Education Program ng Pamahalaang Bayan.
Dumalo sa pagpapasinaya sina Mayor JT, Vice-Mayor Gina Acar, LGU department heads, CSO representatives, DepEd District Supervisors - Ms. Carla Caraan at Ms. Caren Grimaldo, teachers, magulang ng mga beneficiaries, higit sa lahat ang mga volunteers and tutors, PPSK Maria Edhille F. Lopez na siyang tumatayong CLH Coordinator at ang kaniyang katuwang, PDO III/GSO Jhona D. Graida, samantalang nakasama rin online si Ms. Alcariza Perigrino ng Angat Buhay.
Bukas pa rin po ang CLH sa mga naghahangad na maging volunteers.
Mulanay LGU