01/06/2026
ππ« BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF CEREMONY π«π
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang, mag-aaral, g**o, volunteers, stakeholders, at mga kaibigan ng Pio Pereda Elementary School na nakiisa sa ating Brigada Eskwela Kick-Off Ceremony.
Ang inyong presensya, oras, at pagtulong ay nagpapakita na buhay na buhay pa rin ang diwa ng bayanihan sa ating komunidad. Dahil sa inyong suporta, mas nagiging handa at maayos ang ating paaralan para sa pagbubukas ng panibagong taong panuruan.
Hindi lamang paglilinis at pag-aayos ng paaralan ang ating layunin, kundi ang sama-samang pagbuo ng isang ligtas, masaya, at makabuluhang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Maraming salamat sa inyong malasakit at pakikiisa. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtutulungan para sa ikabubuti ng bawat batang Pio's!
β€οΈ Isang paaralan. Isang komunidad. Isang layunin.