17/08/2026
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 127 ng Office of the President–Malacañang at rekomendasyon ng NDRRMC, ngayong araw, Agosto 17, ang pagpapasya hinggil sa PAGLIPAT SA ALTERNATIBONG pamamaraan ng pagkatuto o PAGSUSPINDE ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay ipinauubaya sa pagpapasya ng mga Punong Bayan at Punong Lungsod ng mga lungsod at bayan sa Lalawigan ng Quezon, at/o sa mga kinauukulang pinuno ng paaralan, kaalinsabay ang pagsasaalang-alang sa kalagayan ng panahon at iba pang mahahalagang lokal na sitwasyon sa kani-kanilang nasasakupan.