23/05/2026
Malugod naming ipinababatid ang pagdaraos ng ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐น๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ป๐ต๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ bilang bahagi ng ๐๐ธ๐ฎ-๐ณ๐ฐ ๐ง๐ฎ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ng Central Luzon State University, na gaganapin sa ๐ ๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ฑ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, ๐ฎ๐น๐ฎ๐-๐ณ:๐ฌ๐ฌ ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฎ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฟ. ๐ฃ๐ฒ๐ฑ๐ฟ๐ผ ๐. ๐๐ฏ๐ฒ๐น๐น๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฆ๐ถ๐๐ฒ.
Sa mundo ng Inhenyeriya, ang bawat dakilang imbensyon, matatag na estruktura, at makabagong teknolohiya ay nagsisimula sa isang simpleng pangarapโisang ideyang pinagyayaman ng kaalaman, hinuhubog ng tiyaga, at pinatitibay ng mga pagsubok. Tulad ng isang binhing itinatanim sa matabang lupa, ito ay inaalagaan hanggang sa ganap na sumibol at mamunga para sa kinabukasan.
Taglay ang temang โ๐๐๐ ๐๐ช๐๐๐ฉ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐ฃ๐: ๐๐๐ฃ๐๐๐ฎ๐๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐ช๐ฃ๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ, ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ๐-๐๐จ๐๐ก, ๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ช๐ ๐๐จ๐๐ฃโ, pararangalan ang mga nagsipagtapos bilang pagkilala sa kanilang sipag, tiyaga, at natatanging husay.
Ngayong taon, panahon na upang anihin at bigyang-pugay ang 385 Gintong Butil ng Kolehiyo ng Inhenyeriyaโmga mag-aaral na pinagyaman ng karunungan at pinanday ng panahon. Kabilang dito ang 94 Gintong Butil mula sa Bachelor of Science in Agricultural and Biosystems Engineering, 149 Gintong Butil mula sa Bachelor of Science in Civil Engineering, at 142 Gintong Butil mula sa Bachelor of Science in Information Technology.
Kabilang rin sa mga pararangalan ang 13 Magna Cum Laude, 83 Cum Laude, at 14 with Academic Distinction.
Kasama rin na pararangalan ang mga natatanging nagsipagtapos na nagpakita ng kahusayan sa liderato, pamahayagang pangkampus, kultural, at pampalakasan.
Ang bawat Gintong Butil ay sumasalamin hindi lamang sa tagumpay ng isang indibidwal, kundi maging sa mga sakripisyo ng pamilya, paggabay ng mga g**o, at suporta ng komunidad na naging bahagi ng kanilang paglalakbay tungo sa tagumpay.
Kaisa sa makabuluhang pagdiriwang na ito ang ating Panauhing Pandangal at Tagapagsalita, Hon. Dr. Ireneo C. Agulto, Miyembro ng Professional Regulatory Board of Agricultural and Biosystems Engineering, Professional Regulation Commission (PRC).
Upang maging bahagi rin ang pamilya, mga kaibigan, at ang mas malawak na komunidad sa pagdiriwang na ito, ang programa ay maaari ring mapanood sa pamamagitan ng Live Stream sa opisyal na page ng Kolehiyo ng Inhenyeriya.
Pagbati sa ating mga Gintong Butil ng Kolehiyo ng Inhenyeriyaโmga bagong tagapaglikha, tagapagpanday, at mga propesyunal ng kinabukasan!