09/11/2023
𝐓𝐈𝐆𝐍𝐀𝐍 🔍
Isa sa programa ng Department of Agriculture ang Mechanization Program na layuning pataasin ang competitiveness ang kakayahan ng ating mga magsasaka sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong makinarya pang-agrikultura
Kaya naman, upang magbigay suporta sa mga ganitong programa, sumadya ang aming team sa Sitio Anuling, Brgy. Sta. Barbara, Iba, Zambales noong ika-7 ng Nobyembre, 2023 para matunghayan ang drone seeding gamit ang hybrid seeds na LongPing 2096.
Inabot lamang ng 18 hours para sa dalawampung ektaryang sakahan ang natamnan gamit ang drone seeding technology ng New Hope Corporation.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga farmer cooperators, mga magsasaka ng Sitio Anuling at mga opisyal ng DA Iba, Zambales sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Sir Joey Alvior.
Bawat isa sa kanila ay malakas ang kumpyansa na mataas ang aanihin nito para sa Dry Season 2023.
Inaasahan na ito ay aani sa Pebrero 2024 🌾
Abangan! 💙💛
🌾