27/07/2025
Mainit ang sikat ng araw noong muling bumukas ang tarangkahan ng unibersidad. Malinaw pa rin sa alaala ang mga litratong kuha noong unang araw, kung saan tayoโy nagtipon sa isang sulok, bitbit hindi lamang ang payong at bag, kundi pati ang kagalakan sa ating mga puso.
Sa wakas, nakatungtong na tayo sa buhay-Kolehiyo.
Ang bilis talaga ng panahon. Kahapon lang tayo ay mga batang takot mahuli sa klase, nangangapa sa mga pasilyo ng isang mundong hindi pamilyar, kinakabahan sa bawat bunot ng maliit na parihabang papel. Walang tulog at walang kain, maipasa lamang ang proyektong halos nagpahinto sa ating hininga.
Lumipas ang mga taon, at ngayoโy nasa huling yugto na tayo.
Aninag na ang liwanag ng pagtatapos, habang dahan-dahan nating binabalikan ang mga nakaraang kabanata. Mga pahinang ang laman ay mga litratong kuha sa loob at labas ng silid-aralan, mga alaala na hindi niluma ng panahon sapagkat nananatiling sariwa sa ating isipan.
May mga gabing tahimik ngunit ramdam ng bawat isa ang bigat. May mga araw na hindi kailangang sambitin ang pagod at pangamba, dahil alam nating lahat. May mga hakbang tayong ginawa kahit walang tiyak na direksyon. Naligaw at nadapa pero bumangon.
Hindi man sabay-sabay ang ating takbo,
Hindi man pare-pareho ang ating ruta,
may kanya-kanya naman tayong paraan ng pagdating.
Sa kabila ng rumaragasang mga pagsubok, patuloy tayo sa pagsuong, dala ang pagod, dala ang mga kwento ng bawat kahapon, at ang natitirang pahina upang isulat ang huling kabanata.
Nakahanda na rin ang espasyo para sa huling litrato, kung saan hawak na natin ang bunga ng lahat ng sakripisyo at patuloy na pagbangon.
Kayaโt kapit lang, malapit na tayo.