CHSI - Kabahay Student Government

Directions Contact the school

CHSI - Kabahay Student Government The official page of the College of Home Science and Industry Kabahay Student Government

𝗜𝗡𝗗𝗔𝗞, 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬! 🇵🇭🇰🇷Mula sa Central Luzon State University, patungo sa South Korea ang ating mga kabahay mula sa Col...
29/09/2026

𝗜𝗡𝗗𝗔𝗞, 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬! 🇵🇭🇰🇷

Mula sa Central Luzon State University, patungo sa South Korea ang ating mga kabahay mula sa College of Home Science and Industry!

Ngayong 2026, makikibahagi sina 𝗡𝗮𝘀𝗵 𝗔𝗻𝘁𝗵𝗼𝗻𝘆 𝗥𝗮𝗺𝗼𝘀, 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗔𝘀𝗵𝗹𝗲𝘆 𝗔𝗿𝘂𝗰𝗮𝗻, at 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗙𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗱𝗲𝘇, kasama ang iba pang delegates ng CLSU, sa 𝗔𝗻𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘀𝗸𝗱𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 at 𝗖𝗵𝗲𝗼𝗻𝗮𝗻 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲, dala ang talento, kultura, at sining na atin.

Nawa’y sa bawat indak, maramdaman ninyo ang suporta ng mga kabahay na kasama ninyo sa bawat hakbang. Sa bawat pagtatanghal, nawa’y maging alaala ito ng isang paglalakbay na inyong ipagmamalaki.

Indak, mga Kabahay! Ipakita ninyo ang galing at puso ng CLSU sa South Korea! 🇵🇭✨

Para sa CLSU. Para sa sining. Para sa Pilipinas. 🇵🇭

26/09/2026

REPOST | May nararamdamang sakit?
Wag itong balewalain!

Kasama si Dra. Josephine M. Fabricante, alamin natin kung ano-ano nga ba ang mga cases sa Outpatient Department (OPD), at kung ano ang mga maituturing na Emergency.

Wastong oras, wastong serbisyo, wastong alaga.


REPOST | Feeling under the weather at kailangan ng check-up? 🤒Bago pumunta sa CLSU Infirmary, siguraduhing alam mo kung ...
26/09/2026

REPOST | Feeling under the weather at kailangan ng check-up? 🤒

Bago pumunta sa CLSU Infirmary, siguraduhing alam mo kung kailan available ang serbisyong kailangan mo. 📝

Para hindi malito, you may save this post for your next visit. 📥

Wastong oras, wastong serbisyo, wastong alaga.


REPOST | Hello! Pwede magtanong? Alam mo ba ang schedule ng University Health Services o Infirmary? 🏥⏰Oh, teka, baka hin...
26/09/2026

REPOST | Hello! Pwede magtanong?

Alam mo ba ang schedule ng University Health Services o Infirmary? 🏥⏰

Oh, teka, baka hindi ka sigurado sa aming schedule at kung ano ang mga available services dito, ha?

Know our facility hours and service schedules before your visit! ✅
You may save this post for your next visit.

Wastong oras, wastong serbisyo, wastong alaga.


Hello! Pwede magtanong?

Alam mo ba ang schedule ng University Health Services o Infirmary? 🏥⏰

Oh, teka, baka hindi ka sigurado sa aming schedule at kung ano ang mga available services dito, ha?

Know our facility hours and service schedules before your visit! ✅
You may save this post for your next visit.

Wastong oras, wastong serbisyo, wastong alaga.


Calling all Mobile Legends: Bang Bang players from the College of Home Science and Industry (CHSI)!CHSI teams who wish t...
25/09/2026

Calling all Mobile Legends: Bang Bang players from the College of Home Science and Industry (CHSI)!

CHSI teams who wish to participate in the upcoming INTRAMURALS (INTRAMS) MLBB tryouts are invited to register through this form.

📅 Date: October 16, 2026
⏰ Time: 1:00 PM
📍 Venue: Beside the DHM Hall

Please accomplish this form once per team and make sure that all information provided is complete and accurate.

Each team is expected to submit the names and details of its players and designate a team captain/contact person.

Important: Registration through this form does not automatically guarantee inclusion in the final CHSI MLBB team. Players/teams will still undergo the scheduled tryout process.

Registration is until October 15, 2026; 5:00 PM.

REGISTER HERE:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScSX-VPjKuAPj7_gR5icOI8lmdR-oqil9m3ILm8jXgi_9tZYQ/viewform?usp=send_form

See you on the battlefield! ⚔️🎮

Are You the Next Mr. & Ms. CHSI❔ 👑The Kabahay Student Government invites all aspiring candidates to join the Screening f...
22/09/2026

Are You the Next Mr. & Ms. CHSI❔ 👑

The Kabahay Student Government invites all aspiring candidates to join the Screening for the Search for Mr. & Ms. CHSI your chance to represent our college in the upcoming Mr. & Ms. CLSU Pageant! 🩷🐦‍🔥 This is your opportunity to showcase your character, confidence, beauty, and blazing CHSI spirit as you step into the spotlight and represent our college with grace, pride, and purpose ✨

✨Eligibility
• Candidates must be a regular student of the College of Home Science and Industry (CHSI).
• Minimum height requirement: At least 5’4” for female candidates and 5’5” for male candidates.

Think you have what it takes to be the next Mr. or Ms. CHSI? Your journey starts here!

REGISTER HERE:
https://forms.gle/zLgaHtXJMQGzUFom6
https://forms.gle/zLgaHtXJMQGzUFom6
https://forms.gle/zLgaHtXJMQGzUFom6

21/09/2026

REPOST | Yoohoo! Dito ang tingin! 🚨

✅ Trusted source ng health information?
🏥 Services na available?�⏰ Schedule ng services?

Makikita ‘yan lahat dito sa CLSU Health and Medical Services page!


𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙠𝙖 𝙗𝙖 𝙨𝙤𝙧𝙧𝙮 𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙤𝙧𝙧𝙮? 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝙖𝙠𝙤 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡.Midterm szn na mga kabahay! Mag review or m...
05/09/2026

𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙠𝙖 𝙗𝙖 𝙨𝙤𝙧𝙧𝙮 𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙤𝙧𝙧𝙮? 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝙖𝙠𝙤 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡.

Midterm szn na mga kabahay! Mag review or mag yearn?

Kidding aside! We wish every kabahay a good grades, a healthy mind and body during the midterms exam period. Remember that every late-night review, every page you read, and every effort you make will be worth it.

Goodluck on your exams, Kabahay!

25/08/2026

𝗣𝗨𝗟𝗦𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗜 𝗖𝗛𝗦𝗜 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗘𝗥𝗜𝗢𝗗 𝗥𝗘𝗦𝗖𝗛𝗘𝗗𝗨𝗟𝗘𝗗

In consideration of the recent class suspensions and the implementation of asynchronous classes in the previous weeks, the College Electoral Board (CEB) hereby announces the rescheduling of the application period for CHSI HALALAN 2026.

The application for aspiring candidates, originally scheduled on August 25, 2026, has been moved to August 28, 2026. This adjustment aims to provide interested candidates with additional time to prepare the necessary requirements and ensure a smooth and organized application process.

The College Electoral Board encourages all aspiring candidates to utilize this extended period to complete their preparations and be guided accordingly by the official election guidelines.



TUTULAN ANG PAX SILICA! Lupa at soberanya, hindi huwad na pag-unlad at kontra-mamamayang teknolohiya! Tunay na reporma s...
21/08/2026

TUTULAN ANG PAX SILICA! Lupa at soberanya, hindi huwad na pag-unlad at kontra-mamamayang teknolohiya! Tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, hindi imperyalistang pandarambong!

Kami, ang nagkakaisang komunidad ng CLSU, ay mariing tumututol laban sa inisyatibang Pax Silica at sa mga proyektong kaugnay nito, kabilang na ang pagtatayo ng malalaking data center at pasilidad para sa industriya ng semiconductor, sa pagkakait sa karapatan sa lupa ng pambansang minorya at magsasaka, pananamantala sa likas na yaman ng Pilipinas para sa kapakinabangan ng dayuhan, pagkasira ng kalikasan, at pagsagasa sa soberanya ng Pilipinas.

Higit pa rito, kinokondena namin ang Rehimeng Marcos Jr. sa higit na pagyukod ng ekonomya ng bansa para sa pagsalang ng makadayuhang interes sa halip na isulong ang pagtugon sa mga krisis ng sambayanan. Dapat nating igiit ang pagbatay ng anumang pambansang patakaran sa teknolohiya at industriya tungo sa malawakang kagalingan at interes ng mga Pilipino, seguridad ng mamamayan, at demokratikong pagpapasya— hindi sa dikta ng pandaigdigang kompetisyon sa tubo at interes ng malalaking korporasyon!

Ang Pax Silica ay isang alyansang itinatag at pinangungunahan ng US na naglalayong tiyakin at patatagin ang tuloy-tuloy na suplay ng mga semiconductor, at mga pasilidad na kinakailangan sa pagpapaunlad ng Artificial Intelligence (AI) tulad ng mga dambuhalang AI data centers. Ayon mismo sa US Department of State, ang inisyatibo na ito ay inilulunsad bilang malawak na hakbang ng US para sa pagpapalawak ng impluwensiya nito sa pandaigdigang industriya ng makabagong teknolohiya, lalo na sa industriya ng semiconductors. Sambit din nila ang paggamit sa Pax Silica bilang paraan upang mahigitan ang karibal na imperyalistang Tsina sa supply chain ng mga semiconductor.

Sa likod ng ipinapangakong pag-unlad at pagsulong ng makabagong teknolohiya, malinaw na nakapakete rito ang pansariling interes ng US at ng malalaking dayuhang korporasyon. Ang pagkamkam sa 1,620 ektaryang lupain sa New Clark City ay isang malinaw na halimbawa na kaya lang isakripisyo ng estado ang lupain at kapakanan ng mamamayan para sa interes ng dayuhang pamumuhunan. Sa ganitong kalakaran, hindi lamang lupa ang nanganganib na maagaw sa mga mamamayan ng Pilipinas, kundi pati ang ating kabuhayan, kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan.

Noong ika-16 ng Abril, opisyal nang lumagda ang Pilipinas sa isang deklarasyon hinggil sa pagsali nito sa inisyatibang Pax Silica. Inaasahang susundan ito ng pinal na kasunduan sa Nobyembre, kasabay ng pagpupulong ng ASEAN sa Maynila na inaasahang dadaluhan ni Pangulong Donald Trump ng US.

Likas na yaman ng Pilipinas ang pagkukunan ng hilaw na materyales, lupang Pilipino ang pagtatayuan ng data centers at mga pagawaan, at napakababa ng minimum wage para sa mga manggagawa, subalit makapangyarihang banyaga ang kakamal ng pinakamalaking kita mula sa Pax Silica. Habang nananatiling lugmok ang ekonomya, nais pang magtayo ni gobyerno ni Pangulong BBM ng isang dambuhalang proyekto na makadayuhan ang oryentasyon.

Sa harap ng matinding kapabayaan ng gobyerno sa pambansang demokratikong interes ng masang Pilipino, nararapat lamang na tumindig ang malawak na numero ng mga Pilipino, kabilang na ang hanay ng kabataan-estudyante, laban sa mga anti-demokratikong layunin katulad ng Pax Silica.

Sielesyuans, sama-samang tayong kumilos at manindigan upang masidhing tutulan ang Pax Silica!

Naninindigan kami sa pagtutol laban sa mga sumusunod na punto:

1. Pagpapalayas sa mga magsasaka at pambansang minorya mula sa kanilang lupang sinasaka at minana
Sa Capas, Tarlac, maraming pamilya ng mga magsasaka at Aeta ang apektado sa pangangamkam ng kanilang kabuhayan at lupaing ninuno dahil sa Pax Silica. Maging ang halagang iniaalok ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na ₱30.00 kada meter square ay napakababa at isang pambabastos kung ihahambing sa tunay na halaga ng lupang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga magsasaka. Higit sa pagkakaroon ng titulo, kinikilala rin ang karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupang ninuno batay sa kanilang matagal nang paninirahan at paggamit dito. Sa pagpapatupad ng mga proyektong kaugnay ng Pax Silica, buong pamayanan ang maaaring maapektuhan at mapaalis sa kanilang lupain.

2. Banta sa suplay ng tubig at kuryente ng mamamayan
Ayon kay BCDA Chief Joshua Bingcang, mangangailangan ang mga pasilidad na kaugnay sa Pax Silica ng 65-90 milyong litro ng tubig. Aniya rin, kakain ito ng 3,000 MW (megawatts) ng kuryente kada araw, na humigit-kumulang 19.2% na katumbas ng inaasahang peak electricity demand ng Luzon ngayong 2026 (15,600 MW), o 16% ng kasalukuyang grid capacity ng Luzon. Kapantay nito ang napakalaking konsumo ng isang buong lungsod at sapat na kuryente para sa daan-daang libong kabahayan. Sa halip na tiyaking sapat ang suplay at abot-kaya ang presyo ng tubig at kuryente para sa mamamayan, nanganganib na higit na mailaan ang mga suplay nito para sa pagpuno ng pangangailangan ng malalaking Data Centers. Sa huli, maaaring ang karaniwang mamamayan pa ang magbayad ng mas mataas na halaga o mawalan ng sapat na access sa kuryente at tubig.

3. Matinding pagsubasta sa kalikasan
Nababahala ang mga siyentista at grupong makakalikasan sa posibleng polusyon ng nakalalasong residues mula sa data centers at pagawaan ng semiconductor. Maaaring matagpuan mula sa wastewater ng mga semiconductor ang matatapang na compounds na maaaring makapagdulot ng kanser at pagkapinsala ng mga kemikal para sa kalikasan at kalusugan tulad ng TMAH. Samantala, iginigiit din ng mga kritiko na maaaring makapagdulot ang mga AI data centers ng 10-65 milyong litro na kakulangan ng tubig sa panahon ng El Nino.

Imbes na palaguin ang pagkakaroon ng mga pambansang industriya, magiging bahagi rin ng Pax Silica ang extraction o pagmimina ng mga mineral para sa paggawa ng mga semiconductor. Ayon kay Dr. Giovanni Tapang, tagapagsalita ng grupo ng mga siyentista na Agham, sa Pilipinas itatapon ang lahat ng magreresultang basura mula sa mga minerals na gagamitin para sa paggawa ng mga piyesa ng semiconductor, ngunit hindi sa Pilipinas gagawin ang mga semiconductor.

Hindi rin Pilipinas ang gagamit sa mga malilikhang semiconductor sapagkat wala tayong pambansang industriya na maaaring magproseso rito, kundi ang mga dayuhang bansa at korporasyon; bagkus, kukunin lamang nito ang mga kritikal na mineral mula sa Pilipinas.

4. Pagsasamantala sa mura at maamong lakas-paggawa ng manggagawang Pilipino
Bagama't nangangako ang pamahalaan ng mga trabaho at pag-unlad ng industriya, walang sapat na katiyakan na ang mga ito ay magiging pangmatagalan o permanente, de-kalidad, at tunay na makikinabang ang mga manggagawang Pilipino. Istratehiko rin para sa mga dayuhang kapitalista ang pagtatayo ng mga pagawaan sa mga semikolonya kagaya ng Pilipinas dahil sa mababang pasahod sa mga manggagawa sa bansa para sa cost-cutting. Pinananatiling mababa ang sahod, kontraktwal at walang benepisyo ang katangian ng paggawa sa bansa upang makapaghikayat lalo ng mga dayuhang mamumuhunan.

5. Pinatinding neoliberalisasyon sa ekonomya ng bansa
Libre para sa US ang unang dalawang taon ng upa sa lupa ng mga proyekto sa ilalim ng inisyatibang Pax Silica. Sa halip na gamitin ang mga likas na yaman, lupa, enerhiya, at lakas-paggawa ng bansa upang paunlarin ang sariling ekonomiya at tugunan ang pangangailangan ng mamamayan, iniaangkop ang mga ito sa pangangailangan ng pandaigdigang pamilihan at dayuhang pamumuhunan.

Bahagi ang inisyatibong Pax Silica ng isang mas malawak na modelo ng huwad na pag-unlad na nakatuon sa pagbubukas ng bansa sa dayuhang kapital, pagpapaluwag sa paggamit at pagmamay-ari ng lupa at likas na yaman, at pagbebenta ng murang lakas-paggawa upang makahikayat ng pamumuhunan mula sa pandaigdigang pamilihan.

6. Pagtransporma sa Pilipinas bilang piyesa ng US war-machine
Nasasangkot ang Pilipinas sa gitgitan ng dalawang imperyalistang US at Tsina sa karera nito para sa pandaigdigang hegemonya. Tinatransporma ang Pilipinas bilang supply chain ng semiconductor at AI-based na teknolohiya ng US, na primaryang ginagamit para sa pagnenegosyo nito sa mga pandaigdigang digma, kabilang na ang mga armas at teknolohiya na ginagamit para sa pakikipaggirian nito sa Kanlurang Asya, Latin Amerika, at Silangang Europa. Istratehikal para sa pandaigdigang dominasyon ng US ang pagpwesto ng mga korporasyon nito sa mga karatig-bansa ng Tsina upang isara ang mga border ng Tsina sa kalakalan, subalit mula rito ay tinutulak ang buong rehiyon na mag-ambag sa isang giyera na wala sa ganansya ng masa.

Nakasaad sa pahayagan ng United States Government ang matinding pangangailangan sa mga semiconductor dahil ito ang pangunahing piyesa na nagbibigay buhay sa mga mahahalagang teknolohiya tulad ng smartphones, medical devices, cars, computers, at iba pa. Ang National Institute of Standards Technology (NIST) ay naatasan para magpatupad ng proyektong pagmamanupaktura at gumagawa ng mga semiconductor, ang CHIPS for America. Layunin nito na palaguin ang supply chain ng Amerika para sa mga semiconductor, patungo sa pagiging numero uno sa industriyang ito.

Isa sa mga pinaka-unang tinukoy nila kung saan ginagamit ang mga semiconductor ay ang pagpapatibay sa military systems ng Estados Unidos, tulad ng mga fighter jet. Nabanggit din rito ang paggamit sa AI, biotechnology at clean energy para sa parehong layunin. Sa gayon, higit na napapasailalim ang likas na yaman, lupa at iba pang mga yaman ng Pilipinas sa loob ng plano ng US upang mapalakas ang paghahari nito sa pandaigdigang kapital.

Imbes na umasa ang Pilipinas sa dayuhang pamumuhunan at korporatisasyon ng ating mga pampublikong serbisyo at pagmamay-ari, dapat isulong ng masang Pilipino ang Pambansang Industriyalisasyon. Dapat palayain ang ating bansa sa tanikala ng pandaigdigang kapital, laluna sa sakal ng Imperyalistang US, at itindig ang industriyang lehitimong tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Ngunit para makamit ang pambansang industriyalisasyon, pangunahing tungkulin ng mamamayang Pilipino ang palayain ang mga lupain mula sa monopolyong pagmamay-ari ng mga malalaking Panginoong May-lupa at lokal na mga negosyante.

Ilantad ang huwad na kaunlaran at pagkawasak na dala ng Pax Silica! Isulong ang Tunay na Reporma sa Lupa at Pambansang Industriyalisasyong Pilipino bilang tugon sa malubhang krisis ng mamamayan!

Sanggunian:
[1]https://www.commerce.gov/issues/semiconductor-industry
[2]https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/998587/explainer-where-will-pax-silica-get-its-water/story/
[3]https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/995915/pax-silica-ai-hub-to-consume-3-gigawatts-at-full-development-bcda/story/
[4]https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/996884/no-technology-transfer-with-pax-silica-just-waste-scientists-group/story/
[5]https://newsinfo.inquirer.net/2274123/pax-silica-brings-promise-but-at-what-cost
[6]https://www.nist.gov/chips
[7]https://www.commerce.gov/news/press-releases/2023/04/chips-america-outlines-vision-national-semiconductor-technology-center

Mga Lagda:
Organizations
1. Anakbayan CLSU
2. Unity of Leaders and Students for the Advancement of Democratic Students’ Rights and Welfare (USAd-DSRW)
3. CLSU Students for National Democracy (CLSU SND)
4. Independent Campus Journalists’ Union for Press Freedom (ICJUPF)
5. Artista at Kabataan para sa Lupa at Soberanya (AKLAS Nueva Ecija)
6. SINAG Party
7. CLSU Association of DOST Scholars
8. CBA Honors’ Circle
9. CLSU Association of Civil Engineering Students (CLSU ACES)

Student Councils and Governments
1. University Supreme Student Council (USSC)
2. Office of the Student Regent
3. Office of the Vice Chairperson
4. USSC First-Year Committee (FYC)
5. USSC Students and People’s Rights and Welfare Committee (SPRAW)
6. USSC Media and Publicity Division (MPD)
7. USSC Climate and Environmental Action Committee (CEAC)
8. USSC Gender Awareness and Empowerment Committee (GAEC)
9. College of Agriculture Student Council (CASC)
10. College of Arts and Social Sciences Student Government (CASSSG)
11. Corporate Student Government (CBA)
12. College of Engineering Student Government (CESG)
13. College of Fisheries Student Government (CFSG)
14. College of Science Student Council (CSSC)
15. Kabahay Student Government (KSG)
16. Veterinary Student Government (VSG)
17. College of Education Student Council (CEdSC)
18. Konsejo De Marketista (KdM)
19. Economics Student Council (ESC)
20. Information Technology Student Council (ITSC)
21. Department of Civil Engineering Student Council (DOCESC)
22. Development Communication Student Council (DCSC)
23. Biology Supreme Student Council (BSSC)
24. Psychology Student Council (PSC)
25. International Studies Student Council (ISSC)
26. Social Sciences Student Council (SSSC)
27. Department of Agricultural and Biosystems Engineering Student Council (DABE-SC)

Publications
1. The Mechanics
2. The Plowman
3. The LENS
4. The Educator
5. The CBA Link
6. The Talons
7. CLSU Collegian
8. The Cache
9. The Newspeak
10. The Speculum

Block Sections
1. BA Social Sciences 2-1
2. BSBA Marketing Management 2-1
3. BS Development Communication 1-3
4. BS Development Communication 3-3
5. BS Development Communication 4-1
6. BS Management Accounting 3-1
7. BA Social Sciences 3-1
8. Doctor of Veterinary Medicine 3-1
9. BSED Social Studies 3-4A
10. BS Information Technology 3-5
11. BS Management Accounting 2
12. BS Biology 3-1
13. BS Development Communication 4-2
14. BSED Science 2-3
15. BSED Filipino 3-5
16. BA Social Sciences 2-3
17. BS Chemistry 2-1
18. BS Psychology 1-2
19. BS Psychology 4-1
20. BS Biology 1-2
21. BS Biology 3-3
22. BSED English 2-1B
23. BS Management Accounting 3-1
24. BS Agriculture - Soil Science 3
25. BA Social Sciences 2-2
26. BS Biology 2-3
27. BSED English 3-1A
28. BS Psychology 2-1
29. BS Psychology 2-3
30. BS Math 2
31. BA Social Sciences 1-1
32. BS Agriculture - Agricultural Economics 3
33. BS Development Communication 2-2
34. BS Agricultural and Biosystems Engineering 4-1
35. BASS 3-3
36. BSED-ENGL 3-1B

Address

College Of Home Science And Industry State University, Science City Of Muñoz
Muñoz
3119

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 9am - 3pm
Sunday 9am - 3pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CHSI - Kabahay Student Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to CHSI - Kabahay Student Government:

Shortcuts

Share