08/06/2025
📣TARA NA SA BRIGADA ESKWELA 2025! 🏫🧹🎨
Tema: "Sama-sama para sa Bayang Bumabasa"
Muli nating ipamalas ang diwa ng bayanihan! Inaanyayahan po namin ang lahat ng magulang, mag-aaral, alumni, stakeholders, at mga kaibigan ng paaralan na makiisa sa Brigada Eskwela 2025 na gaganapin mula Hunyo 9-13, 2025.
🤝 Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa ligtas, malinis, at maayos na pagbubukas ng klase!
🛠️ Ano ang maaaring maitulong?
✔️ Paglilinis at pag-aayos ng silid-aralan
✔️ Pagpipintura, pagkukumpuni, at pagtatanim
✔️ Donasyon ng mga gamit tulad ng walis, pintura, kahon ng tools, at iba pa
✔️ Pakikibahagi sa mga gawain ng paaralan
📍 Halina't magbigay ng oras, lakas, o kagamitan — anumang tulong ay mahalaga!
📸 Huwag kalimutang magdala ng ngiti, at kung maaari, i-share ang inyong Brigada moments gamit ang hashtag:
Maraming salamat po at magkita-kita tayo! 💪✨