04/09/2026
Alinsunod sa DepEd Memorandum OM-OUGOPS-2026, nakiisa ang Morong National High School sa Nationwide Simultaneous School Safety Drill nitong nakaraang Setyembre 3, 2026 upang palakasin ang kahandaan at kapasidad ng paaralan sa pagtugon sa mga insidenteng may kaugnayan sa active threats.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, sinuri at pinagtibay ang pagiging epektibo ng ating Localized School Contingency Plan, kabilang ang mga pamamaraan sa lockdown, concealment, evacuation, emergency communication, at reunification procedures.
Upang tiyakin ang kapakanan ng ating mga kabataan, isinagawa ang naturang drill nang walang partisipasyon ng mga mag-aaral. Layunin nitong protektahan ang kanilang psychological na kapakanan at maiwasan ang anumang trauma habang patuloy na sinasanay ang ating mga g**o at kawani.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng walang-sawang commitment ng Morong National High School sa pagpapanatili ng isang ligtas, handa, at matatag na paaralan para sa lahat.