10/09/2026
Hindi mo kailangan harapin ang lahat nang mag-isa. 💜
Lahat naman tayo may pinagdadaanan sa buhay natin. May mga araw na okay tayo, pero paminsan-minsan, sa sobrang bigat ng dinadala mo, parang pasan-pasan mo na ang buong mundo. 🌏 At minsan, pinipili na lang nating sarilihin ang ating nararamdaman.
Pero bakit? Dahil ba ayaw nating maging pabigat? O natatakot tayong hindi maintindihan?
Hindi natin palaging alam kung ano ang pinagdadaanan ng mga tao sa paligid natin. Kaya kahit simpleng “Kumusta ka?”, pakikinig, o pagpapakita ng malasakit ay sapat na. 🤝
Kaya ngayong Su***de Prevention Month, paalala ito sa atin na walang sinuman ang dapat harapin ang bigat ng mundo nang mag-isa. 🫂
Dahil ang bawat buhay ay mahalaga. 💜✨