Madrasah Darul Uloom Al-Imtiyaaz

Madrasah Darul Uloom Al-Imtiyaaz A Madrasah that follows Ahlus Sunnah Wal-Jama'ah Ash'ariyyah

Alḥamdulillāh, Alḥamdulillāh.Mā shā’ Allāh, nagagalak tayo na ang ating kapatid na babae ay yumakap sa Islām. Nawa’y pat...
03/06/2026

Alḥamdulillāh, Alḥamdulillāh.

Mā shā’ Allāh, nagagalak tayo na ang ating kapatid na babae ay yumakap sa Islām. Nawa’y patatagin siya ni Allāh sa pananampalataya at gabayan sa landas ng katotohanan.

Ang Islām ay relihiyon ng kapayapaan, awa, pagkakaisa, at pagtutulungan. Itinuturo nito ang paggalang sa kapwa, katarungan, at mabuting pakikitungo sa lahat ng tao. Walang lugar dito ang diskriminasyon, pang-aapi, o labis na pag-uugali. Ang Islām ay relihiyong balanse at madali, gaya ng sinabi ni Allāh at itinuro ni Rasūlullāh ﷺ.

Ang tunay na Islām ay:

* Pagsamba lamang kay Allāh ﷻ.
* Pagkakaroon ng kababaang-loob at taqwā (takot at paggalang kay Allāh).
* Pagmamahal at paggalang sa kapwa Muslim (Ikrāmul Muslimīn).
* Paglilingkod sa kapwa (Khidmah).
* Pagbibigay, pagkakawanggawa, at pagtulong sa nangangailangan.
* Pagpapalaganap ng kapayapaan, awa, at mabuting asal.

Dalangin natin:

اللَّهُمَّ ثَبِّتْهَا عَلَى الْإِسْلَامِ وَزِدْهَا إِيمَانًا وَهُدًى وَتُقًى

Allāhumma thabbith-hā ʿalal-Islām wa zid-hā īmānan wa hudan wa tuqā.

“O Allāh, patatagin Mo siya sa Islām at dagdagan Mo siya ng pananampalataya, patnubay, at kabanalan.”

Mā shā’ Allāh, tabārakallāh. Maligayang pagdating sa ating bagong kapatid sa Islām. 🤲☪️

Assalāmu ʿalaykum wa raḥmatullāhi wa barakātuh.Mā shā’ Allāh, matagumpay nating naisagawa ang Ṣalātul ʿĪd al-Aḍḥā sa buo...
03/06/2026

Assalāmu ʿalaykum wa raḥmatullāhi wa barakātuh.

Mā shā’ Allāh, matagumpay nating naisagawa ang Ṣalātul ʿĪd al-Aḍḥā sa buong Montalban sa pagkakaisa ng ating mga kapatid na Muslim at ng buong komunidad. Tunay na nakakataba ng puso na makita ang pagkakaisa, pagmamahalan, at pagtutulungan ng bawat isa para sa pagsamba kay Allāh ﷻ.

Ang pagdiriwang na ito ay paalaala ng dakilang sakripisyo nina Propeta Ibrāhīm عليه السلام at Propeta Ismāʿīl عليه السلام sa kanilang lubos na pagsunod at pagtitiwala kay Allāh. Ito ay malaking aral para sa ating īmān, pagtitiis, sakripisyo, at pagbibigay ng qurbān para sa kaluguran ni Allāh ﷻ.

Taos-pusong pasasalamat po kay Raja ng Montalban, Mayor General Ronir Evangelista, sa kanyang pakikiisa, pagmamalasakit, suporta, at pagtulong sa ating mga kapatid na Muslim tungo sa kapayapaan at pagkakaisa ng komunidad.

Lubos din ang aming pasasalamat kay Sultan sa Pilipinas, Kuya Bob ng Sultanate of Pangampong a Pilipinas Daʿwah Solidarity, Bob Datimbang Al-Hajj, sa kanyang pakikibahagi at pakikiisa sa mga Muslim. Shukran jazīlan po sa inyong suporta at malasakit.

Ganundin, taos-pusong pasasalamat sa aming Sultan sa Masiricampo sa Luzon, Retired PCOL at OIC ng Office of Muslim Affairs Rodriguez, Kuya Kernel Ebz M. Moxsir, sa mahusay na pag-organisa ng Ṣalātul ʿĪd. Mā shā’ Allāh, shukran po sa inyong dedikasyon, tulong, at pamumuno kasama ang mga staff ng OMA.

Maraming salamat din kay Sultan Masiricampo sa Pilipinas, Director Cosanie Derogongan, at sa lahat ng mga leaders ng Muslim community sa Montalban, kasama ang ating mga imām, ustādh, at buong komunidad na nagtulungan upang maging maayos, mapayapa, at matagumpay ang ating pagdiriwang ng ʿĪd al-Aḍḥā.

Taqabbalallāhu minnā wa minkum.
ʿĪd Mubārak sa ating lahat. Ameen.

Alḥamdulillāh, Alḥamdulillāh.Naging matagumpay ang pagpupulong ng bawat Madrasah sa ilalim ng Montalban Madrasah Council...
20/05/2026

Alḥamdulillāh, Alḥamdulillāh.

Naging matagumpay ang pagpupulong ng bawat Madrasah sa ilalim ng Montalban Madrasah Council sa pangunguna ni Kernel Ebra M. Moxsir. Maraming salamat po, Kuya Kernel, sa inyong malasakit, concern, at maayos na pag-organize para sa kapakanan ng mga Madrasah.

Sa ngayon, alḥamdulillāh, siyam (9) na Madrasah ang operational. Isa ito sa mahalagang hakbang ng OMA upang magkaroon ng SEC Registration at NCMF South Luzon Registration ang mga Madrasah para sa mas maayos at organisadong pamamalakad.

Taos-pusong pasasalamat din sa pamumuno ni Datu Alejandro Deron, kasama ang suporta at tulong ni chairman ng RMCC ustadh Pres oic ng Boma Basit Tahir Abas, sa kanilang pagbisita at pagsuporta sa mga kabataang estudyante ng Islam.

Nawa’y dagdagan pa ni Allāh ﷻ ang inyong kaalaman, lakas, kalusugan, at barakah sa patuloy na pagsulong ng edukasyong Islamiko at pagkakaisa ng Ummah. Āmīn yā Rabbal-ʿĀlamīn.

Alḥamdulillāh, Alḥamdulillāh.Taos-pusong pasasalamat sa pamumuno ni Datu Alejandro Deron, kasama ang tulong at suporta n...
20/05/2026

Alḥamdulillāh, Alḥamdulillāh.

Taos-pusong pasasalamat sa pamumuno ni Datu Alejandro Deron, kasama ang tulong at suporta ni Chairman sa RMCC Ustadh pres oic ng Boma Basit Tahir Abas, sa kanilang pagbisita at pagsuporta sa mga kabataang estudyante ng Islam.

Alḥamdulillāh, maraming salamat din sa ating mga ustādh at mga g**o na nagsasakripisyo ng kanilang oras upang magturo, magdisiplina, at gumabay sa mga bata sa pag-aaral ng Qur’ān — kung paano ito basahin, unawain, at isabuhay — pati na rin sa pagtuturo ng kultura at paniniwala ng Islam sa ilalim ng Adopt Madrasah Program ng NCMF.

Alḥamdulillāh, nakikita natin ang pagsisikap ng ating mga mag-aaral upang matuto ng Qur’ān, magsaulo nito, at maging mga dā‘ī, imām, at g**o ng Islam sa hinaharap. Ito ay malaking biyaya at isang mahalagang obligasyon para sa bawat Muslim na pag-aralan ang Islam at sundin ang tamang pamamaraan nito.

Nawa’y dagdagan pa ni Allāh ang kaalaman, lakas, at barakah ng lahat ng tumutulong at nagsusulong ng edukasyong Islamiko. Āmīn.

15/05/2026

Ameeen

Alhamdulillāh, naging matagumpay ang courtesy call ng mga officers ng bawat madrasah at mga ustadh sa San Isidro, Rodrig...
14/05/2026

Alhamdulillāh, naging matagumpay ang courtesy call ng mga officers ng bawat madrasah at mga ustadh sa San Isidro, Rodriguez kay butihing Kapitan Ching Jose Erick D.

Maraming salamat po, Captain Ching, sa inyong concern, suporta, at pakikibahagi para sa mga ustadh at mga madrasah sa San Isidro. Nawa’y gantimpalaan kayo ni Allāh sa inyong kabutihan at pagtulong para sa kapakanan ng mga kabataan at ng susunod na henerasyon.

Kasama sa pamumuno sina butihing OIC ng BOMA Muslim Affairs ng San Isidro na si Ustadh Abbas Tahir Basit, Ma’am Secretary Rovelyn Dayanan, at ang mga ustadh ng iba’t ibang madrasah.

Ang gawaing ito ay para sa edukasyong Islāmiko ng ating mga kabataan upang matuto sila ng Islām at Qur’ān. MashaAllāh, nawa’y pagpalain ni Allāh ang inyong pagsisikap at pagkakaisa para sa da‘wah at edukasyon.

Alhamdulillah, naging matagumpay ang meeting ng Montalban Madrasah Council kasama ang lahat ng mga ustadh mula sa iba’t ...
13/05/2026

Alhamdulillah, naging matagumpay ang meeting ng Montalban Madrasah Council kasama ang lahat ng mga ustadh mula sa iba’t ibang madrasah, mga officers, at mga official ng MMC, sa pangunguna ni Kernel Ebra M. Moxsir at ng Presidente ng Montalban Madrasah Council na si Imam Wasay Samsoden.

Ang pagtitipong ito ay para sa kapakanan ng ating mga kabataan — ang susunod na henerasyon — upang mapalakas ang kanilang pananampalataya kay Allah, pagsunod sa pamamaraan ng Propeta Muhammad ﷺ, at pag-aaral ng Qur’an at tamang pagbasa nito. Sapagkat ito ay mahalagang obligasyon ng bawat Muslim at ng ating mga anak na malaman at maunawaan ang tradisyon, kultura, at mabuting asal ng Islam.

Layunin din ng mga madrasah na hubugin ang mga kabataan na magkaroon ng respeto sa kanilang mga magulang at sa bawat kapwa tao, maging mabuting Muslim, magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan sa kabutihan, at iwasan ang mga gawaing nakakasira sa ating komunidad at maging sa ating sariling katawan.

Sa Islam, hindi maganda ang pagkakawatak-watak sapagkat nais ni Allah ang pagkakaisa ng mga Muslim sa katotohanan at kabutihan. Kaya mahalaga na ating tulungan, gabayan, at suportahan ang mga kabataan, dahil marami ang naliligaw ng landas bunga ng kakulangan ng kaalaman sa Islam at sa Qur’an.

Nawa’y pagpalain ni Allah ang lahat ng mga tumutulong, sumusuporta, at nagsisikap para sa edukasyong Islamiko at kinabukasan ng ating Ummah. Āmīn.

📖 Ang Dakilang Gantimpala ng Qurbān (Pag-aalay ng Hayop sa Eid al-Adha)📚 Mula sa Qur’an1️⃣ Sinabi ni Allah ﷻ:لَنْ يَنَال...
09/05/2026

📖 Ang Dakilang Gantimpala ng Qurbān (Pag-aalay ng Hayop sa Eid al-Adha)

📚 Mula sa Qur’an

1️⃣ Sinabi ni Allah ﷻ:

لَنْ يَنَالَ اللَّهَ لُحُومُهَا وَلَا دِمَاؤُهَا وَلَٰكِنْ يَنَالُهُ التَّقْوَىٰ مِنْكُمْ

“Hindi nakararating kay Allah ang laman o dugo ng mga inialay na hayop, kundi ang taqwā (takot at katapatan) ninyo ang nakararating sa Kanya.”

📖 Surah al-Hajj 22:37

👉 Ipinapakita nito na ang pinakamahalaga sa Qurbān ay ang sincerity at taqwā sa Allah.

📚 Hadith tungkol sa malaking gantimpala ng Qurbān

2️⃣ Sinabi ng Propeta ﷺ:

مَا عَمِلَ ابْنُ آدَمَ يَوْمَ النَّحْرِ عَمَلًا أَحَبَّ إِلَى اللَّهِ مِنْ إِهْرَاقِ الدَّمِ، وَإِنَّهَا لَتَأْتِي يَوْمَ الْقِيَامَةِ بِقُرُونِهَا وَأَشْعَارِهَا وَأَظْلَافِهَا، وَإِنَّ الدَّمَ لَيَقَعُ مِنَ اللَّهِ بِمَكَانٍ قَبْلَ أَنْ يَقَعَ عَلَى الْأَرْضِ، فَطِيبُوا بِهَا نَفْسًا

“Walang gawa ang anak ni Adan sa araw ng pagkatay na mas minamahal ni Allah kaysa sa pagpapatulo ng dugo (Qurbān). At tunay na ito ay darating sa Araw ng Paghuhukom kasama ang mga sungay, balahibo, at kuko nito. At ang dugo nito ay tinatanggap ni Allah bago pa man ito tumulo sa lupa.”

📚 Narrated by Imam al-Tirmidhi

👉 Ibig sabihin: napakalaki ng gantimpala ng Qurbān kay Allah.

🐐 🐄 🐪 Aling Hayop ang Mas Malaki ang Gantimpala?

📚 Ayon sa mga ‘Ulamā’

Mas mahal at mas malaki ang hayop → mas malaki rin kadalasan ang gantimpala dahil mas malaking sakripisyo ito.

🔹 Camel (🐪) — pinakamalaki

* maaaring para sa 7 tao
* pinakamahal
* malaking sadaqah at pagkain

🔹 Cow (🐄)

* maaari rin para sa 7 tao

🔹 Goat/Sheep (🐐🐑)

* para sa isang tao at kanyang pamilya

⸻

📚Sabi ng mga ‘Ulamā’

🔹 Sinabi ni Imam Ibn Qudamah:

“Ang pinakamainam na hady at udhiyah ay camel, pagkatapos ay cow, pagkatapos sheep.”

📚 Al-Mughnī

🔹 Sinabi ni Imam al-Nawawi:

“Mas mainam ang camel kaysa cow, at cow kaysa sheep dahil mas marami itong pakinabang sa mahihirap at mas mataas ang halaga.”

📚 Al-Majmū‘

🌟 Bakit Napakalaki ng Gantimpala?

✅ Sunnah ni Propeta Prophet Muhammad ﷺ
✅ Paglapit kay Allah
✅ Pagtulong sa mahihirap
✅ Paggunita sa sakripisyo ni Propeta Prophet Ibrahim عليه السلام
✅ Malaking sadaqah at pagsunod kay Allah

📖 Dua at Niyyah sa Qurbān

اللَّهُمَّ هَذَا مِنْكَ وَلَكَ، اللَّهُمَّ تَقَبَّلْ مِنِّي

“O Allah, ito ay mula sa Iyo at para sa Iyo. O Allah tanggapin Mo ito mula sa akin.”

🌷 Paalala

Ang tunay na sukatan ng gantimpala ay:

* ikhlāṣ (sincerity)
* taqwā
* halal na yaman
* pagsunod sa Sunnah

18/04/2026

Languwan o murit a mapiya i nyat sa kapangadi na so kyapakapasad iyan na so pud na sa south africa ago sa malaysia ago sa pakistan mashaAllah sabap sa mizabar ago myanaguntaman mangadi mashaAllah

Address

0001 Sitio Maislap Street , Sitio Maislap San Isidro, Rodriguez (Montalban) Rizal
Montalban
1860

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Madrasah Darul Uloom Al-Imtiyaaz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Madrasah Darul Uloom Al-Imtiyaaz:

Shortcuts

Share

Category