07/08/2023
STATE OF THE SCHOOL ADDRESS
MNHS- July 13, 2023
Magandang hapon sa lahat ng nagsipagtapos, sa ating mga magulang, mga g**o at kawani ng Monreal National High School, mga bisita, sa aming Confirming Officer na si G. Noel Aban….magandang hapon po sa lahat.
Martin Luther, a famous philosopher said: Intelligence plus character is the goal of true education.
Sa tagalog: Karunungan dagdagan ng kabutihang asal ang adhikain ng tunay na edukasyon.
Sa loob ng lagpas sa anim na taong panunungkulan ko bilang punongg**o ng Monreal NHS, ito lang ang pinanghahawakan kong salita. Pag di ko ito magawa, hindi ako matagumpay sa misyong itinalaga sa akin ng nasa taas.
Sa gabay ng Diyos at sa di matatawarang kooperasyon ng mga g**o, mga mag -aaral, mga magulang, mga opisyales ng barangay at local na pamahalaan, nagtagumpay po tayong maipakita sa buong Pilipinas, sa buong rehiyon ng Bikol, sa buong lalawigan ng Masbate kung ano ang meron sa Monreal National High School.
Taong 2021, itinanghal ang MNHS as top 2 Finalist sa Gawad Siklab Awards sa dalawang cetegoriya( Best YES-O School Implementer at School Head Leadership) Nanguna tayo sa buong Rehiyon ng Bikol at lalawigan ng Masbate. Maraming salamat kay Gng.Joanna Bayagosa at Bb.Sweetzel Manalo bilang tagapayo ng YES-O.
Ang award na ito ay nagsasalamin kung ano angmga extraordinaryong nagawa ng MNHS
para sa ikabubuti ng ating kumunidad.
Taong 2021 at 2022 Compliant po tayo sa ELSG – Exemplary Leadership on School Governance Y1 &Y2. Ibig sabihin ang ating paaralan ay nakasunod sa mga panununtunan kailangan para sa exemplary good school governance.
Dalawang taon na magkasunod na tinanghal tayong Division Finalist sa Best Gulayan sa Paaralan Implementer . Maraming salamat sa ating GPP Coordinators Gng. Lily Dejucos at G. Angel Tolledo. at Best Brigada Eskwela Implementer.
Dalawang taon na magkasunod na tinanghal tayong Division Finalist sa Best Brigada Eskwela Implementer . Maraming salamat sa BE Cooordinator, G. Glenn Eyas at syempre sa lahat ng
mga g**o at kawani ng MNHS.
Taong 2021 at 2022, itinanghal tayong 3 Stars sa WINS sa National, Regional at Provincial.
Salamat kay Bb. Annie Mores ang WINS Coordinator kasabay syempre lahat ng mga g**o at kawani ng MNHs.
Taong 2023, ngayon lang buwan ng Hunyo, nanalo tayo sa Saringaya Awards, Academe Category. Nanalo tayo sa mga malalaking unibersidad ng Bikol: Ang Ateneo de Naga University at Catanduanes State University. Di ba kamangha-mangha yon?.
Taong panuruan 2022-2023, Face to face classes na. Maraming contest ang sinalihan ng ating mga mag-aaral sa ibat-ibang larangan tulad ng sports, academya, Boy at Girl Scouting at iba pa.
Sa DENR Eagle Quiz- pang apat na pwesto sa Division Level.
Sa Read athon; Nanguna tayo sa English -District Level
Pangalawa tayo Filipino- District level
Taong 2023- tinanghal tayong Regional Finalist sa Gender & Development Best in Program Advocacy coined ALERT- Aid to Learners and Employees to Respond to Tribulations. Ang MNHS ay nagsagawa ng 1st Aid Training sa pamamahala ng Red Cross Team Masbate. Layunin ng training na ito na mabigyan ng mga basic skills para sa tamang pagresponde sa mga emergencies ang mga kawani ng MNHS. 2nd phase po nito ang patraining sa mga bata naang nagturo naman ay yaong mga teachers -advisers na nagtraining sa Red Cross. Maraming salamat sa GAD Focal person na si Gng. Maryjane Bolanos,DRRM Coordinator na si Gng. Joanna Bayagosa at sa GAD Ambassadress natin na syang kakatawan sa panrehiyong patimplak nitong darating na Agosto na si Bb. Joan Cristy Almojuela.
Sa pampaaralang Palaro, naging masigla ang lahat ng mga bata sa pangangalaga ng bawat Year Level Coordinator; G7- Gng. Leonard Bendal, G8- Gng.Carrel relova, G9-Gng. Ivy Distura, G10-Bb. Hazel jane Caroche, G11- Gng. Cherry Espinosa, G12- G. Noel Deocariza.
Sa District Sportsfest, itinanghal tayong Over-all Champion sa Secondary. Salamat sa ating Sports Coordinator G. Noel Deocariza
Sa Provincial Meet: Nanguna ang 3x3 basketball sa pangangalaga ng Coaches na si G. Marvin reanzo at G. Ruel Martinez. Ang swimming Boy& Girls na nasa pangangalaga ng mga coaches na sina G. Marvin James Laila at Bb. Nanette Almojuela. Ang Table Tennis Boys & Girls sa pangangalaga ng mga coaches na sina G. Yves Hispano at Gng. Kristine Pampilo. Ang Pechat Silak sa pangangalaga nna Coaches Gng. Joanna Baygosa at Bb. Joan Christy Almojuela.
Nakarating sila sa Bikol Palaro at umani ng Bronze award ang 3x3 basketball, bronze award din ang
Table tennis at ang Pechak Silat.
Sa larangan naman ng Boy at Girl Scouting,Municpal man at Pandistrito, lagging nasusungkit ng ating paaralan ang award na “Best In Camp Discipline and Cleanest Camp.
Naging Champion din tayo sa ginanap na Municipal Drum & Lyre Competition noon nakaraang
Fiesta ng Monreal.- Salamat ng marami sa DLC Coordinator na si G. Aldous Alvarez.
Sa mga patimpalak naman sa loob ng paaralan, naroon ang mga buwanang mga Gawain at patimpalak na linahukan ng ibat-ibang departamento sa pangunguna ng mga Subject Coordinator tulad ng :
1. MAPEH -Festival of Talents; sayawan, cheerdancing, etc.
sa pamumuno ng MAPEH Coordinator- Jims Marvin Laila
2. TLE - Cookfest/Nutrition Month
sa pamumuno ni Gng. Mavil Deinla at Bb. Florence Mae Saturnino
3-4 English at Filipino : Malikahing Pagbasa at Pagsulat-
sa pamumuno ni Gng. Rosemarie So at Gng. Maribel Bunan
5. Araling Panlipunan- United Nations ‘ Celebration
Sa pamumuno ni Gng. Golda Abacano
6. ESP- National Children’s Month & Values Month
Sa pamumuno ni Gng. Irmalee Magdarog
National Mental Awareness month- sa pangunguna ng Coordinator na si Bb. Nanette Almojuela
7. Science- Environmental Month kung saan maraming cleanup & tree planting activities
Sa pamumuno ni Gng. Jennifer Sorsogon
8. Math- Statistics Month
Sa pamumuno ni G. Rayverg Gebilaguin
9. SSG- Students’ Day, Teachers’ Day , Election Day—
Students’ Leaders Training- sa pamumuno ni G. Glen Eyas at ngayon ni G. Domingo Espares
Ang mas nakakataba ng puso ay yaong marinig mo sa mga g**o ng Host Schools o makita mo sa post sa Mesenger na nagsasabing: Sana All- Monreal an maggamit san amon mga rooms, Disiplinado na , malipyado pa.
Di ba itong mga papuri sa kagandahang asal ng ating mga mag aaral ay patunay na ang mga award nating natamo ay hindi lang panlabas o palabas kundi naroon ang kaakibat na kagandahang asal na naisapuso at naisagawa ng mga ating mag- aaral sa kanilang pang araw-araw na buhay.
Totoba ito maga bata?Naisapuso at naisasagawa niyo na ba ang ating Tagline?
Basta Monrealeno- Disiplinado kag Maayo na tawo.
Habang pinapanday natin ang mga kaalamang kailangan ng ating mga mag aaral, pansinin natin ang mga programang napapaloob sa School Improvement Plan upang masolusyunan ang mga problemang kinakaharap ng ating paaralan. Alam natin lahat na tayo ang pinakakaiba sa lahat ng paaralan sa lalawigan ng Masbate. Bakit? , hindi pa ngkakapandemya, hindi pa ngkakaroon ng lindol, kulang na kulang na ang ating mga silid aralan dahilan sa negative soil testing hindi tayo mapagtayuan ng mga buildings. Tinanggap natin maluwag ang hamon na ito. Nakagawa tayo ng estrahiya. Nagkaroon tayo ng Shifting of classes. Tatlong araw lang sa isang lingo. Tayo lang ang pumapasok ng maaga sa oras na alas seis y medya, uuwi ng alas singko y medya. Dahil dito, natuto tayong maging maagap sa pagpasok sa klase, sa anumang oras ng ating pupuntahan.
Dahil rin sa sitwasyong ito, napagkasunduan ng ating mga magulang na suportahan ang proyektong SMART TV-na ang kahulugan Systematic Methodologies and Approaches to Revitalize Teaching using TV. Bawat silid aralan ay dapat mayroong TV upang mapadali ang pagtuturo at maging kaakit akit sa mga bata ang leksyon.
Nagawa po natin ito 100% dahil sa suporta niyo. Labinwalong TV po ang naipundar para sa edukasyon ng ating mga mag -aaral. Maraming salamat po sa pamumuno ng ating GPTA President na si Gng. Gelyn Bartolay at sa kay Gng. Imelda Rejuso ng School Governing Council.
Meron din tayong programang SIKAP -Sistematikong Interbensyion sa kakayahang Pagbasa para sa mga batang medyo nahihirapan sa pagbasa, salamat sa mga pagpupunyagi nina Gng. Rosemarie So, Gng. Melody Cantela, Gng. Lyvinne Velasco, Gng. Maribel Bunan, Gng. Leoniza Almoradie at lahat ng Filipino at English teachers. Nagkaroon po tayo ng Reading Center /Learning Resource Center na pimumunuan naman G. Marvin Reanzo.
Kung meron sa pagbasa, meron din sa pagbilang na Programang DIMENS- Doable Interventions in Math to Enhance Numeracy Skills, sa pamumuno namn ni G. Gerald Rojas at lahat ng mga Mathematics Teachers. Naging sentro din po ito ng Research CI Group ng school sa pamumuno ni Gng. Joanna Bayagosa at ang volunteer teacher na si Gng. Carolina Ombiang. Meron silang project CARITON
Sa ICT naman kahit sasampu yong gumaganang computers piro napapakinabangan to the max naman ng mga mag aaral sa pamamahal ni G. Martin Arevalo, G. Aldrin Dejumo, G. Noel deocariza at Gng. Aileen Bartolata.
Sa programang REBAf- repair of amenities and Facilities- patuloy pong nangungumpuni ng mga rooms at mga facilities, ito naman sa pamumuno ni G. Xen Erod, G. Gary Letada at G. Rannie Almodal.
Para po uninterrupted power supply, meron din kaming proyekto dyan.. ang tawag ay SOLAR FAD- Soource of uninterrupted Light & EnerGy for A+ Service Delivery. Kahit magbrown out, tuloy ang serbisyo kasi meron kaming back up na solar power source.
Para naman sa mga batang pasaway, nagbubully, nag e escape sa klase, meron din tayong CCTV- Coping Mechanisms for Child Abuse, theft and Vandalism.
At para po empowered lahat sa anumang sakuna, meron kaming training Program ALERT: Aid to Learners & Employees to Respond to tribulations.
Ang lahat ng programang ito ay 100% nating naipatupad ngayong taon. Ito ay dahil sa di matatawarang kooperasyon ng ating mga g**o, mga mag aaral, mga magulang ,maga opisyales ng Barangay at Kumunidad.
Meron po akong ibabalita, aprub na po ang TVL track-Techvocational Track para sa taong panuruang 2023-2024. Kaya maraming pagpiilian ang inyong mga anak na working and life skills. Maraming salamat Sir David, Sir Gerald, Ma Roemarie So, Sir Aldrin Dejumo sa pagpupursiging maipasa natin lahat ng mga kailangan isumiting mga dokumento.
Sa ating Local GovernmentUnit sa pamumuno ni Kgg. Mayor Glenda Villahermosa, salamat sa palagiang pag agapay sa aming mga panganagilangan. Salamat sa pangpagamit ng libre ng Gymnasium at mga truck sa mga oras ng aming panganagilangan. Salamat sa mga pinansyal na tulong.
Sa aming punong Barangay na si Kgg. Na Kapitan Ariosto Letada, kasama ng kanyang konseho, maraming salamat po sa pinasyal at moral support.
Sa aking mga masisipag at maaasahang mga g**o at kawani ng MNHS, maraming-maraming salamat. Lagi kayong nariyan kaya patuloy ang ating inaaning tagumpay.
Sa ating mga magulang na patuloy na nagtitiwala sa ating mga kakayahan. Taos pusong pasasalamat. Hindi naming kakayanin ito kung wala kayo. Pagtulungan natin anuman ang makakabuti para sainyong mga anak.
At sa lahat ng ngdaang pagsubok, salamat, pinagtibay mo kaming lahat. Sa mga darating pang hamon, Laban lang. Patuloy nating mahalin ang MONREAL National High School.