31/07/2026
Friday is Disinfection Day! ๐งผ๐
Bagama't araw-araw naming pinananatiling malinis ang aming School-Based Feeding Program (SBFP) Center, tuwing Biyernes ay nagsasagawa kami ng mas masusing paglilinis at pagdi-disinfect ng buong silid.
Kasama rito ang pagtanggal at paglalaba ng mga seat cover at table napkin, pagmo-mop ng sahig gamit ang sabon at disinfectant, at paglilinis ng lahat ng kagamitan upang matiyak na ang bawat sulok ng feeding center ay ligtas, malinis, at kaaya-aya para sa aming mga mag-aaral.
Dahil ang kalinisan ay bahagi ng mabuting kalusugan, patuloy kaming nagsisikap na makapagbigay ng isang ligtas at komportableng kapaligiran para sa bawat batang aming pinaglilingkuran. ๐ฝ๏ธโจ