04/08/2025
ASEAN Month 2025: Pagkakaisa para sa Inklusibo at Likas-Kayang Kaunlaran
Ngayong buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang pagkakabuklod ng mga bansa sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya sa ilalim ng temang "Inclusivity and Sustainability." Sa pamamagitan ng pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng lahi, wika, at kultura, at sa pangangalaga sa kalikasan at likas na yaman, sabay-sabay nating isinusulong ang isang makatarungan, mapayapa, at matatag na kinabukasan para sa lahat. Sama-sama, sabay-sabay, iisang layunin—ASEAN para sa bawat isa. 🇵🇭🤝🌱