20/08/2026
| ๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ๐ต๐ญ
Ngayong Buwan ng Wikang Pambansa 2026, sama-sama nating ipinagdiriwang ang ating wika bilang mahalagang bahagi ng kultura, pagkakakilanlan, at pagkakaisa ng bawat Pilipino. Sa taong ito, binibigyang-diin ng pagdiriwang ang makabuluhang ugnayan ng wika at makabagong teknolohiya sa temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Sa pag-usbong ng Artificial Intelligence, patuloy nating itaguyod ang paggamit ng Wikang Filipino bilang daluyan ng kaalaman, pananaliksik, kultura, at pagkakakilanlan. Gamitin natin ang teknolohiya nang responsable, habang pinananatiling buhay, makabuluhan, at makabayan ang ating wika.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang mga wikang katutubo! โค๏ธ๐๐
__
โ๏ธ: Jessa Bulawan, JFINEX P.I.O
๐๏ธ: Ricardo Valiente Jr., JFINEX Special Committee