22/09/2026
𝐋𝐀𝐓𝐇𝐀𝐋𝐀𝐈𝐍 | 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝗮
Hindi lahat ng bayani ay may kapa. Minsan, sila ang mga taong nagsisikap upang tayo ay turuan at bigyang-pag-asa.
Mula sa pagpasok hanggang sa pag-uwi, dala-dala nila ang kanilang mga gamit at dangal upang madagdagan ang kaalaman ng bawat mag-aaral. Nagsisilbi silang ikalawang magulang dahil sa mga aral na kanilang itinuturo na maaaring dalhin hanggang sa paglaki at pag-unlad ng isang estudyante.
Hindi lamang simpleng kaalaman ang kanilang itinuturo, kundi karunungang magagamit hanggang ang pangarap ay maging katuparan at ang mithiin ay maging karangalan. Dahil sa kanilang pagsisikap na turuan ang mga mag-aaral araw-araw, may isang espesyal na buwan kung saan sila ay pinasasalamatan at binibigyan ng munting regalo—hindi lamang upang pasalamatan, bagkus upang ipakita kung gaano sila pinahahalagahan bilang ikalawang magulang sa paaralan.
Sa pagsapit ng Buwan ng mga G**o, iba't ibang paraan ang inihahanda ng mga estudyante upang maipakita ang kanilang pasasalamat sa mga g**o. May ilan na bumibili ng pagkain upang ibigay sa kanilang mga tagapagturo. Ang iba naman ay nagbibigay ng mga gamit na maaaring magamit nila. Kahit maliit lamang ang mga ibinibigay, sumisimbolo ito sa malaking pasasalamat ng mga mag-aaral.
Araw-araw man nating naipapakita ang pagpapahalaga at pasasalamat sa mga tagapagturo, mas nagiging makabuluhan ang pagkakataong inilaan para sa kanila. Pinatutunayan lamang nito na hindi lahat ng bayani ay may kapa. Minsan, sila ay nagpapakilala bilang g**o—nagsisikap upang maturuan ang mga kabataan at magsilbing nagniningning na tanglaw sa kanilang paglalakbay.
Sa lahat ng g**ong patuloy na nagtuturo, gumagabay, at nagbibigay ng pag-asa, ang buwang ito ay para sa inyo. Maraming salamat sa inyong kabayanihan at pagsisikap upang kami ay matuto at maabot ang aming mga pangarap.
𝐈𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢: Princess Johanz Bastatas
𝐃𝐢𝐛𝐮𝐡𝐨 𝐧𝐢: Shanessa Faith Omapoy