Gaket ng San Isidro NHS

Gaket ng San Isidro NHS

Share

Gaket: the Official School Publication of San Isidro NHS.. 💛😘

12/01/2026

Itapak ang Paa sa Lupa: Aral sa Tunay na Diwa ng Isports
ni: Jhon Mike P. Gapito

Sa bawat laban, hindi lamang bilis ng paa o lakas ng braso ang sukatan ng tagumpay, kundi kung paano nananatiling nakatapak sa lupa ang puso ng isang tunay na atleta.

Sa kabila ng layuning makamit ang tagumpay, may ilan pa ring manlalaro ang naliligaw ng landas na pinipiling manalo sa pamamagitan ng maruming paraan at pagsasantabi sa tunay na diwa ng sportsmanship.

May mga atleta na, sa halip na maging inspirasyon, ay ginagamit ang tagumpay upang ipagyabang ang sarili. Nakalilimutan nila na ang bawat tropeo ay walang saysay kung ito’y hindi sinamahan ng kababaang-loob at respeto sa kalaban.

Ngunit sa kabilang dako, may mga manlalarong nananatiling tapat sa prinsipyo ng patas na laban. Mas pipiliin nilang matalo nang marangal kaysa manalo sa pandaraya na isang katangian na tunay na dapat pamarisan sa larangan ng palakasan.

Ang aral ng sportsmanship ay higit pa sa pisikal na kakayahan, ito ay tungkol sa paghubog ng karakter, disiplina, at paggalang.
Sa bawat laro, ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa medalya kundi sa mabuting asal na naiiwan sa puso ng bawat kalahok.

Ang pagiging atleta ay hindi lamang tungkol sa medalya o parangal, kundi sa kakayahang magtagumpay nang may dangal at kabutihang-asal. Ang tunay na panalo ay ang paggalang sa laro at sa kapwa.

Kung pangarap mong maging isang kilalang atleta balang araw, tandaan na ang kasikatan ay may kaakibat na malaking responsibilidad. Sa bawat tagumpay at pagkabigo, panatilihin mong nakatapak ang iyong mga paa sa lupa sapagkat doon nakaugat ang tunay na karangalan ng isang manlalaro.

12/01/2026

A-SISTER ng Volleyball:
Taga Assess, Taga-Patas sa Laro
ni: Annie Rose T. Castillon

“Honesty is the best policy.”

Isang simpleng kasabihan, ngunit ito ang naging gabay ni Robelyn T. Asister—ang babaeng hindi lang kilala sa tikas at taas na parang WWE superstar, kundi sa kanyang walang kapantay na katapatan at disiplina sa loob ng volleyball court.

Simula ng Laro at Pangarap
Ipinanganak noong Hunyo 25, 1979, si Robelyn ay nagsimulang mahumaling sa volleyball noong siya’y nasa elementarya pa lamang. Sa murang edad, naipamalas na niya ang likas na galing sa palakasan—isang talento na lalo pang pinanday sa kanyang high school years, kung saan siya ay naging Palaro player noong 1996.

Hindi lang basta manlalaro, si Robelyn ay pinarangalan bilang Athlete of the Year, MVP, at nagtapos With Honors sa elementarya—mga patunay ng kanyang dedikasyon sa parehong akademiko at atletikong larangan.

Pagdating sa kolehiyo, ipinagpatuloy niya ang kanyang hilig bilang varsity player ng Saint Vincent’s College mula 1997 hanggang 2001. Sa panahong ito, mas lumalim ang kanyang pag-unawa sa laro—hindi lang bilang isang atleta, kundi bilang isang lider sa loob ng court.

Mula Manlalaro Hanggang Opisyal ng Laro
Taong 2010 nang pormal siyang naging bahagi ng Department of Education (DepEd). Sa parehong taon, naging miyembro siya ng DepEd Division Volleyball Team sa ilalim ng pamumuno ni Sir Sarahadil. Ngunit hindi dito nagtapos ang kanyang kontribusyon sa larangan ng volleyball.
Mula rin noong 2010, si Robelyn ay nagsilbing referee sa iba’t ibang paligsahan—mula barangay level hanggang regional meets. Sa bawat laban, dala niya ang tapang, disiplina, at integridad—mga katangiang nagbigay sa kanya ng respeto mula sa mga manlalaro at kapwa opisyal.

G**o, Coach, at Inspirasyon:
Sa kasalukuyan, si Robelyn ay hindi lamang referee kundi isa ring coach ng volleyball sa DepEd at sa kanilang barangay. Bilang kasapi ng Division of Zamboanga del Norte, patuloy siyang nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan—hindi lang sa pamamagitan ng kanyang mga panalo, kundi sa kanyang katapatan at kababaang-loob.

Hindi nasusukat ang tagumpay sa dami ng medalya o tropeo. Para kay Robelyn T. Asister, ang tunay na tagumpay ay ang pagpapanatili ng patas na laban, ang pagmamahal sa larong minahal mo mula pagkabata, at ang pagiging ehemplo ng propesyonalismo sa bawat aspeto ng buhay.

Sa mundo ng volleyball, siya ang tunay na A-SISTER—taga-assess, taga-patas, at tagapangalaga ng dangal ng laro.

12/01/2026

Pinababa sa Trono

Grade 11, nagpaluhod ng Grade 12 sa Intramural Meet 2025 Mens' Basketball
ni: Jonie P. Tome Jr.

Sobrang gitgit ang naramdaman ng Grade 12; dating kampeon nang nabigo silang angkinin ang kampyonato laban sa Grade 11 sa larong basketbol-panlalaki noong Setyembre 27, 2025 sa naganap na San Isidro Intramurals 2025.

Sa unang kwarter, pawang sabik ang dalawang koponan sa mini
mithing tagumpay. Sa higpit ng labanan, sumandal ang iskor sa deadlock 10-10.
Nagsipasok ang mga sunod-sunod na pagbuslo nina , Cliff Karl S. Candalisa, Lusrez Siangco at Vench Nino Siangco ng Grade 11.

Pawang di matinag ang matibay na depensa sa dalawang koponan. Idinikit nila ang iskor sa 23-24 pabor ng Grade 11, hudyat ng ikatlong kwarter. Dahil sa mga blak at wais na steals ng grade 11, nalamangan ang seniors sa iskor na 25-26.

Dahilan sa pagkabahala,tumawag kaagad ng time-out ang coach ng Grade 12 na si Ravien M. Aliawan.

Naging mahina ang depensa ng Grade 12. Kulang sila sa team
work kaya humina ang kanilang stamina.

Muling nabuhayan ng loob ang mga Grade 12 nang nagbuslo ng three-point shots si Sulit. Naikandado ang iskor sa 36-42, pabor pa rin sa Grade 11.

Sa mga nalalabing huling minuto ng tunggalian, hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang Grade 12.

Umarangkada muli ang three-point shots nina Candalisa at Kurt Martizano habang ang Grade 12 ay patuloy sa kanilang pag-rebound.

Nagawang idikit ng Grade 12 ang iskor na 52-54 ngunit bigo pa rin sila. Natapos ang laro sa iskor na 62-68.

”Di kami padadaig. Hindi namin hinayaang makalamang sila sa amin. Palaging matibay ang aming mga depensa kaya sa huling sandali ay pinababa namin sila sa trono”, ani Siangco ng Grade 11.

12/01/2026

Teachers’ Day, Umantig sa Puso ng mga G**o;
Mga Sorpresa ng Isidoreans, Hinangaan
ni: Shaina Marie R. Laranjo

Sa kabila ng mga reklamo ng mga g**o hinggil sa ilang di kanais-nais na ugali ng mga Isidoreans, kabilang na ang madalas na pagliban, walang interes sa klase, at palaging nanggugulo sa klase, muling napukaw ang kanilang damdamin at umiral ang pagiging ina sa kanilang mga estudyante sa ginanap na Teachers’ Day Celebration na inorganisa ng San Isidro National High School Supreme Secondary Learners Government (SSLG) sa pamumuno ng kanilang pangulo na si Lusrez Siangco.

Ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang taos-pusong pasasa
lamat sa pamamagitan ng mga tampok na programa, inihandog na awitin, sayaw, at munting regalo para sa kanilang mga g**o.

Nag-alay din sila ng mga bulaklak at mensahe ng pasasa
lamat bilang simbolo ng kanilang pagmamahal at pagpapahalaga sa mga g**o.

”Usahay badlongon gyud kaayo mi sa klase sa among mga maestra ug nakalimot na gani mi nga magpasalamat sa ilang gihatag nga kaayo namo sa sulod sa klase, karong adlaw sa mga teachers gusto namong ipabati diha kaninyo
kung unsa ka importante namo ang mga teachers sa among kinabuhi,”
Ibinahagi rin ni Junrey na matagal na nilang pinaghandaan ang naturang selebrasyon upang maipakita ang tunay na pagkilala sa sakripisyo ng kanilang mga g**o.

Sa panayam naman kay Mary Claire Magsanay, isa rin sa mga mag-aaral, inamin niyang labis ang kanyang pasasalamat sa mga g**o sa kabila ng kanyang mga pagkukulang. “Usahay magbasol ko nga magsukol-sukol ko og maestra. Sa ilaha ko nakat-on og pagsulat og pagbasa, niing adlaw sa mga maestra, magpasalamat ko nila gyud!” pahayag niya habang iniaabot ang bulaklak sa kanyang g**o.

Dagdag pa ni Claire, minsan daw ay nakakalimot siyang pahalagahan ang sakripisyo ng mga g**o, ngunit sa espesyal na araw na iyon ay napagtanto niyang sila ang tunay na dahilan kung bakit natuto siya at ang kanyang mga kaklase.

Naging makulay at masigla ang programa dahil sa aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang grade level na nagkaisa upang maisakatuparan ang mga inihandang pagtatanghal.

Ayon kay Mark M. Uy, punong-g**o ng San Isidro National High School, naging matagumpay ang programa sapagkat ito’y nagsilbing inspirasyon hindi lamang sa mga g**o kundi maging sa mga mag-aaral upang patuloy na pahalagahan ang ugnayan sa pagitan ng pagtuturo at pagkatuto.

12/01/2026

Baitang 10, Wagi sa 3D Poster Contest

12/01/2026

Bawat basa
may pag-asa

Want your school to be the top-listed School/college in Molave?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


San Isidro, Sergio Osmeña
Molave