07/09/2026
Isang malaking pagbati sa lahat ng campus journalists, school paper advisers, at mga tagasuporta na naging bahagi ng District Schools Press Conference (DSPC)!
Isang Tapik sa Balikat at Malaking Pagpupugay!
Sa ating mga NAGWAGI AT MAGPAPATULOY SA DIVISION LEVEL:
Mula sa paghawak ng panulat, pagkuha ng tamang anggulo sa litrato, hanggang sa pagbabalita sa radyo at telebisyon—napatunayan ninyo ang husay, tiyaga, at dedikasyon sa pamamahayag. Dalhin ninyo ang dangal ng ating distrito sa susunod na yugto. Ipagpatuloy ang pagiging boses ng katotohanan! Proud na proud kami sa inyo!
Congratulations!!! Dianna M. Lincallo, Division schools Press Conference Qualifier 🎈🎉🎆
Sa ating mga HINDI PINALAD NGAYONG PAGKAKATAON:
Hindi nasusukat sa tropeo o medalya ang tunay ninyong galing. Ang mismong pagtayo ninyo sa entablado ng DSPC at ang tapang ninyong ipahayag ang inyong boses ay isang malaking tagumpay na. Ang bawat pagsubok ay magsisilbing pagsasanay para sa mas malaking tagumpay sa hinaharap. Huwag kayong titigil sa pagsusulat, pagkuha ng larawan, at pagbabalita. Ang inyong kwento ay simula pa lamang.