22/06/2026
NATIONAL DENGUE AWARENESS MONTH CAMPAIGN ๐ข๐ฆ
Information and Advocacy Drive
Alinsunod sa Proclamation No. 1204, s. 1998, na nagdedeklara sa buwan ng Hunyo bilang National Dengue Awareness Month, ang aming paaralan ay buong pusong nakikiisa sa kampanya ng Department of Education at Department of Health upang isulong ang kalusugan, kaligtasan, at kamalayan laban sa dengue.
Layunin ng kampanyang ito na palakasin ang kaalaman ng mga mag-aaral, g**o, non-teaching personnel, magulang, at iba pang stakeholders sa pag-iwas at tamang pagkilos laban sa dengue, isang sakit na dulot ng kagat ng lamok na Aedes aegypti.
Bilang bahagi ng school-based implementation ng programang ito, isinusulong ang 4S Strategy kontra Dengue:
โ Search and Destroy โ Paglilinis at pag-aalis ng mga pinamumugaran ng lamok
โ Self-Protection Measures โ Paggamit ng proteksyon laban sa kagat ng lamok
โ Seek Early Consultation โ Agarang pagpapakonsulta kapag may sintomas ng dengue
โ Support Fogging/Spraying โ Pakikiisa sa mga hakbang ng LGU at health authorities
Isinasagawa rin sa paaralan ang regular na clean-up drive at โ4 oโclock habitโ upang matiyak ang malinis na kapaligiran at maiwasan ang pagdami ng lamok na nagdadala ng dengue virus.
Mahalagang maging alerto sa mga sintomas ng dengue tulad ng mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit ng katawan, at pantal sa balat. Ang agarang konsultasyon ay mahalaga upang maiwasan ang komplikasyon.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at aktibong pakikilahok ng buong komunidad ng paaralan, makakamit natin ang isang ligtas, malinis, at dengue-free na learning environment para sa lahat.
โKalusugan ay ating responsibilidadโsama-sama, kontra dengue!โ