20/09/2025
Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025, taos-pusong pinaaabot ang pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa gawain at kasanayan kung kaya naging matagumpay ang pagdiriwang;
⦁ sa administrasyon, sa kanilang suporta sa pagbibigay ng pahintulot na idaos ang palatuntunan sa AVR;
⦁ sa mga health services sa pagpapaubaya at pagbibigay ng oras upang maisagawa lamang ang palatuntunan;
⦁ sa mga g**o ng FIL 3 at Teach Fil 2 sa kanilang walang sawa sa pagtuturo at pakikibahagi ng kanilang mga kakayahan kung paano napahahalagahan ng mga mag-aaral ang wikang Filipino;
⦁ sa lahat ng mga mag-aaral ng BEEd 3, na buong sigla at buong husay na ipinakita ang galing sa larangan ng dula, sa pagsayaw, sa pagtula at sa pag-awit. Hindi nasayang ang hirap, at pagod sa pagsasagawa ng props kahit kapos sa oras at panahon. Ika nga sa Inglis, "the show must go on". Pinatunayan ninyo na ang pagkakaisa ay napakamahalaga upang maisakatuparan ang palatuntunan nang maayos; at
⦁ higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagbibigay ng bawat isa sa atin ng katalinuhan, kakayahan at kagandahang unawain at ibahagi ang kulay ng buhay.
Sa inyong lahat, maraming-marami pong salamat dahil napatunayan naming wika ang siyang dahilan kung bakit tayo ay nagkakaisa. Wika ang siyang dahilan kung kaya ang bawat bansa ay may pagkakakilanlan.
"PAGLINANG SA FILIPINO AT KATUTUBONG WIKA: MAKASAYSAYAN SA PAGKAKAISA NG BANSA"
31/08/2025