07/06/2026
You are warmly invited as we celebrate, remember, and reconnect at the BALIK-TANAW Grand Alumni Homecoming 2026 of Baliuag Viejo Elementary School.
Balikan natin ang masasayang alaala ng ating elementary days, ang mga pagkakaibigang nabuo, at ang mga karanasang humubog sa atin bilang mga indibidwal. Panahon na upang muling magsama-sama, magkumustahan, magbahagi ng mga kwento, at magdiwang ng ating mga tagumpay sa buhay.
Sama-sama nating balikan ang nakaraan nang may pasasalamat, ipagdiwang ang kasalukuyan nang may saya, at harapin ang hinaharap nang may pag-asa.
Tara na at maging bahagi ng isang makabuluhan at masayang reunion na puno ng tawanan, kwentuhan, at pagbabalik-tanaw!
See you on June 11, 2026 at the BALIK-TANAW Grand Alumni Homecoming 2026!