04/09/2026
Ligtas na paaralan, para sa ligtas na kinabukasan!
Handa, alerto, at ligtas! 💪
Matagumpay na isinagawa ang Simultaneous Safety Drill kaninang umaga sa Villarica Elementary School.
Layunin ng gawaing ito na sanayin ang mga mag-aaral, g**o, at kawani sa tamang hakbang at pagkilos sakaling magkaroon ng panganib. Mabilis, maayos, at may disiplinang sumunod ang lahat sa mga ipinatutupad na pamantayan sa kaligtasan—mula sa pagtago hanggang sa ligtas na paglikas patungo sa itinalagang lugar.
Ang kaligtasan ng bawat isa ay aming prayoridad. Maraming salamat sa lahat ng kalahok, sa mga g**o, magulang, at sa mga kinauukulan para sa matagumpay na aktibidad! 🇵🇭