15/08/2026
AGRIBUSINESS STUDENT SOCIETY | PINANGUNAHAN ANG RELIGIOUS CONVOCATION SA BUWAN NG AGOSTO
Matagumpay na pinangunahan ng Agribusiness Student Society ang Religious Convocation ng College of Agriculture para sa buwan ng Agosto na may temang โWalk by Faith, Not by Sightโ (2 Corinthians 5:7).
Nagsama-sama ang mga estudyante, g**o, at kawani ng Kolehiyo sa isang makabuluhang pagtitipon ng pagsamba, panalangin, at pagninilay bilang pagpapalalim ng pananampalataya at pagkakaisa ng buong pamayanan ng College of Agriculture.
Pinangunahan ni Rev. Solomon Rivas, M.Th., M.Div. ang programa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng salita ng Diyos, community prayer, at benediction na nagbigay ng inspirasyon at espirituwal na paggabay sa lahat ng dumalo.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, kinilala rin ang walong (8) birthday celebrants ng buwan ng Agosto at ipinanalangin ang kanilang buhay, pag-aaral, at mga mithiin upang patuloy silang pagpalain at gabayan ng Panginoon.
Sa College of Agriculture, nananatili ang aming pangako na humubog ng mga mag-aaral na hindi lamang mahusay sa larangan ng agrikultura, kundi mga taong matatag sa pananampalataya, may integridad, at handang maglingkod sa Diyos at sa komunidad.
Photo Credit: Southern Collegian
๐ท: Mariel Cedeรฑo Ibay