18/09/2026
✨ TAOS-PUSONG PASASALAMAT! ❤️
Lubos po ang aming pasasalamat sa TUPAD sa pangunguna ni Barangay Captain Rey J. Dearos para sa isinagawang Clean-Up Drive sa Vicente Rapacon Memorial Elementary School.
Malaki po ang naitulong ng inyong pagsisikap at serbisyo sa paglilinis at pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng aming paaralan. Ang inyong pakikiisa ay nagpapakita ng tunay na malasakit, bayanihan, at suporta sa edukasyon at sa ating mga mag-aaral.
Maraming salamat po, Barangay Captain Rey J. Dearos at sa buong TUPAD team, sa inyong oras, serbisyo, at suporta. Tunay na pinahahalagahan namin ang inyong tulong.
Maraming salamat po at mabuhay ang diwa ng bayanihan! 🙏❤️