28/08/2024
AlhamdulillΔh!
Pagpupugay at Pagbati sa mga Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Dabpil Sampulna Olandang: Isang Tagumpay sa Pansangay na Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Pagdiriwang ng mga Talento sa Filipino 2024
Mula sa Mataas na Paaralan ng Dabpil Sampulna Olandang, nais naming iparating ang aming masigabong pagbati at pagpupugay sa aming dalawang mag-aaral na sina Rahima Abdul at Shamila Mananal at sa kanilang magaling na tagasanay at g**o sa Filipino, si Ginoong Montaser A. Indinga, sa matagumpay na paglahok sa Pansangay na Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Pagdiriwang ng mga Talento sa Filipino 2024. Ang pagdiriwang na ito, na may temang "Filipino: Wikang Mapaglaya," ay ginanap ngayong araw ng Huwebes, Ika-28 ng Agosto 2024, sa Mataas na Paaralan ng Datu Embak Mangansing.
Ang aming mga mag-aaral na sina Rahima Abdul at Shamila Mananal ay nagpakita ng kahusayan at talino sa naturang patimpalak. Si Rahima Abdul, isang mag-aaral na nasa ikawalong baitang, ay nag-uwi ng ikalimang ranggo, habang si Shamila Mananal, isang mag-aaral na nasa ika-siyam na baitang, ay nag-uwi ng ikatlong ranggo sa patimpalak na tagisan ng talino. Sila ay pawang kumakatawan sa Distrito ng Nabalawag at naging huwaran ng aming paaralan sa larangan ng akademya.
Ang kanilang tagumpay ay patunay lamang na ang mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Dabpil Sampulna Olandang ay hindi nagpapahuli sa larangan ng edukasyon at talino. Ang kanilang dedikasyon at pagsisikap ay nagbunga ng karangalan hindi lamang para sa kanilang mga sarili, kundi para na rin sa buong paaralan at komunidad.
Taos-puso namin kayong binabati sa inyong kahusayan at tagumpay. Nawaβy patuloy niyong pagbutihin ang inyong pag-aaral at ipagpatuloy ang magagandang nagawa. Ang inyong tagumpay ay inspirasyon sa inyong mga kapwa mag-aaral at sa aming lahat. Mabuhay kayo at ipagmalaki ang wikang Filipino bilang wikang mapaglaya!