06/08/2026
Matagumpay na isinagawa ngayong hapon ang District Meet 2026 sa Dilangalen National High School, kung saan nagtipon ang mga mag-aaral mula sa Elpidio Singco High School, Dilangalen National High School, at Sadaan Integrated School – Junior High School upang makilahok sa iba't ibang palaro at paligsahan.
Buong siglang ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay, determinasyon, at disiplina sa iba't ibang larangan ng isports tulad ng basketball, volleyball, athletics, at chess. Higit pa sa kompetisyon, naging daan ang aktibidad upang mapaunlad ang pagkakaibigan, sportsmanship, at pagtutulungan ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan. Kitang-kita ang kasiyahan at pananabik ng bawat atleta sa pagkakataong maipakita ang kanilang talento at kakayahan.
Naging matagumpay ang paglahok ng Sadaan Integrated School – Junior High School sa tulong ng buong suporta mula sa School Head, maam Cicile D. Sembrano, Principal I, kasama ang mga g**o sa mataas na antas na sina maam Jonalyn M. Palita, maam Nedeliza B. Legada, maam Sarina S. Phari, at maam Fairoz B. Maliwanag. Hindi rin matatawaran ang walang sawang suporta ng mga magulang na naging katuwang sa paghikayat at pag-alalay sa kanilang mga anak. Ang sama-samang pagtutulungan ng paaralan, mga g**o, at mga magulang ay patunay ng kanilang iisang layunin na hubugin ang mga kabataang may husay, disiplina, at magandang asal sa loob at labas ng larangan ng palakasan.