11/06/2026
Matagumpay na isinagawa ng DepEd RXII Milaya Elementary School ang PTA General Assembly para sa Taong Panuruan 2026–2027 na dinaluhan ng mga magulang, g**o, kawani ng paaralan, at mga opisyal ng barangay. Layunin ng pagtitipon na maipaalam sa mga magulang ang mahahalagang programa, patakaran, at mga plano ng paaralan para sa bagong taong panuruan.
Sa talumpati at mga presentasyon ng punong g**o ng paaralan na si G. Regienald Baquiran , binigyang-diin niya ang kahalagahan ng matibay na ugnayan ng paaralan at tahanan sa pagtataguyod ng de-kalidad na edukasyon. Inilahad din niya ang mga programang pang-akademiko at pangko-kurikular ng paaralan na nakatuon sa pagpapaunlad ng kaalaman, kakayahan, at mabuting asal ng mga mag-aaral.
Isa rin sa mga tampok na bahagi ng programa ang Panunumpa sa Tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng PTA para sa Taong Panuruan 2026–2027. Matapos ang oathtaking, ipinakilala ang bagong hanay ng mga opisyal na mangunguna sa mga gawain at programa ng samahan para sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng buong paaralan. Kasunod nito, tinalakay ni PTA President Elviro Gelay ang mga plano at programang nakatakdang isagawa ng asosasyon sa buong taon at hinikayat ang aktibong pakikilahok ng mga magulang upang higit na mapalakas ang suporta para sa kapakanan at pag-unlad ng mga mag-aaral.
Nagbigay rin ng mensahe si Hon. Brgy. Capt. Rodrigo Villarta Jr., na nagpahayag ng kanyang patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa paaralan. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa ng barangay, paaralan, at mga magulang sa paglikha ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral.
Nagtapos ang programa sa isang bukas na talakayan kung saan naibahagi ng mga magulang ang kanilang mga katanungan at mungkahi. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at komunidad, inaasahang magiging matagumpay at makabuluhan ang Taong Panuruan 2026–2027. #