26/09/2026
๐ฃ๐๐-๐จ๐ก๐๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐๐๐ก๐๐ก๐ข? ๐ฆ๐๐ก๐ข ๐๐ก๐ ๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐๐ก๐?๐ฃ๏ธ
Sa paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng Martial Law, nagsagawa ang ๐๐๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐ค๐ข๐๐๐ช๐จ ng isang diskusyong pang-edukasyon na may temang โ๐ฟ๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ก๐โ noong ika-23 ng Setyembre. Tinalakay rito ang naratibo tungkol sa tinatawag na โGolden Era,โ gayundin ang kalagayan ng ekonomiya at buhay ng mga nasa laylayan ng lipunan sa ilalim ng diktadurang Marcos.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng dumalo, lalo na sa ating resource speaker na si ๐๐ธ๐ท๐ผ ๐ข๐ฝ๐ฎ๐น๐ฑ๐ฎ๐ท ๐๐ฒ๐ณ๐ฎ, na nagbahagi ng kanyang kaalaman upang higit na maunawaan ang mga pangyayari noong panahon ng Batas Militar at mabigyang-boses ang mga sektor na higit na naapektuhan, partikular ang sektor ng agrikultura.
Nawaโy ang mga kaalamang inyong natutuhan ay hindi lamang manatili sa loob ng silid kung saan ginanap ang diskusyon, kundi magsilbing gabay sa pag-unawa at pakikilahok sa mga usaping panlipunan na patuloy nating kinakaharap sa kasalukuyan.
Patuloy mang tinatangkang burahin o baluktutin ang kasaysayan, hindi kailanman mabubura ang ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ sa ilalim ng diktadurang Marcos.